1

9 1 0
                                    

"Bilis! Dalian mo!"

Nagmamadali kaming sumusunod sa lalaking high school pa lang ay gustong-gusto ko na. Sino bang hindi magkakagusto siyan gwapo, mayaman, mabango, maputi, matangkad. Oh diba perfect! My god!

"Sis! Sunod ka ng sunod diyan e hindi ka naman pinapansin niyan.."

"'Wag kang nega diyan Carla ha!" Ani ko sa kaibigan kong si Carla. Isang taon ko pa lang kaibigan si Carla simula ng unang pasukan ng first year college hanggang sa maging second college kami ay siya na ang kasama ko dito sa university. Sa lahat ng harot ko. Buti nga natitiis ako neto e.

"Tsk sinasaktan mo lang 'yang sarili mo.." Dagdag pa nito pero pinatahimik ko na lang siya.

Simula high school crush na crush ko na talaga ang isang Christian James Briones. Lagi ko siyang pinapadalhan ng kung ano-anong love letter kahit sinasabihan na ako ng tanga ng ibang tao ay pinagpapatuloy ko parin dahil gusto ko na pansinin niya 'ko. Ang kaso kahit anong gawin kong pagpapansin ay parang wala parin. Hindi niya ako pinapansin.

Hanggang sa nagcollege kami ay sinusundan ko parin siya dahil dito rin pala siya nag-aral sa university na pinasukan ko. Kaya naman tuwang-tuwa ako.

Sikat si Christian dito sa university kahit sobrang masungit at seryoso ay sobra parin siyang hinahangaan ng mga kababaehan dito at isa na ako doon. Lagi ko siyang sinusundan sa kung saan, minsan naman hindi dahil hindi ko siya minsan naabutan sa department nila.

Kilala rin naman ako sa university namin kaso nga lang bilang isang desperada. Lagi kasi nilang nasasaksihan ang pagkakapahiya ko kay christian kaya ganoon ang tawag nila sakin.

Kumakain kami ngayon sa cafeteria dahil 'andito siya. Tahimik lang siya na kumakain at walang pakialam sa paligis. May kasama siya sa table pero hindi naman niya pinapansin.

"Ang gwapo talaga niya! Shocks!" Mahinang tili ko.

Sinamaan naman ako ng tingin ng kaibigan ko. "Pwede ba kumain ka na lang. 'Wag mo na 'yang pagpantasyahan.."

"Grabe ha! Bakit ba inis na inis ka pagdating kay christian?" Ani ko na may nakakunot na noo.

"Malamang araw-araw mo binabanggit ang pangalan niya. Wala na nga atang ibang alam 'yang bibig mong sabihin kung 'di pangalan niya.." Ani ni Carla na may inis sa boses.

"Whatever.." Ani ko na lang at tinapos na ang pagkain.

Habang nagka-klase kami nagiisip ako kung ano pa ang pwede kong maibigay kay christian. Ang tagal na rin kasi noong huli ko siya binigyan ng isang bagay puro stalk lang ako sa kaniya lately.

Nakatulala lang ako hanggang sa may naisip akong gawin. Tama 'yun na lang ang ibigay ko.

Nang matapos ang klase ay agad akong nag-paalam kay Carla na uuwi ako ng maaga. Tinanong niya pa nga ako kung bakit sabi ko na lang may gagawin akong importante.

Sumakay agad ako sa taxi at nagpababa lang sa grocery store para bumili ng mga engridients para sa gagawin kong cupcakes. Yes cupcakes ang naisip kong gawin para naman maiba. Kahit hindi ako marunong mag-bake dahil puro sketch pad at lapis lang ang hawak ko, gagawin ko parin ang lahat para ma-perfect ko ang gawa ko.

Nang matapos mabili ang lahat nagbayad na agad ako sa cashier at dali-dali umuwi sa bahay. Wala si mama dahil nasa trabaho pa madalas na ako lang ang nandito sa bahay dahil ang ate ko rin ay nag-tratrabaho. Kahit pinipilit ni ate na 'wag na mag-trabaho ni mama ay papilit parin siya. Wala daw kasi siyang nagagawa dito sa bahay kung 'di maglinis lang daw ng buong bahay kaya hinayaan na ni ate. Wala na kaming papa dahil may ibang pamilya na kaya si mama na lang ang kasama naming magulang.

Kinabukasan maaga akong gumising para mag-bake. Naghilamos at nag-toohbrush muna ako bago ako bumababa.

Naabutan ko si mama sa kusina na nagluluto. Naghahanda muna kasi siya ng breakfast namin bago siya pumasok sa trabaho.

"Oh anak ang aga mo ata ngayon nagising.." Bungad sakin ni mama.

"Magbe-bake kasi ako ng cupcakes ma.." Ani ko habang kumukuha ng tubig sa ref.

"Himala magbe-bake ka ata ngayon"

"Himala ba ma? Wala lang trip ko lang ngayon haha.." Tawa ko sa kaniya.

"Ewan ko sayo Athena Rose.." Ani ni mama.

"Ma 'wag mo nga akong tinatawag ng ganyan" Reklamo ko. Ayaw ko talaga na tinatawag ako sa buong pangalan ko naiinis ako. Wala lang choosy lang. Char!

Hinanda ko muna lahat ng engridients para isasalin ko na lang. Pagtapos ay nag-start na ako mag-mix. Madali ko naman nagawa 'yun dahil may sinusundan akong pinapanood sa Youtube.

Pagtapos ko mag-mix ay sinalin ko na siya para malagay ko na sa oven. After 15 minutes ay naluto na. Tinikman ko muna kung okay ang lasa para hindi ako mapahiya. Para sakin okay naman ang lasa kaya gumawa na ako para sa icing na ilalagay ko sa ibabaw.

Nang okay na aat presentable na tignan ay nilagay ko na sa box na kulay blue at nilagyan ko ng ribbon at may note pa doon na nakalagay ay 'to my love' oh diba parang jowa lang pero hindi pa sa ngayon.

Umakyat na ako sa taas para makaligo na at maka-pag handa na para sa pag-pasok. Nagsuot lang ako ng crop top shirt na hindi gaanong revealing baka kasi sawayin ako pero fit naman siya sa katawan ko partnered with jeans and white shoes.

Nang makahanda na ako ay bumaba na ako at umalis ana rin bitbit ang paper bag na may lamang bake ko kanina na cupcakes.

Nang makarating sa school dumiretso agad ako sa department ni Christian. 3rd year kasi sila kaya malayo pa ang building nila sa aming mga 2nd year. Nang makarating hinanap ko agad ang room niya. Sakto naman ata nawala ang prof nila. Sang-ayonsakin ang tadhanan. Tenchu lord.

Nakita ko siya sa pinaka-dulong upuan nakadukdok ang ulo mukhang natutulog. Nang may lumabas galing sa room nila ay sinabi ko agad na hinahanap ko si Christian. Tinawag naman niya 'yun. Nakita kong lumingon siya sa pintuan at nang makita ako ay sinimangutan niya ako, ngumiti naman ako sa kaniya ng pagkatamis-tamis.

Naglakad siya papunta sa akin na may halong inis sa mukha. Halatang hindi niya nagugustuhan ang presensya ko.

"What are you doing here?" Tanong niya na may pagkairitang kasama.

"I just want to give you this.." Sabi ko at sabay lahad sa kaniya ng paper bag na may lamang cupcakes.

"What's that?"

"Ahm cupcakes. I hope you like it." Ani ko sa kaniya at ngumiti.

"Yeah. Thank you. I hope wala ng next time."

"You're so mean huh.." Binigyan niya lang ako ng bored na look. "You know na I like you CJ.." Yes CJ ang tinatawag ko sa kaniya kapag kaming dalawa lang parang endearment ko na sa kaniya 'yun. Hindi naman siya nagrereklamo.

Nawala ang ngiti ko dahil sa naging sagot niya.

"And I don't like you, so stop bothering me because you're so annoying.." Ani niya bago bumalik sa loob ng room niya.

It hurts huh...

****

:)

Missing Your Promise (Promises Series #2)Where stories live. Discover now