Magulo at maingay ang classroom. Nagtatawanan, kulitan, haharutan, nag-iingayan. Akala mo mga batang patakbo takbo kung saan-saan. Nang biglang pumasok si Natalie, lahat ng atensyon ay nasa kanya.
Natigil siya sa paglalakad. Anong nanyare dito? Bakit sila nakatingin sakin? Bulong ni Natalie sa isipan nya.
"Nate?" Sabi ni Jonathan. "Nate!" Inulit nya ng tumakbo na siya papunta kay Natalie at niyakap niya ng mahigpit. "Glad you're okay!"
Ay oo nga pala, nakidnap ako kahapon. "Ah oo, okay lang ako." Sagot ni Natalie.
"Kailan ka pa nakauwi?" Tanong ni Jonathan.
"Uhm. Hina . . . hinatid ako ni Clarence."
"Clarence? Hinatid ka ni Clarence? Pero siya ang dahilan kung bakit ka nakidnap diba?" Pagalit na sabi ni Jonathan.
"Paano mo nalaman?"
"Sinasabi ko na nga ba!"
"What? No! Hindi siya, okay." Sabi ni Natalie, pinapakalma si Jonathan na hindi makatingin sakanya. "Jo! Jonathan! Listen to me! Hindi si Clare-"
At dahil uso ang bad timing, dumating na din si Clarence sa wakas na may pasa sa mukha. Sumugod si Jonathan. Sinalubungan niya ng suntok si Clarence sa mukha.
"Jonathan!" Sigaw ni Natalie at lumapit sakanila para umawat.
Naiyak na si Natalie sa sobrang inis kay Jonathan at Clarence. "Ano ba?! Itigil nyo na yang pagiging immature nyo!" Sigaw niya ng nasa gitna na siya nila Jonathan at Clarence.
"Ako? Ako pa naging immature?" Sagot ng nagagalit na Jonathan.
Humarap naman si Natalie sakanya, "Oo. Kayong dalawa. Ano bang problema nyong dalawa, bakit lagi kayo nagiinitan?" Tanong niya. Hingal na hingal ang dalawang lalaki.
"You have no idea. Alam mo naman ng dahil sa lalaki na yan, kaya ka napahamak!" Sabi ni Jonathan.
"I saved her!" Singit ni Clarence.
"Shut up!" Sabi naman ni Jonathan.
"Tama na, please." Sabi ni Natalie ng naluluha, "pagod na pagod na ako sa inyong dalawa." Ang last words niya at nag walk out.
* * *
Nasa bahay si Jonathan ng classmate niya, nag-iinuman, dahil sa nanyare kaninang umaga.
Pagkatapos ng pag-inom ni Jonathan, ito ay nagsalita, "Damn, ang haba ng buhok ni Natalie." Sabi niya kay Jacob. "You know that I love her, right? Kung hindi lang talaga niya nakilala si Clarence, magkakaroon ako ng chance. Pagod na ako maging anonymous ni Natalie. I need to do something," sabi ni Jonathan, lasing na lasing, halos mapahiga na sa sofa.
"Bro, unahin mo na kasi." Sagot ni Jacob, "Problema din kasi sayo, torpe."
"I don't know. I guess I'm not for her." Madramang sagot ni Jonathan.
"Bakit na naman pala kayo nag-away ni Clarence? Diba move on ka na?" Tanong ni Jacob.
"I hate him." Sabi ni Jonathan, "I . . hate . . him." Paulit niya ng dahan-dahan.
"You hate your own brother?"
• J o n a t h a n ' s f l a s h b a c k •
Palihim na nakikinig ang magkakapatid na si Jonathan at ang kuya nitong si Clarence, na nag-aaway at nagtatapunan ng kung anu-ano ang nanay nila.
"Kailan mo pa ako niloko?!" Tanong ng pasigaw ng nanay sa tatay, "kailan mo pa kami niloloko ng mga anak mo?!"
"Elizabeth! Lasing ako nun, hindi ko alam na si--"
Sinampal ni Elizabeth ang asawa nito, "Sinungaling ka! Manloloko ka pa!"
"Elizabeth! Hayaan mo ako magpaliwanag!"
"Magsama kayo ng kabit mo!"
• e n d •