Chapter 11

2.1K 81 1
                                    

LUCAS/XAVIER'S POV

Inintay ko munang makaalis sila Dad at Mom pati na rin yung dalawa kong kapatid.Ngayong araw ay pupunta ako sa Aqua Villa para malaman ko kung ano ba talaga ang kailangang ng Leonel Gregory na iyon.Ang hindi ko lang alam ay kung ano ang gagawin ni Dave kung nakahimlay sa hospital ang katawan ko.

Knowing Dave,matigas ang ulo ng isang yun.Nag-aalala ako dahil baka pumunta siya dun ng mag-isa,baka maraming tauhan ang Leonel Gregory na iyon.Lalo't na siya ang nagset-up nung place.

Problema ko pa kung paano ako makakalabas.Alam kong magtatanong ang driver kung saan ako pupunta.Mahirap na dahil baka loyal ito kay dad.Pero hindi naman siguro masama na takutin ito ng konti.

Hindi muna ako papasok ngayong araw dahil mas importante ang pupuntahan ko.Isang araw lang naman.Sana lang ay hindi malaman ni Dad dahil paniguradong sermon na naman ang aabutin ko dun.He's really a strict person.Kung hindi kayang sundin ni Xavier ang Dad niya,mas lalo naman ako.Buti pa yung dalawa kong kapatid ay masunurin sa kanya.

I wear a black hoodie,black cap,and black mask.Mukha akong may pinaglalamayan.But this is more appropriate for me para hindi ako makilala.Kailangan ko ding mag-ingat dahil mahirap na.

Lumabas na ako ng kwarto.The maids are busy doing their job.Then,the driver is waiting outside.Napahinga na lang ako ng malalim.Sinalubong ako nito mula sa labas.

"Sir Xavier,saan po ang punta niyo?Hindi po ba kayo papasok?Magagalit po si Sir Arnold kung hindi kayo papasok."

"Wala kang pagsasabihan nito lalo na sa mga magulang ko.Ayaw mo naman sigurong matanggal sa trabaho di ba?"Sabi ko na may halong pagbabanta.

Ayaw ko naman sanang gawin ito dahil wala naman siyang kasalanan.Pero kailangan ko lang talaga para manahimik siya.Nagpapasalamat na rin ako dahil walang body guard na ina-sign ni Dad para bantayan ako o ang mga kapatid ko.Dahil mas mahirap yun pag nagkataon.

"Pero Sir Xavier---"

"No buts.Wala kang pagsasabihan nito kung ayaw mo talagang matanggal sa trabaho.Just drive me to Aqua Villa."Sabi ko bago ako sumakay sa kotse.

Dapat talaga ay may sarili akong sasakyan para naman hindi na ganito.Wala nang nagawa ang driver kundi ang sumunod sa sinabi ko.Pinaandar na nito ang sasakyan patungo sa Aqua Villa.

Nang dumating kami ay bumaba agad ako ng kotse at hindi na inintay na pagbuksan pa ako ng pinto.Hinarap ko ang driver.Hindi ito makatingin sa akin ng ayos.

"Itikom mo ang bibig mo para hindi tayo magkaproblema.At wala ka ring pagsasabihan na pumunta ako sa lugar na ito.Nagkakaintindihan ba tayo?"

Nag-aalinlangan pa itong sumagot sa akin.Pero wala naman siyang magagawa dahil trabaho niya ang nakasalalay dito.

"O-opo,Sir Xavier."Tumango pa ito sa akin.

"Good.I want you to keep this as a secret.Hindi mo na rin ako kailangan sunduin pa dito.Kaya kong umuwi mag-isa."Tinapik-tapik ko ang balikat nito bago senyasan itong umalis na.

Tiningnan ko ang Aqua Villa.Malaki ang espasyong sakop nito.Alam ko na mahigpit ang siguridad dito pero kayang-kaya ko namang lampasan iyon.I decided to wait outside.Nagtago lang ako dito sa isang puno na hindi rin naman nila papansinin.

Umabot sa isang oras ang paghihintay ko bago dumating ang inaasahan kong tao.It's Dave.Kotse niya iyon.The gate automatically open.Naghanda na rin ako para sa pagpasok ko ng patago dito sa Aqua Villa.I wonder kung sino ang may-ari nitong lugar.Kung yung Leonel Greogory ang may-ari nito ay paniguradong napakayaman nito.

Mabilis akong kumilos at pumunta sa ilalim ng kotse ni Dave habang hindi pa itong tuluyang nakakapasok.Isinirado ng mga guard ang gate ng makapasok na ang sasakyan.Tumigil na ang sasakyan ni Dave.Bumaba siya ng kotse at may mga lalaking may baril ang lumapit sa kanya.

Fighting For The Throne | Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon