Prologue

10 1 0
                                    


"'Wag ang lumayo tina ha baka mawala ka!"

Narinig kong sabi ni mama habang namimili siya ng gulay.

"Opo ma."

Nabusy ako sa pagtingin ng mga building dito sa labas. Hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong naglalakad.

Nakuha kasi ng atensyon ko ang isang building. Grabe kasi ang laki. Lumapit ako doon at nakita ko ang mga naggagandahan dress at gown.

"Wow! Ang ganda naman!" Ani ko sa aking sarili. Tinignan ko lang ang building hanggang sa magsawa ako.

"Sana mag-karoon din ako ng ganitong building pag-laki ko.." Sambit ko sa aking sarili. Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko.

"Matutupad mo 'yan kid basta mag-aral ka lang ng mabuti.." Ani ng lalaking matangkad feeling ko nasa 14 pa lang.

"Talaga po kuya?"

"Yes... at kapag nakapagtapos ka na pwedeng-pwede ka ng mag-trabaho diyan.." Ani nito na walang ekspresyon sa mukha pero gwapo siya ha.

"Okay po tutupadin ko po 'yan sinabi niyo.."

"Good... Bye for now. I hope we met someday kid.." Ani nito bago tumalikod sakin.

"Teka-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may tumawag sakin.

"Tina! Ano ka bang bata ka! Sabi ko 'wag kang aalis. Pinakaba mo ko.." Sabi ni mama.

"Sorry ma ang ganda kasi ng building na 'to oh" Sabi ko sabay turo sa building kung saan nagusap kami ng batang gwapo kanina.

"O siya sige taran umuwi na tayo, Nagaantay na ang ate mo doon.." Ani ni mama.

Hindi ko man lang natanong kung anong pangalan niya. Di bale malay mo nga mag-kita kami someday. At kapag nahanap kita sisiguraduhin kong mapapasakin ka.

Promise yan!

:)

Hello guys this is the second series of prromises. Tina and Christian.

Happy reading!

Missing Your Promise (Promises Series #2)Where stories live. Discover now