LUCAS/XAVIER'S POV
Inihahanda na namin ang mga materyales na kailangan sa pagbuo ng imbensyon.Sila na lahat ang bumili ng mga gamit .Hindi naman ako umangal dahil wala naman akong ginastos.
"Here,Xavier.Ito yung drawing ko para sa imbensyon natin.Is it okay?"Ibinigay sakin ni Felix ito kaya tinaggap ko ito.
Inobserbahan ko ang gawa niya.Magaling nga talaga siyang magdrawing.Hindi ko maiwasan na hindi mamangha sa drawing niya.Nakasulat na rin doon ang parte ng materyales.Lahat ng mga naisip naming materyales ay nagamit sa paggawa niya ng drawing.
Ang dapat na lang namin gawin ay buuin ito.
"Oo,okay lng.Ang galing at ganda ng drawing mo."Papuri ko dito.Kahit naiinis ako sa kanila ay hindi naman masama ang pumuri.Tutal maganda naman ang drawing niya.
"Okay,thank you."Saad niya at ngumiti.Nakita ko lang na parang namumula ang tenga niya.May sakit ba siya?
Sinimulan namin ayusin at ihanda ang mga materyales na gagamitin namin.Inabot kami ng ilang oras bago mabuo ang ibang parte ng aming imbensyon.
Hapon na din agad.Ang bilis ng oras kapag may pinagkakaabalahan ka.Dumating si Tyrone na may dalang pagkain.Waffle iyon at tsaka juice.
"Xavier,ito para sayo."Sabi ni Tyrone at inilagay sa akin ang isang waffle at juice.Ano bang juice yan?Bat kulay red? Tomato juice?Tiningnan ko lang ng matagal ang ibinigay sakin nitong juice.
"Walang lason yan,kung yan ang iniisip mo.Gusto mo tikman ko pa para sayo."Aniya at kukunin sana ang juice na ibinigay niya.Pero pinigilan ko na lang ito.
Mas mabuti nang nakakasiguro.
Kumuha na rin yung tatlo ng kanilang pagkain.Pinauna ko na muna silang uminom.Gusto ko lang talagang makasiguro.Napansin ata ni Cerus na hindi pa ko kumakain.
"What's the problem? Don't you like it?"Tanong nito pero hindi ko sinagot at tiningnan lang.
Kinuha ko ang juice at tsaka ito tinikman.Masarap naman.Mukhang wala namang kakaiba.Kumain na din ako ng waffle.Madalas kong napapansin na parang laging may hawak na cellphone si Yohan.Hindi ko alam kung ano ba ang pinagkakaabalahan niya dun.
Hindi ko na rin naman pinapakialaman dahil wala rin akong paki sa ginagawa niya.
Pagkatapos naming kumain ay napagpasiyahan ko na ding umuwi.Nagpupumilit na naman ang apat na ihatid ako pero hindi talaga ako pumayag.Hindi ko alam kung ano ba pumasok sa mga utak ng mga yun at gusto akong ihatid.Baka gusto lang akong pagtripan ng mga yun.
Hindi na ko nagpasundo sa driver at sumakay na lang ako ng taxi.Hindi ko naman talaga gusto na sinusundo ako.Pagkarating ay nagbayad na din agad ako.Bumati sa akin ang mga gwardya at tumango lang ako sa kanila.
Pagkapasok ay pumunta agad ako sa kitchen.Gusto kong uminom dahil nauuhaw ako.
"Asan si mom?"Tanong ko sa isang maid.
"Ah,Sir Xavier umalis po si Ma'am Aelyn."Sabi nito.Tumango na lang ako dito bago umakyat sa kwarto ko.
Pagkapasok ko ay pumunta agad ako sa cr.Naligo muna ako.Trip ko kasing maligo ulit ngayon.
Pagkatapos kong maligo ay umupo ako sa may vanity mirror at ginawa ang kailangan kong gawin.
Dahil wala akong magawa ay naisipan kong ayusin na lang yung PS3 na binili ko nung nakaraan.Hindi naman ako pinagalitan ni mom at dad ng makita nilang hawak ko ito.Malamang may ideya na sila na bumili ako nito.
Pagkatapos kong ayusin ay namili ako ng games na pwede kong laruin.Marunong naman ako nito dahil nung ako'y nasa tunay ko pang katauhan ay naglalaro din kami nito kasama sila Kalev.
BINABASA MO ANG
Fighting For The Throne | Book 1 (Completed)
AcciónLucas Vienne Kozlov is a serious guy who don't give a damn sh*t.He is the master of his self.He doesn't follow order from others. Pero paano kung isang araw nasa ibang katauhan na siya?Kaya niya bang i-handle ang sarili niya kung ang katauhan na kan...