LUCAS/XAVIER'S POV
Madalas akong umiiwas kapag nakikita ko ang Supreme Aces.Nagtatago agad ako kapag nakikita ko sila.Hindi ako duwag.Ayaw ko lang talagang makaharap ang mga yun.Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang ginawa ng bwesit na Cerus na yun.Nakakadiri!
Sobrang nagagalit ako sa kanila.Pakiramdam ko ay tinapakan ang ego ko.Lalaki ako!Hindi ako bakla!Bwesit silang lahat!
Buti naman at hanggang ngayon ay wala pa naman silang ginagawang kalokohan ulit.Mukhang sinunod nila ang sinabi ko.Dapat lang!Kung hindi,tototohan ko talaga ang sinabi ko sa kanila.Mata lang nila ang walang latay.
Wag nila akong sasagarin dahil baka sa huli ay sila din ang magsisi.
Umalis ngayon sila Mom at Dad dahil may business trip sila sa Canada.Kaya kaming tatlo ng kapatid ko ang naiwan.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin ng dalawang yun.Snob yung babae at walang pakilam yung lalaki.Ewan ba kung saan pinaglihi ang mga yan.O baka naman epekto lang ng pagpapalaki ni Dad sa kanila.
Masunurin kasi yung dalawa kay Dad.Kumbaga favorite child ni Dad yung dalawa.Wala naman akong paki kung sila ang paborito.Ang mahalaga ay walang makikialam sakin.
I am eating alone here in dining area.Yung dalawa ay paniguradong ayaw akong makasabay.Wala rin akong paki dun.Basta ako kakain.
Pagkatapos kung kumain ay umakyat na ako sa kwarto.Pumasok ako sa cr dahil maliligo ako.It took me 30 minutes to be done.I just want to be more fresh.Umupo ako sa harap ng vanity mirror at ginawa na kailangan kong gawin.
Kumuha ako ng damit sa closet.Just plain black t-shirt and shorts.I also wear a black cap.Ngayon ay araw ay haharapin ko na sila.Alam kong magiging mahirap ito.Hindi nila ako basta-bastang paniniwalaan.Pero bago ako pumunta sa kanila ay may isang lugar muna akong kailangang puntahan.
Tumingin ulit ako sa salamin bago lumabas ng kwarto.Nag-aantay sa labas ang driver.Sumusunod na siya sa lahat ng utos ko.Ayaw niya naman sigurong matanggal sa trabaho.Pinaandar nito ang sasakyan papunta sa lugar na sinabi ko.
Nang makarating kami ay bumaba na ako.Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ko nito.Umalis na rin ito nung sinabi ko.
Tumingin ako sa lugar.Wala pa ring pinagbago,may mga taong pumapasok at lumabas.Naglakad ako papasok sa loob.Bumungad sa akin ang magulong loob.Maraming tao at mausok.Hindi naman ito bar,mukha lang.Maraming tao ang nandito para magpatattoo.Kahit napakagulo sa loob ay tiyak na naman ang klase ng pagtatattoo dito.Malinis at pulido kung baga.
Pumunta ako kung saan ko makikita ang taong hina hanahap ko.May mga taong nakabantay sa pintuan.Malalaki ang mga katawan.
"Hanggang dyan ka na lang.Bawal pumasok ang hindi VIP dito."Pigil sakin ng dalawang nagbabantay.
"Gusto kong makausap si Theodore Morgan.Tell him it's Black."Tumingin pa sakin ang dalawa na parang nagdududa.Pero sa huli ay kinuha nito cellphone at tumawag.Tumango-tango ito sa kausap sa cellphone.
Pagkapatay ng tawag ay tumingin ito sakin.
"Sumunod ka sakin."Sabi nito.Tiningnan nito ang kasama na parang sinasabi na siya muna ang magbantay.Binuksan nito ang pintuan at sumunod ako dito.Pagdating sa loob ng VIP Quarters ay maayos at maganda naman ang lugar.Syempre para 'to sa VIP.
Maraming pasikot-sikot dito dahil madami rin ang VIP room.Ilang minuto pa kaming naglakad bago kami makarating sa room kung saan naglalagi si Theodore.Inilahad nito ang kamay na sinasabing buksan ko na ang pintuan at pumasok.Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob tsaka isinarado ang pintuan.Bumungad sakin ang theme color ng room ni Theodore,black and white.Nakita ko itong nakatalikod sa akin.
BINABASA MO ANG
Fighting For The Throne | Book 1 (Completed)
ActionLucas Vienne Kozlov is a serious guy who don't give a damn sh*t.He is the master of his self.He doesn't follow order from others. Pero paano kung isang araw nasa ibang katauhan na siya?Kaya niya bang i-handle ang sarili niya kung ang katauhan na kan...