LUCAS/XAVIER'S POV
It's been a weeks since Alexè came.She's becoming more and more clingy.I don't know what should I gonna do to her.
Palagi siyang pumupunta sa bahay at hinahanap ako.Hindi na ako magkaroon ng time para sa sarili ko dahil palagi ako nitong kinukulit.Gusto nitong palaging nasa tabi ko at palaging sumunod kahit pa sa kwarto ko.
Kung dati ay nakakatakas pa ko dito kapag pumapasok ako sa school.Ngayon naman ay hindi na dahil nagpatransfer na din ito sa pinapasukan kong school.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa kanya.Hindi ko rin maiwasan.Dahil paniguradobg magsusumbong ito kay mom.At dahil dun ay si mom naman ang mangungulit sakin.
"Let's go to cafeteria, Xavier.Cause I'm really hungry now."Ani Alexè at hinila ako patayo.Wala na akong nagawa at nagpahila na lang at sumunod naman sa amin si Jeffrey.
Maraming kalalakihan ang tumitingin sa gawi naman.Obviously,dahil kay Alexè.Malamang ay nabibighani sila sa kagandahan nito.Pagkarating namin sa cafeteria ay umorder na kami ng aming pagkain.Pagkatapos ay naghanap na din kami ng mauupuan.
"I'm so happy dahil na palagi na tayong magkakasama,Xavier."She giggled.
Pilit lang akong ngumiti dito.Hindi ba siya nagsasawa?Kasi ako sawang-sawa na.Wala ba siyang ibang pinagkakaabalahan kaya ako naman ang ginugulo niya?
"Ah,kaya ba dito nag-aral ay dahil kay Lucas?"Tanong ni Jeffrey at kumain.
"Yes,of course.Tell me,madami bang babaeng lumalapit dito kay Xavier?"Tanong naman ni Alexè.
Inubos muna nito ang kinakain bago sumagot sa tanong ni Alexè.
"Oo,madami nga ang lumalapit dyan kay Xavier.Kung babae lang ako ay baka nagkagusto na rin ako dyan.Dinaig pa si snow white sa kaputian eh."Sabi ni Jeffrey.
Napasimangot ako sa sinabi niya.
"Tsk.Hindi tayo talo."Sabi ko dito.
"Kung ganun marami nga akong kaagaw sayo.Di bale,di hamak na mas maganda naman ako kesa sa kanila."She said.She's really proud to herself huh?
Hanggang ngayong araw ay hindi ko pa rin nakikita ang apat na yun simula nung tinanggihan ko sila.Halos isang linggo na rin silang hindi pumapasok.
Hindi sa namimiss ko sila o kung ano pa man,kundi ay nakapagtataka lang.Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan nila ngayon?
Ganun na ba kabig-deal sa kanila ang ginawa kong pagtanggi kaya hindi na pumasok ang mga yun?Umiling ako sa aking isipan.
No.Marahil may iba pang dahilan kung bakit hindi sila pumapasok.
Kung ano man yun sana ay walang kinalaman sakin para hindi makaapekto.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na din kami sa room.At inintay ang sunod na prof namin.
Katabi ko lang si Alexè dahil pinaalis nito ang katabi kong lalaki.Hindi naman totally pinaalis, kundi ay nagpacute lang itong si Alexè at dahil dun sumunod naman agad ng kaklase kong lalaki.
"Sige bro, Alexè.Una na ako sa inyo.Andyan na sundo ko."Sabi ni Jeffrey.Tumango ako dito.
"Hmm...sige ingat."Sabi ko.Umalis na ito at sumakay sa sasakyan.
Hanggang ngayon ay nakakapit pa rin sa braso ko si Alexè.Dahil ayaw ko namang maging rude sa kanya ay hinayaan ko na lang.
Pinagbuksan ko lang si Alexè ng pintuan ng kotse.Bago ako sumakay sa driver seat.
Bumili na ko ng sariling sasakyan para hindi na ko hinahatid at sinusundo pa.Palaging gustong sumabay sakin ni Alexè.Pinagbigyan ko na lang para wala ng problema.
BINABASA MO ANG
Fighting For The Throne | Book 1 (Completed)
AksiLucas Vienne Kozlov is a serious guy who don't give a damn sh*t.He is the master of his self.He doesn't follow order from others. Pero paano kung isang araw nasa ibang katauhan na siya?Kaya niya bang i-handle ang sarili niya kung ang katauhan na kan...