Chapter 30

1.7K 78 1
                                    

LUCAS/XAVIER'S POV

"Ito pala ang ginawa kong cookies para sa inyo.Matagal ko na kasi kayong hindi nakikita kaya sorry kung hindi ako nakapag-sabi na pupunta ako dito."Sabi ni Luna.Ang hinhin ng boses niya.Parang hindi makabasag pinggan.

Ano bang nangyari sa apat na 'to?Kinakausap pero hindi naman sumasagot.Baka napipi na.Pagkatapos magsalita ni Luna ay katahimikan ang bumalot sa paligid.

Dahil walang sumagot kahit isa sa kanila ay sinipa ko ang paa ni Tyrone sa ilalim ng mesa.Kita ko namang ngumiwi ang mukha nito at  nagtatakang tumingin sakin.Itinuro ng mata ko si Luna.Mukhang naintindihan naman agad nito ang ibig kong sabihin.Kaya naman lumingon ito kay Luna.

"A-ah okay lang yun,Luna."Sabi ni Tyrone.Luna's face lighten up.Ngumiti ito at mukhang namula ang pisngi nito.She's really easy to blushed.

"Okay, let's eat."Nakangiting sabi ni Mrs.Lacroix.

Kaya naman nagsimula na din kaming kumain.

Nilagyan ni Luna nang cookies ang bawat plato nung apat.Mukhang inlove rin talaga si Luna sa apat.

Kukuha na sana ako ng macaroons ng bigla din akong lagyan ni Luna ng cookies.Nagtataka akong napatingin dito.Bakit niya rin ako nilagyan?Baka mamaya magalit sa akin ang apat.Tipid lang itong ngumiti sa akin.

Dahil kung ako ang nasa sitwasyon ni Luna ay hindi ko gagawin ang ginawa niya.Syempre dahil na rin sa mga ginawa ni Xavier dati.Xavier was stalking Luna back then.It's kinda creepy especially that she's a girl.

Nagkibit-balikat na lang ako at kukuha na sana ng macaroons.Pero bigla namang nilagyan ako ng apat ng macaroons.Takang napatingin din ako sa apat.Seriously?Anong problema nila?Kanina si Luna,ngayon sila naman.Nagiging wierd na talaga ang kilos ng apat.

Narinig ko na mahinang hagikhik ni Mrs.Lacroix.Tapos si Mr.Lacroix naman ay nakangiti.

"Don't mind us,iho.Kumain ka lang."Sabi ni Mrs.Lacroix na may ngiti sa labi.Tumango na lang ako.

Nagsimula na kaming kumain lahat.Si Luna lang ang nagsasalita,sa tingin ko ay mahilig talaga siyang magkwento.Nakikinig na lang kami sa mga ikinukwento niya.

Hindi ko alam kung maiilang na ba ako dahil kanina ko pang napapansin ang tingin ng apat.Pansin ko din na wala ang atensyon nila kay Luna.

Bakit ba sila laging nakatingin sakin?Hindi ako assuming,sinasabi ko lang kung ano napapansin ko.Kung may problema sila sakin,sabihin lang nila agad.Hindi yung dinadaanan lang nila sa tingin.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang kami ng ilang sandali.Kanina ay ang daming tinatanong sa akin ni Mrs.Lacroix.Sinasagot ko na lang ito.Madaling pakisamahan ang magulang nila at mabait pa.Hindi katulad ng ibang tao na mapagmataas.

Hindi ko alam kung saan namana ng apat ang kanilang ugali.Ibang iba kasi kumpara sa magulang nila.

"Maraming salamat po sa meryenda,Mr. and Mrs.Lacroix."Sabi ko bilang pasasalamat sa kanila.

"Naku wala iyon,iho.At tsaka tawagin mo na lang akong Tita Sunshine.Hindi ka na rin iba sa amin."Nakangiting sabi nito.

"Ako rin,iho.Tawagin mo na lang akong Tito Lazaro.Tutal business partner ko din naman ang iyong ama."Saad naman ni Mr.Lacroix.

"Okay sige po.Thank you po ulit Tita Sunshine at Tito Lazaro."I said while smiling.Totoo iyon dahil napakabait nila.

"Hmm... that's good."Sabi ni Tito Lazaro na may ngiti sa labi.

Nakita naming lumabas na ang apat at si Luna galing sa sala.Siguro ay tapos na silang mag-usap.Kanina kasi ay gusto silang kausapin ni Luna.Mukhang may problema nga sila.Papunta sila sa gawi namin ngayon.

Fighting For The Throne | Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon