LUCAS/XAVIER'S POV
Pagkababa ko ng taxi ay nakita ko sila Dave mula sa labas ng gate.Mukhang handa na sila sa pag-alis.Lumapit ako sa gawi nila.
Kanina ay nagpupumilit ang apat na ihatid ako.Syempre hindi ako pumayag.At bakit ako papayag?May saltik na siguro sila para sabihing ihahatid nila ako.Sinabi ko sa kanila na hindi ako pupunta bukas kapag ipinilit nila ang gusto nila.Mukhang naniwala naman sila kaya ayun hindi na sila nagpumilit pa.
"Buti Lucas nakarating ka."Sabi ni Haru.Niyakap nila ako isa-isa kaya niyakap ko din sila pabalik.
"Palagi akong dadating."Sabi ko.Tumango lang sila sa sinabi ko.
"Ano?Tara na?"Tanong ni Dave.Tumango ako bago kami sumakay sa kotse.
"Ano daw ang sinabi ni Jonas?Bakit nakatakas sila Cedrick?"Tanong ko.
"Ang sabi ni Jonas ay may mga sumugod daw sa kanila.Marami at armado daw ang kalaban kaya hindi nila kaya.Naubos ang ilan sa mga tauhan natin.Itinakas ng nga armado sila Cedrick."Ani Dave.
Pero papaano nila nalaman kung saan namin itinago sila Cedrick?Hindi ko inaasahan na may tutulong pa sa mga yun.Masyado kong minaliit ang kakayahan nila.
"Sa tingin ko ay may tracker device sila Cedrick.Kaya natunton nila kung saan natin sila dinala."Sabi ko.
"Kung ganun ay yun ang nakaligtaan natin.Masyado tayong naging kalamado."Sabi ni Dave.
"Alam kong hindi ka titigilan ni Cedrick,Lucas."Saad naman ni Kalev.
Siguradong babawi iyon.Hindi malabong mangyari iyon.Hindi ko alam kung may koneksyon ba sila sa Underground World.Pero kung wala man ay marahil mga tauhan din nila ang mga iyon.Malamang kilala iyon nila Cedrick o baka naman kaalyansa nila.
Kung hindi man konektado sila si Cedrick sa Underground World ay may mga koneksyon pa rin sila sa ibang mga makakapangyarihang tao.Hindi rin naman ako nakakasiguro kung may mga ilegal ba silang gawain.Bukod sa ako palagi ang hinahamon nila sa away ay sa pagkakaalam ko mayaman rin sila.
Pero yun lang ang alam ko sa kanila.Wala rin naman akong pakialam sa buhay nila.Subalit may dapat silang pagbayaran.
Pagkarating namin ay bumaba na kami sa kotse.Isinuot muna namin ang mask namin.Pumasok kami sa loob at bumungad samin ang ilang tauhan naming may mga tama ng baril.Ang iba naman ay wala ng buhay.Nakaupo ang mga ito sa sahig at tatayo sana ng makita kami.Subalit pinigilan ko sila gamit ang senyas sa kamay ko.Agad naman nilang naintindihan iyon.
Naawa ako sa mga tauhan naming wala ng buhay.Mga wala na silang pamilya dahil hindi ako tumatanggap ng mga taong may pamilya pa.Since lahat kami nila Dave ay wala na ring pamilya.
Yun ang isa sa importanteng bagay kapag may gustong sumali sa gang.Para wala ibang madamay na pamilya kapag nabulilyaso kami nang ibang grupo.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil yung may mga tama ay nakabenda na.Mabuti naman at nagamot din nila agad.Mabibilang lang sa daliri ang walang tama ng bala.
"Nasan si Jonas?"Tanong ko sa isa.
"Boss,nasa loob po.Ginagamot po ang sugat."Sabi nito.Tumango ako dito at naglakad papunta doon.Sumunod naman sila Haru sakin.
Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob at ganun din sila Dave.Nakita naming binebendahan si Jonas.Mukhang sa balikat tinamaan si Jonas.
"Boss,"aniya ng makita kami.Yumuko ito sa amin.
"Malala ba ang natamo mo,Jonas?"Tanong ni Dave.
"Wala ito Boss.Malayo sa bituka."Sabi ni Jonas.Tumango lang si Dave.
BINABASA MO ANG
Fighting For The Throne | Book 1 (Completed)
ActionLucas Vienne Kozlov is a serious guy who don't give a damn sh*t.He is the master of his self.He doesn't follow order from others. Pero paano kung isang araw nasa ibang katauhan na siya?Kaya niya bang i-handle ang sarili niya kung ang katauhan na kan...