❗WARNING!SLIGHT SPG AHEAD!
LUCAS/XAVIER'S POV
Pumunta si Alexè sa amin kaya sabay kaming pumasok.Baka daw kasi hindi na naman ako pumasok kaya naman pinuntahan na ako nito.
Bumaba na kami ng kotse at sabay na pumasok sa loob ng University.Some students are starting at our direction.Ano pa bang bago?
Iniisip ko pa rin kung paano makapagtatago ang mga tauhan namin.Hindi naman sa natatakot kami kaya nagtatago ang mga tauhan namin.Kundi dahil sa unti-unting inuubos ng Supreme Aces ang mga tauhan namin.
Kapag nagpatuloy iyon ay baka tuluyan ng maubos ang tauhan namin.Hangga't hindi pa ko nakakabalik sa grupo bilang namumuno sa kanila ay hindi pa ako makakagawa ng aksyon.
Alam ko na hindi kami titigilan ng Supreme Aces.Talagang inuuna nila ang mga tauhan namin.Hindi ko alam kung ano bang binabalak nila.May plano ba silang pahirapan kami sa huli kaya naman hindi kami ang inuuna nila?
"Xavier!"
"Xavier!"
Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Alexè.Masyado akong nalunod sa pag-iisip ko.
"Huh?Bakit?"Tanong ko kay Alexè.
"Kanina pa kitang tinatawag pero mukhang wala ka naman sa sarili mo.Ang lalim naman ata ng inisip mo."Saad nito.
"Wala yun.Just don't mind me.Bakit nga pala?"Sabi ko.
"Kasi itatanong ko la---"Naputol ang pagsasalita ni Alexè ng marinig namin ang isang seryosong boses.
"Xavier,"ang Supreme Aces.
Nakakunot-noo ang mga ito pero seryoso ang mukha.Bigla kong naalala yung sinabi nila sakin na layuan ko daw si Alexè.Dahil kung hindi,may hindi magandang mangyayari.Pero hindi ko sila susundin.
Nakita ko na naman ang pag-aalala sa mukha ni Alexè.Tumingin sa akin ito na parang sinasabi na umalis na kami.I just sighed.Mukhang hindi talaga nila ako titigilan.
Tumango ako kay Alexè.Naglakad na kami paalis at lalampasan na sana namin ang Supreme Aces.Ngunit isang kamay ang humawak sa braso ko.
Napangiwi ako dahil dun.Sobrang higpit ng pagkakahawak ni Tyrone.Parang sobrang laki ng galit.Matalim na tingin ang ipinupukol nila sa akin.
"W-what are doing?Bitawan mo siya.He's hurting."Pigil ni Alexè kay Tyrone.
He's now giving a death glare to Alexè.Napaatras ng konti si Alexè dahil dun.
"Wala kang pakialam.Get lost,bitch."Seryosong giit ni Tyrone.
"Mauna ka na,Ale---"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla akong hinila ni Tyrone.Sumunod naman ang tatlo.Kahit anong gawin kong pagtanggal sa kamay ni Tyrone ay hindi ko talaga magawa.
Sobrang higpit ng hawak nito.Kita ko na namumula na ang braso ko.Sigurado akong magmamarka ang pagkakahawak nito ng mahigpit.
"T-teka...bitawan mo nga ako!San niyo ba dadalhin?!"Sigaw ko sa kanila.
Pero walang sumagot at patuloy lang sa paglalakad.Gustong-gusto ko na talaga silang suntukin.Maya-maya lang ay pumunta kami sa isang room.Walang tao doon.
Pabalyang binitawan ni Tyrone ang braso ko.Mabilis ko namang hinimas ang namumula kong braso.Kahit nakita nila ito ay hindi mababakasan ang pagsisisi sa mga mata nito.Ano bang aasahan ko?
Tiningnan ko lang sila ng masama.Pasalamat sila at nakapagtitimpi pa ako.
"Hindi ba sinabi namin na layuan mo na ang babaeng iyon."Sabi ni Yohan.
BINABASA MO ANG
Fighting For The Throne | Book 1 (Completed)
AksiLucas Vienne Kozlov is a serious guy who don't give a damn sh*t.He is the master of his self.He doesn't follow order from others. Pero paano kung isang araw nasa ibang katauhan na siya?Kaya niya bang i-handle ang sarili niya kung ang katauhan na kan...