BA ~ 11

986 30 0
                                    

Jerome's POV

I see everything. Haha. Ako yung nasaktan nung iniwan niya ko, pero nasasaktan parin ako hanggang ngayon.

Ang unfair ng buhay e ano? Ako laging target saktan.

"Jerome.." bulong ng isang boses. Alam ko kung kanino yun, kilalang-kilala ko.

Kaya agad akong naglakad papunga sa receptionist para sana tanungin kung may problema sa units dito.

Pupunta rin kasi ako sa place ng bagong branch ng hotel and condo ko sa Cavite chapter.

Marami akong aasikasuhin, kaya dapat hindi ko inuubos ang oras ko para sakanya.

Maling umasa ulit ako na babalik siya, maling-mali sobra.

"Sir, you still have a meeting with the owners" sabi ng secretary ko. Owners means sponsors ng mga hotels ko.

Meron rin naman akong branch sa ibang bansa pero may nagmamanage dun na relative ko.

Maganda naman ang takbo ng business ko kaya no worry, walang mga kontra at problema.

"Sir, the meeting will start. Ikaw na lang po ang iniintay sa conference room" sabi ulit ng secretary ko.

Tumango ako at dumiretso sa conference room ng hawak parin ang floder, na naglalaman ng problema and demands sa branches ko.

Nung nakarating na ko ibinigay ko na sa secretary ko yung folder at pumasok na sa conference room.

"Oh. Then it's settled, you want to manage my branch in London? Thank you very much" gusto kasi nila na sila na lang ang magmanahe dun.

After that umalis na rin ako 1 hour rin yun no, haha atleast meron na sa London. Hindi yung aalis ako every two months para tignan ang problema dun.

Bumalik na ko sa condo unit ko at nagluto ng pancake at kumuha ng in can, hindi porket hotel owner hindi marunong magluto ano.

Umupo ako sa may center table katabi ng sofa at inilapag ang mga niluto ko katabi ng mga papers na pipirmahan at mga applicant na magaaply.

---

Natapos ako ng 8:00 ng gabi, ilang oras rin pala yun. Nak ng yan.

Lumabas ako para pumunta sa resto dito, kakain ako ng dinner.

Pumasok na ko at umupo sa isang upuan doon at nagserve na sila sakin, kala niyo mga babae lang ang sineservan ng ganyan no? Di kaya.

Nagstart na kong kumain habang nagiisip kung sino-sino ang iimbitahin ko sa opening ng hotel ko.

Ang Barkada LoveTeam kasama na syempre, sino pa kaya? Hindi naman pwede sila Nikki dahil banned sila sa Pinas andun sila nakakulong sa ibang bansa.

May nakita akong mukang couple sa tabi ng table ko, they look so happy. Tumatawa si Marlo at Jea, yup sila yun.

Nakakawalang gana. Padabog kong inilapag ang kutsara at tinidor, uminom ako at umalis na.

Sila na bahala dun kahit di ko ubos ang pagkain ko, nawalan ako ng gana.

Alam kong wala akong karapatang magselos, kasi wala naman kami e. Tapos na kami pero nasasaktan parin ako.

Hindi ko masigurado kung mahal pa niya ako, pano pa? E kitang-kita naman na masaya siya kasama si Marlo e.

Matagal ko naman na talagang pinagseselosan yang Marlo na yan e, di ko lang pinahahalata.

Quen's POV

Barkada LoveTeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon