THIRD PERSON'S POV
Makailang beses na nilang tinatawagan ang number ni Lucas ngunit nakapatay pa rin ang phone nito.Nakaramdam na sila ng kakaiba dahil hindi nagpapatay ng phone si Lucas.
Pabalik-balik na naglalakad si Dave.Iniisip kung saan maaring nagpunta si Lucas.
"Dave,Lucas already turned on his tracking device."
Mabilis silang lumapit kay Kalev na nakaharap sa laptop.Kaagad itong nagtipa sa laptop.Para matukoy kung nasaang lugar si Lucas.
"Kailangan na nating makapunta sa lugar na yan.Siguradong may kumuha sa kanya."Saad ni Ryle.
Agad na tumango ang mga ito.Naghanda na sila para sa pag-alis at nagdala na din ng baril.Hindi rin nila kinalimutang suotin ang kanilang maskara.Nagsama sila ng ilang sa tauhan nila.
Agad na sumakay sa sasakyan at tinungo ang lugar na kinaroroonan ni Lucas.
Pagkarating ay agad silang bumaba ng sasakyan maingat silang naglakad papasok sa loob.Ang ibang tauhan na ang umasikaso sa mga nagbabantay.Ginawa nila ang lahat para hindi makagawa ng ingay.
Gamit ang kutsilyo ay ginilitan nila sa leeg ang mga tauhang nagbabantay sa paligid.Agad silang kumilos ng mapatumba na ang lahat ng nagbabantay mula sa labas.
Sila Dave ang naghanap kung nasaan si Lucas habang ang mga tauhan nila umaasikaso sa iba.
Agad na inihanda nila ang hawak nilang baril.Bawat kwarto ay kanilang chinecheck kung nandoon ba si Lucas.Ngunit hindi pa rin nila matagpuan.
"Dave,may paparating."Mahinag saad ni Haru.
Agad silang natago sa gilid upang hindi makita.Nang makalampas ang nagbabantay ay nagpatuloy sila sa paghahanao kay Lucas.
Halos makailang kwarto na sila sa paghahanap pero hindi pa rin nila nakikita si Lucas.Hanggang sa masilip nila ang isang kwarto na kulay itim ang pinto.
Ngunit may dalawang nagbabantay doon.Hinanda nila ang baril na hawak.Mabilis silang kumilos at sumugod sa kalaban.
Pinagbabaril nila ang mga ito.Ngunit wala iyong nilikhang ingay dahil may silencer ang baril nila.Agad nilang nilapitan ang pinto.Ngunit nakalock iyon.
Mabilis nilang kinapa ang tagabantay kung nandito ba ang susi ngunit wala silang nakita.
"Pano yan walang susi?"Inis na tanong ni Ryle.
"Kailangan nating hanapin ang susi."Saad ni Dave.
"Bakit hindi nalang natin sirain ang door knob?"Tanong naman ni Haru.
"Kailangan natin ng pangsira dito."Sabi naman Kalev.
Tumango naman sila sa sinabi nito.
"Kayo na ang magbantay dito.Kami na lang ni Haru ang hahanap."Sabi ni Ryle.
"Bilisan niyo pero mag-iingat kayo."Giit ni Dave.Tumango ang dalawa bago umalis.
Maingat na naghanap sila Ryle at Haru ng pwedeng magamit pangsira sa door knob.
Sa kabilang banda naman ay nakarinig ng ingay si Lucas mula sa pinto.Ngunit hindi niya masyadong naiintindihan ang mga sinasabi.
'Sana sila Dave na ito.'
Nang makakita si Ryle ng makapal na bakal ay agad niya itong kinuha.
"Pwede na 'to."Tumango si Haru.
Agad silang bumalik doon.Nakita nilang nandoon pa rin ang dalawa.Nagpapasalamat sila na ligtas pa rin ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Fighting For The Throne | Book 1 (Completed)
AkcjaLucas Vienne Kozlov is a serious guy who don't give a damn sh*t.He is the master of his self.He doesn't follow order from others. Pero paano kung isang araw nasa ibang katauhan na siya?Kaya niya bang i-handle ang sarili niya kung ang katauhan na kan...