8:53 p.m
Kumakain ang dalawa ng large french fries sa kwarto ni Jonathan habang nanunuod ng Rise of the Guardians. Oo, para silang mga bata. Nanunuod padin ng mga Disney movies.
"Jo,"
"Ano?"
Nag-uusap silang dalawa pero nakatingin parin sa screen ng TV.
"Kung kamukha mo lang si Jack Frost, sasagutin na kita." Biglang sabi ni Natalie ng sumubo pa ng fries sa bibig niya.
Tumingin naman si Jonathan sakanya mula ulo hanggang paa. "Kung ikaw si Elsa, liligawan kita." Sabi naman niya.
"Then we'd be a perfect match." Dagdag ni Natalie.
Oo nga naman, pareho silang may power ng ice.
"Pero ang totoo, si Clarence ang inaasahan mo na maging si Jack, at hindi ako." Deretsong sabi ni Jonathan.
Natahimik ang dalawa ng biglang may pumasok sa isipan ni Natalie kaya siya biglang nalungkot. Kaya nilabas na ito at sinumulang tanungin si Jonathan.
"Bakit walang nagkakagusto sakin?" Biglang natanong ni Natalie.
Tahimik lang ng tiningnan si Natalie habang siya naman ay nakatingin padin sa screen.
"Ano ba ang wala sakin na meron sila?" Tanong niya ulit, yumuko.
"Wag yan ang itanong mo," Sabi ni Jonathan ng humarap narin sa screen.
"Ano pala?"
"Anong ang meron sayo na hindi nila makita."
***
Monday, 9:15 a.m
School"Okay class, I'll see you next meeting." Sabi ng teacher na lalaki na si Sir Heidi habang nililigpit ang gamit niya.
Napansin niya si Natalie na nakatulog na pala, habang si Jonathan naman ay busy naman sa cellphone na nasa ilalim ng table nito. Lumapit si sir sakanila pero ang pinansin niya ay si Natalie na napasarap ang tulog. Sinilip niya si Natalie at agad pinalo ang table ni Jonathan, doon na nakagising si Natalie.
"Sir!" Biglang sabi ni Natalie ng kaharap niya ang teacher niya na sobrang strikto.
"Yes, Ms Hermosa, you're sleeping again." Sabi niya, "I'll see you next meeting at sana hindi na ito mauulit. And as for you, Perez, pag mag cellphone ka pa during my class, kukunin ko yan at sa office mo na makukuha."
Tumango lang si Natalie pati si Jonathan, at tuluyan ng lumabas ng classroom ang teacher. Nakahinga ng maluwag si Natalie at napatingin kay Jonathan.
"Bakit hindi mo ako ginising?" Tanong ni Natalie.
Napakamot si Jonathan, "Hindi ko naman napansin eh, naglalaro ako ng Smash Hit." Sabi niya.
"Oh my gosh." Facepalm.