Chapter 33

1.5K 68 3
                                    

LUCAS/XAVIER'S POV

Pumunta kami dito sa isang restaurant.Sila na ang umorder ng aming kakainin.Katabi ko ngayon si Alexè at sa kaliwa ko naman ay si Gretel.Hindi ko alam kung ano problema nila at nag-uunahan kanina sa tabi ko.Kita ko naman na napapailing na lang si Jay dahil sa kinilos ng dalawa.

Maya-maya lang ay dumating na din ang order.Nagsimula na kaming kumain.

"Xavier,hindi ba favorite mo ito nung mga bata pa tayo?"Sabi ni Alexè at nilagyan ako sa plato nung lobster.

Hindi ako nakaimik dito dahil hindi ko naman talaga favorite ang lobster pero nakain naman ako nun.Malamang si Xavier ang may favorite nun.Tinanggap ko na lang ito  para hindi na rin mapahiya si Alexè.At para hindi siya maghinala sa akin.

"Salamat."Sabi ko na lang dito.Ngumiti ito sa akin ng matamis bago tumingin sa kaliwa ko.

"Walang anuman,Xavier."Saad ni Alexè.

Nagpatuloy na kami sa aming pagkain.As usual si Jeffrey at David ang maingay sa kainan.Kahit na may pagkain pa ang bibig ni Jeffrey ay todo pa rin ito sa pagdaldal.Hindi ko alam kung saan pinaglihi ang dalawang yan at napakadaldal.Pero kahit ganun ay masaya naman.

"Guys,san naman ang next destination natin?Dapat sulitin na natin ang araw na 'to."Sabi ni Josh.

"Oo nga.Ngayon na lang ulit tayo magkakasama."Dagdag naman ni Jay.

"Ikaw Xavier?San mo ba gustong pumunta?"Biglang tanong sa akin ni Josh.

Bakit ako ang tinatanong?Lahat sila ay nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko.

"Kayo na lang ang bahala.Kayo ba,san niyo ba gusto?"Balik na tanong ko sa kanila.Wala rin naman akong ibang alam na lugar na pupuntahan.

"Ah!Alam ko na!Bakit hindi na lang tayo magbeach?"Sabi ni Jeffrey.

"Beach?Eh,hapon na."Sabi naman ni Kit na nakakunot ang noo.

"Oh bakit?Pwede pa rin naman magbeach kahit hapon na.I'm sure naman na marami pa ring naliligo ngayon kahit hapon na."Paliwanag ni Jeffrey.

"I think that's a good idea.Ang tagal ko na rin kasing hindi nakakaligo sa dagat."Pagsang-ayon naman ni Alexè.

"Oo nga naman.Last bonding na rin naman natin ito kaya sulitin na natin."Dagdag pa ni Roy.

"Okay na yan ha.Sure na tayo dito ha."Paninigurado ni Jeffrey.Tumango na lang kami dito.

"Ako na lang magpapabook sa atin.May alam akong magandang resort."Saad ni Jeffrey at nagtataas-baba pa ng dalawang kilay nito.

Pagkatapos nitong magpabook ay senend nito sa amin ang destination ng resort na sinabi nito.Pinagbuksan ko muna ng pinto si Alexè bago ako sumakay sa driver seat.

Sumakay na din ang iba sa kanilang sariling sasakyan.

Pinauna ko na muna silang umalis bago kami sumunod.Sa buong biyahe ay kwento lang ng kwento si Alexè.Kunwari ay nakikinig na lang ako sa mga sinabi niya.

Pagkarating namin ay pinark na namin ang sasakyan.Napansin ko na sobrang daming sasakyan ang nakapark dito.Mukhang sikat ang resort na ito.

Bumaba na kami ng sasakyan.

"Ano?Di ba maganda dito?"Sabi ni Jeffrey na malaki ang ngiti.Mukhang proud na proud sa sarili.

"Ayos ka Jeffrey.Maganda nga dito."Pagsang-ayon naman ni Jay.

"Siguro maraming chix dito,hehe."Sabi ni David.Mukhang sabik sa babae ang loko.

"Oh ano pang hinihintay natin?Tara na,pasok na tayo."Sabi ni Jeffrey at nangunang maglakad.Sumunod na lang kami sa kanya.Siya rin naman ang nakakaalam sa resort na 'to.

Fighting For The Throne | Book 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon