13

2 1 0
                                    


Hindi ako matigil sa pag-ngiti dahil sa post niya na 'yun.

Pano ba naman kasi hindi naman pala-post 'yung lalaking 'yun eh! Iisang picture nga lang laman ng Instagram nun.

Kahit nung girlfriend niya pa si Carla ay ni isang post ng mukha niya ay wala akong makita tapos mukha ko meron. My gosh! Nakakaloka talaga!

I feel special dahil sa mga action ni Christian sakin. Kapag nag-hiwalay pa kami nito tatalon talaga ko sa building! Charot!

Kinabukasan ay dahil linggo ay syempre ay general cleaning ngayon. Nag-simba muna kami ni mama and ate kaninang umaga para naman mag-pasalamat sa blessing.

Nag-set muna ako ng sound dahil mas ginaganahan ako mag-linis kapag may music ako na naririnig.

Wala rin kasi si ate kaya tahimik ang buhay ko na mag-lilinis, as usual nasa galaan na naman with friends niya wala naman 'yung jowa kaya duda ako na lalaki ang kasama nun.

Si mama naman ay nasa kwarto niya at natutulog, naiintindihan ko naman siya dahil sabado at linggo lang naman ang pahinga ni mama sa trabaho kaya hindi ko na siya inistorbo.

Habang nag-lilinis ay sinasabayan ko ng pagsasayaw ang tunog ng music. May pa kendeng pa ako. Ako lang naman mag-isa kaya malakas ang loob ko sumayaw.

Habang nagpupunas ng sahig ay may nag-door bell. Nagtaka naman ako dahil wala naman akong inaasahan na bisita. At hindi rin naman sinabi ni mama na may bisita siya kaya sino 'tong nag-door bell.

Nilabas ko parin siya baka kasi importanteng tao din pero sa entrance pa lang ng pinto ay natigilan na agad ako nang mapag-sino ito.

Napangiti siya sa akin at unti-unting binaba ang mata sa kabuuan ko. Nagulat naman ako dahil biglang nanlaki ang mata niya.

"Shit! Love open the gate pls.."

Nagtaka ako sa inasta niya para kasi siyang naaligaga. Ano ba nangyari?

Sinunod ko na lang ang sinabi niya at agad-agad na lumapit sa gate para buksan siya.

Pagka-bukas ko pa lang ng gate ay agad niya akong niyakap na para akong mawawala.

"Ano ba kasing mer-"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Love next time if you're going outside, wear a bra.."

Agad-agad naman akong umalis sa pagkakayakap niya at umakyat agad sa kwarto ko para umiwas sa kahihiyan at magsuot ng bra!

Shit! Nakalimutan ko na hindi pala ko naka-bra sa bahay. Bakit nawala sa isip ko 'yun! Nakakahiya! Nakita niya yung ano ko!

Nakahiligan ko na kasi na hindi nagba-bra kapag nasa bahay lang ako kasi bukod sa maglilinis lang naman ako ay pare-pareho lang naman kaming babae sa bahay! Malay ko bang pupunta siya!

Inayos ko muna ang sarili ko at nagsuot na rin ng bra baka kasi makalimutan ko na naman. Sabihin niya sinasadya ko ng hindi magsuot ng bra.

Pagtapos ko mag-ayos ay bumaba na ulit ako at iniwasan kong kumilos ng normal at hindi nahihiya. Makapal mukha Tina diba?!

Pagbaba ko ay nasa sala na siya at may juice ng nakahanda sa maliit na lamesa sa harap niya.

"S-sinong naghanda niyan?" Tanong ko sabay turo sa juice.

"Si mama."

Wow! Naki-mama na agad ha!

Tumango naman ako sa sinabi niya at umupo sa tabi niya pero lumayo ako ng kaunti dahil nahihiya parin ako sa nangyari kanina.

Missing Your Promise (Promises Series #2)Where stories live. Discover now