Chapter 48

1.3K 66 12
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Please...h-hindi ito totoo.Please...hon...sabihin mo."

Agad na niyakap ni Mr.Francisco ang asawa niyang umiiyak.Kahit siya ay hindi na ring mapigilang hindi mapaluha.

Hindi nila kayang tanggapin na wala na anak ng nila.Mas lalo silang nahabag ng makita kung ano ang sinapit ng anak nila.Hindi na ito makilala dahil sa nasunod na ang buo nitong katawan.

"H-hindi ko kaya....please..."Nahihirapang saad ni Mrs.Francisco.Patuloy ito sa pag-iyak.Inalo ito ni Mr.Francisco.

"Hon!"

"Ma'am Aelyn!"

Sigaw nila ng mawalan ng malay si Mrs.Francisco.Agad itong binuhat ni Mr.Francisco.Mabilis silang nagtungo sa isang room.Doon ay inihiga niya si Mrs.Francisco  sa hospital bed.May dumating na doctor at agad na chineck ang kalagayan ni Mrs.Francisco.

Dumating ang pulis na nag-iimbestiga sa aksidente ng anak nila.

"Mr.Francisco,pwede ko po ba kayong makausap?"Tanong ng pulis.Napahinga ng malalim si Mr.Francisco.

"Okay, susunod ako."Sabi nito.Tumango ang pulis at lumabas na din.

Tiningnan niya ang asawang nawalan malay.Kinapitan niya ang kamay nito bago halikan.Tumingin siya sa secretary ng asawa niya.

"Ikaw na muna ang bahala sa kanya."Aniya at tumango naman ang secretary.

"Masusunod,Mr.Francisco."

Lumabas na din siya at pinuntahan ang pulis.Agad naman itong yunuko sa kanya ng makita ito.

"Nakikiramay po kami sa nangyari sa inyong anak,Mr.Francisco."Sabi ng pulis.Tumango dito si Mr.Francsico.

"Nakasisiguro ba talaga kayo na yung ang anak namin?"Tanong ni Mr.Francisco.

Ayaw man niyang pagdudahan ay umaasa pa rin siya na hindi talaga yun ang anak nila.Hindi pa sila handa sa ganito.

"Mr.Francisco,may mga ilan kaming gamit na nakuha mula sa sasakyan ng biktima.Nais namin makumpirma niyo kung sa anak niyo po ba talaga ang mga yun."Sabi ng pulis.

Lumapit sa kanila ang isa ding pulis.May dala itong mga bagay.Kinuha naman ito ng pulis na kausap ni Mr.Francisco.

Itinaas niya ang plastik at ipinakita kay Mr.Francisco.

"Ito ang nakuhang naming wallet mula sa sasakyan.Binuksan na namin yan kanina at nakita namin ang mga ID at card ng biktima.Lahat yun ay nakapangalan sa anak niyong si Xavier Ein Francisco.May mga ilang pang gamit dito.Maari niyo po itong tingnan para makasiguro kayo."

Kinuha ito Mr.Francisco at tinitigan.Medyo nasunog na din ang wallet na iyon.Binuksan niya ang plastik at kinuha ang wallet.

Tiningnan niya ang iyon at binuksan.Kinuha niya ang mga ID doon.Hindi niya maiwasang malungkot ng makitang kay Xavier nga iyon.Nandun rin yung black card na ibinigay niya.

Hindi niya mapigilang tumulo ang luha.Talagang wala na nga ang anak nila.Hindi na nila alam kung ano na ang gagawin ngayong wala na ang isa nilang anak.

Hindi siya naging mabuting ama dito.At kahit kailan hindi na siya makakabawi pa dito.Sobrang nagsisisi na siya sa mga nagawa niya kay Xavier.

Tiningnan niya din ang ibang mga gamit na nakuha.At lahat iyon ay pag-aari ni Xavier.

"Anong dahilan ng pagkakaaksidente ng anak ko?"Tanong ni Mr.Francisco.

"Ayon sa pag-iimbestiga ay dahil ito sa pag-o-overheat at short circuit ng sasakyan na siyang dahilan ng pagliyab nito.Hinala din naman na hindi agad nakakababa ang anak niyo.Kaya naman tuluyan na rin itong nasama sa pagkasunog ng sasakyan."Paliwanag ng pulis.

Fighting For The Throne | Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon