Papasok na sana ng classroom si Natalie ng biglang humarang si Sasha sa pintuan. Tumibok ng mabilis ang puso ni Natalie sa kaba sa kung ano pedeng gawin ni Sasha sakanya.
Tumingin si Sasha from head to toe kay Natalie.
Lord, kayo na po ang bahala. Sabi sa isip ni Natalie. Hanggang tinginan nalang tong dalawa, wala sakanila ang nagsasalita.
"Uhm, Sasha, dadaan ako." Paalam ni Natalie sakanya.
"Edi dumaan ka." Sagot ni Sasha.
"Paano nga ko dadaan eh harang ka?" Eto na, pikon na si Natalie.
"Ikaw pa tong matapang?" Banat naman ni Sasha.
"Ayoko ng away, Sha, kaya padaain mo na ko."
"Bitch."
Life savior, dumating naman itong si Clarence. Oo, si Clarence, hindi si Jonathan. Inawat niya ang dalawa pero mainit padin talaga ang ulo ni Sasha.
"Ano ba ang problema mo?" Tanong ni Natalie.
"Sasha, stop this!" Sigaw naman ni Clarence.
"What, you're on her side now?" Tanong ni Sasha.
"I'm not taking sides." Sabi ni Clarence, "now shut up."
"I loved you more than anything, until this woman came along." Naluluha na si Sasha.
Nag walkout si Natalie at naisipang hindi nalang muna pumasok dahil nawalan siya ng gana. Iniwan niya si Clarence at Sasha doon pero agad naman sinundan siya ni Clarence.
Napapaluha si Natalie sa sobrang badtrip. Hinahabol siya ni Clarence. Pakitang tao lang.
"Natalie, wait up!" Sigaw ni Clarence ng tumigil si Natalie sa paglakad at lumingon.
"Hey, are you okay?" Tanong ni Clarence ng pinunasan niya ang mga luha ni Natalie sa pisngi.
"Bakit ako? Wala naman akong kasalanan sa inyo." Mas lalong naiyak si Natalie pero agad niya pinunasan ang mukha niya.
"I'm sorry, babe." Sabi ni Clarence, feeling sorry para kay Natalie.
"Is it wrong to have a major crush on you for almost 2 years? Karma ko naba to?" Tanong niya.
"May gusto ka sakin?" Pakunwaring tanong ni Clarence.
Biglang tinakpan ni Natalie ang bibig niya. "You like me?" Tanong ulit ni Clarence.
"No. Yes. Oh my god, no. No."
"It's okay. The feeling is mutual."
"Hindi, hindi yu-- ano?" Biglang napatigil si Natalie. "The feeling is mutual?"
Tumango nalang si Clarence at namula naman si Natalie. Sa puti niya ay nahalata ni Clarence ang pagkamula ni Natalie.
"You're turning red, Natalie."
***
"Sabi ko sayo eh, gusto rin ako ni Clarence!" Sabi ng nagwawalang Natalie sa kwarto ni Jonathan.
Nadismaya si Jonathan sa nanyare. Ang daming tanong ang gumugulo sa isipan niya. Siguraduhin lang na hindi ka sasaktan ni Clarence, ako ang makakalaban niya. Hindi makangiti si Jonathan o walang ka-expression ng mukha niya.
Paano na si Anonymous? Patuloy padin ba siyang magbibigay ng love letters, ng mga bulaklak at ng mga chocolates na paborito ni Natalie? Paano na si Jonathan, wala na talagang pag-asa? Yan tuloy ang nanyayare sa mga torpeng tulad niya.
"Huy, okay ka lang? Bakit hindi ka nagsasalita jan?" Tanong ni Natalie. Nagtataka kung bakit hindi humaharap sakanya si Jonathan. "Aren't you happy for me because 90% loading na ang lovelife ko?"
"Nope. I still don't like him." Sagot agad ni Jonathan.
"Jo--"
"So don't expect me to be happy or whatever."
"Bakit ba hindi mo nalang siya bigyan ng chance?"
Humarap na si Jonathan ng seryoso ang mukha dahil sa natanong ni Natalie, "Alam kong lalake yan. He can be an angel by his looks pero madami na siyang naloko." Sabi ni Jonathan.
"Ano ba naging kasalanan niya sayo?"
Natahimik na naman si Jonathan. Ang huling tanong ni Jonathan ang tumagos sa puso niya. Ano nga ba ang kasalanan ni Clarence sakanya? Bakit hindi sila magkasundo? Napaluha si Jonathan kaya tumingin siya sa ibang direction. Hindi napansin ni Natalie.
***
"I got her." Sabi ni Clarence, may kausap sa cellphone.
"Who?" Tanong naman ni Adam sa kabilang linya, kasama ang mga tropa so naka-loudspeaker.
"Natalie." Sagot naman agad ni Clarence, "that girl is so cute and easy-to-get."
"So are you two in a relationship? Ah wait, is relationship included in our vocabulary Tumawa ang mga barkada at natuwa sa nagawa ni Clarence. "Ikaw na talaga, bro." Sabi ni Gab, ang isa pang barkada.
"Ako pa. I am Clarence Linzon, the one and only."
"So what's next?" Tanong ni Mark.
"I'll go have a date with her." Sagot ni Clarence.