Ang 5 years old na si Jonathan ay hinahabol ang tumatakbong puting van, habang umiiyak.
"Kuya! Wag mo akong iwan!" Sigaw nito kahit nawawalan na siya ng boses sa kakasigaw. "Mama!"
"Jonathan! Jonathan! Wag mo na silang habulin!" Sabi naman ng tatay nito na hinahabol naman siya. "Jonathan!"
Hanggang sa napagod na nga si Jonathan sa kakatakbo at napaluhod, "Kuya!" Isa pang sigaw bago niya pakawalan ang tumatakbo na van.
Gumising si Jonathan ng may mga luha sa na tumutulo sa mga mata niya. Huminga siya ng malalim.
Pumunta siya sa banyo para maghilamos, tumingin siya sa salamin ng sandali, saka kumuha ng maliit na twalya para ipamunas sa mukha niyang basa.
Nakasalubong niya ang tatay niya na nagkakape, "Oh, Nathan, ang aga mo yatang nagising?" Tanong niya.
"Okay lang ako, dad."
"Breakfast?" Aya niya, "come on, ang tagal na nating hindi nagbe-breakfast ng sabay. I miss it."
Ngumiti si Jonathan at sinabayan na nga ang tatay nitong kumain ng umagahan.
***
Mag-isa lang si Clarence sa kwarto, malalim ang iniisip. Wala siyang suot na damit pero nakasuot ng black pants. Nilabas niya ang wallet niya sa bulsa ng pantalon ng pagbukas nito ay nakadisplay ang picture niya nung bata pa siya kasama ang isa pang lalaki na mas bata pa sakanya; kapatid niya.
Kung hindi lang ako sumama kay mama, kung hindi lang kita iniwan, makakasama pa kita. Napaluha siya. Pero ngayong wala ka na, ni libingan mo hindi ko mapuntahan, napaka-wala kong kwentang kuya sayo.
Naka-open ang pintuan ng kwarto ni Clarence kaya pumasok ng di niya namalayan ang nanay nito.
"Clark,"
Pinunasan agad ni Clarence ang mukha niya, "O ma, bakit?"
"Are you crying?" Tanong niya.
"No, I'm.. Okay lang ako."
"Anyways, may gagawin ako sa LA and it is related to work, this coming Sunday tho," Paalam ng nanay nito, "do you want to come? I mean, wala ka namang pasok eh, naisip ko na wala ka rin namang gagawin dito. LA is fun."
"I'll just stay here." Sagot ni Clarence. "I don't.. want to go anywhere."
"Oh, uhm, okay then, so I--"
"You can just bring Robert with you."
"Clark, he is your dad, where's your respect?"
"Oh right, dad." Sagot ng napipikon na Clarence. "Alam mo naman siguro na una palang ayaw ko sa lalaking yan, diba?"
Tumaas ang init ng ulo ni Elizabeth, "Clarence! Accept it, he is now my husband! Robert and I are married!"
"Iniwan ko ang kapatid ko pati si papa ng dahil sayo!" Sabi ni Clarence.
"Your father cheated on me!"
Natahmik si Clarence sa nasabi ni Elizabeth. Bumalik na naman ang lahat ng nanyare kung bakit nawasak ang pamilya at kung bakit sila naghiwalay.
Dahil sa naging successful ang ginawa nilang project, ang tatay niya, si Antonio, ay pumunta sa bahay ng ka-office mate nito, kasama pa ang iba pang katrabaho. Syempre, hindi rin maiwasan ang pagiinom, lalo na't legal sila.
Sa pag uwi ni Antonio, ng habang naglalakad, lasing, nakasalubong niya si Jonalyn.
"Oh, Antonio, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakanya habang inaalalayan niya si Antonio. "Okay ka lang ba?"
Napayuko si Antonio at nagsuka ng di oras, "Oh my goodness! Antonio, ihahatid na kita, ihahatid na kita." Sabi niya ng dinala niya siya sa kotse niya.
***
Nakarating na sila sa bahay, bumaba na ang dalawa sa kotse, "Okay, just calm down." Sabi ni Jonalyn habang hinahawakan si Antonio at pumasok na ng bahay.
"Nasaan tayo..?" Tanong ni Antonio.
Hilong-hilo pa si Antonio at hindi pa kaya ng katawan ang gumalaw ng sobra dahil sa dami nitong nainom.
"We're here. Still Elizabeth's on duty." Sabi ni Jonalyn ng ihiniga niya si Antonio sa kwarto.
Pinagmamasdan ni Jonalyn si Antonio habang natutulog ito. Matagal na siyang may pagtingin sa taong ito, pero napunta pa din si Antonio sa kapatid ni Jonalyn, si Elizabeth.
Ano ba ang meron kay Elizabeth na wala ako? Kung ako lang ang pinili mo, parehas tayong masaya. And we'll have many kids, a great life, a great love.
Hinalikan ni Jonalyn si Antonio sa labi. "Elizabeth.." Nagsalita siya, "ang aga mo namang umuwi, halika dito.." Antok na antok at pagod si Antonio para marealize niyang hindi asawa ni Antonio ang kaharap niya.
"Antonio.. Hi-hindi ako si Elizabeth." Naiinip si Jonalyn.
Hinawakan ni Antonio ang pisngi niya, "Elizabeth.."
Mga ilang sandali ay nakita ni Clarence (7 years old) ang ginagawa nila sa loob ng kwarto. Napaiyak siya sa sakit habang pinapanuod ang tatay niyang nakikipag-sex sa kapatid ng nanay nila.
3 a.m na yun ng manyare, nagising din ang bunsong kapatid ni Clarence. Nilapitan niya ito agad at niyayang bumalik sa kwarto.
Nilock ni Clarence ang kwarto nila, nagtataka ang bunso. "Kuya, bakit ka umiiyak?" Tanong ni Shane (bunso).
"W-wala. Matulog na tayo."
"No, he didn't. Kung hinayaan mo siyang mag-explain at paniwalaan siya, edi sana masaya pa tayong apat!" Sabi ni Clarence.
"No.. No, enough! Enough!" Paluhabg sabi ni Elizabeth ng lumabas na siya ng kwarto, naiwan si Clarence ng wasak na wasak ang nararamdaman.