Jigsaw

28 0 0
                                    

It's been a long time since I've accepted it pero parang hanggang ngayon, natatakot pa rin ako. Natatakot ako na baka iwanan ako ng lahat, baka hindi nila ako maintindihan.

People have proven time and time again that they will be there for me no matter what, pero ako kasi ang problema eh. Dumarating kasi sa point na nilalamon ako ng takot, at ang hirap para sa akin na kalabanin ang takot na 'yon.

"Jho, ano? Okay lang ba sa'yo?" may bahid ng pag-aalangang tanong ni Mac sa akin.

Huminga muna ako at pumikit– pinag-isipang mabuti kung ready na ba ako. "Yeah... yes, okay lang."

Nag-request kasi si Mac kung p'wede raw ba kaming mag-pictorial ni Bea for the bestie merch. Simpleng pictorial lang, wala namang fans at private lang.

Sa totoo lang, ayoko lang naman na may mga nakikisawsaw na fans kasi bumabalik 'yong mga tanong na pilit ko nang itinago sa baul. Bumabalik 'yong pakiramdam na parang may kulang sa'kin, na parang may dapat akong balikan para maging buo na ulit ako.

"J fell first but B fell harder." Kung sino mang nagpauso ng statement na 'to, sorry, mali ka.

If anything, it was I who fell hard. Ni hindi ko pa nga kayang harapin hanggang ngayon ang mga fans namin nang hindi natutulala eh. Hindi ako maka-move on, oo, dahil nga wala naman akong ginagawa para mag-move on.

Each time na nare-remind ako ng mga tao na pina-fall ko raw si Bea, napapamura na lang ako eh. I mean, ako talaga ang pa-fall? Hindi ba nila naisip na ako nga 'tong nahulog na walang sumalo?

Sino ba kasing nagsabing nagkagusto sa akin si Bea? She's one of the most courageous persons I know kaya alam kong aaminin niya sa akin kung totoo man ang tsismis.

Sadly, one-sided nga lang ang nangyaring love affair– ako lang ang nagmahal nang sobra pa sa dapat. Ako ang nahulog sa best friend kong hindi man lang makaramdam.

Inamin ko ba? Of course not! Actions speak louder than words, at kitang-kita ko namang she can live without me. She's happy kahit wala ako, and that's enough reason for me to keep these feelings hidden.

"Straight ka?"

Pesteng tanong 'yan, dahil d'yan kaya ang daming nagalit sa akin eh. Kung straight naman daw ako, bakit ko pa pinaasa si Bea? Like, what the hell?

Tingin niyo ba, ako mismo hindi napapatanong sa sarili ko? Kasi, oo, alam ko sa sarili kong straight ako. Pero, tangina, bakit minahal ko ang best friend ko nang sobra pa sa dapat pagmamahal lang sa isang kaibigan?

Is it possible to fall for a certain girl but still be straight as a pole? I don't know! Pero, that's exactly what happened to me. I guess, she's the only exception.

"Oh, bilis na, pose na kayo!" masayang utos ni Mac nang, sa wakas, magkatabi na kami ni Bea.

"Pa'no ba? Jho, how do we do this?" natatawang tanong ni Bea sa'kin habang nagta-try ng iba't ibang pose. God, I missed her voice!

Natural na lang na lumabas ang ngiti sa mukha ko habang tinutulungan siyang mag-pose. "Ganiyan ka tapos ganito ako. Wait, sige 'yan, taas mo pa 'yan."

Patawa-tawa lang kami habang nagpo-pose na parang mga bata. Nang dumating sa point kung saan kailangan namin ng medyo maayos na photo, we moved closer to each other like clockwork. Tangina, ang perfect pa rin ng synchrony namin.

"Jho, akbayan kita ha?" malumanay ang boses na tanong ni Bea. Shit, consent never sounded so sexy before!

Napatango na lang ako bilang sagot kasi baka iba pa ang masabi ko 'pag nagsalita ako. Ramdam ko ang kabog sa dibdib ko nang tuluyan na niya akong akbayan and, I must say, this was the feeling of wholeness I've longed for.

Si Bea lang pala talaga ang kokompleto sa'kin... si Bea pa rin talaga.

"Oh, ayan, okay na. Thank you sa inyong dalawa ha, Jho, Bea." Makahulugan ang tinging ipinukol sa amin ni Mac– tangina rin talaga nito minsan, baka mamaya makahalata si Bea at um-exit bigla, jusko!

Nakangiti pa rin si Bea pero pasulyap-sulyap sa malayo, probably wondering kung nasaan na ang mga teammate niya. Akmang susunod na siya kay Mac na pabalik na sa loob ay bigla ko siyang hinawakan sa kamay.

"Hmm? Why, Jho?"

Fuck. It's now or never, Jhoana. "Can we talk?" Anak ng– straight English talaga?

Bea chuckled– takte, malamang, halatang kabado ka eh, Jhoana Louisse! "Yeah, of course. Sa'n tayo? Dito na lang?"

Sana hindi, Bea. Sana hindi tayo hanggang dito na lang. "Yeah, here's fine."

Ilang minuto kaming tahimik lang na nagtitigan bago siya tumikhim. "Uhm, Jho? Akala ko mag-uusap tayo?"

Hinga nang malalim, then just say it. You can do it, Jhoana.

"Uh, okay ka–"

"I like you."

... gagi, pa'no ba mag-insert ng cricket noises in real life? Bagay sa situation namin ngayon eh.

Napabuntong-hininga ako bago muling nagsalita. "I like you, Bea."

Kunot-noong napatango naman si Bea bago sinabing, "Yeah, I like you, too."

Feeling ko'y nahulog sa lupa ang puso ko nang ma-realize kung anong ibig sabihin ni Bea. "Bea, I like you... pero hindi as a friend."

As if a deer caught in headlights, nanlaki ang mga mata ni Bea at marahang napatango. "O-oh... that kind of like."

I nodded. "I've liked you since... I don't know, college days? Hindi ko sigurado kung kailan exactly nag-start."

"You had a boyfriend, Jho. And, you're straight, di ba?" takang tanong ni Bea.

"I did, and I am. Hindi naman sa hindi ko siya minahal pero kasi... my feelings for you never stopped growing. I guess, kaya nga siguro nagtagal din kami ay dahil na-repress 'yong nararamdaman ko sa'yo, kasi minahal ko naman talaga siya. When we broke up, everything hit me like a truck, Bea. Na-realize kong, at the end of the day, ikaw pa rin talaga ang makakabuo sa'kin."

Natigilan si Bea at napasulyap sa malayo. "Jho, we're like jigsaw puzzle pieces that fit perfectly with each other."

Napangiti ako sa sinabi niya because it was true, we fit well. Perfect match nga eh.

"But, we don't belong in the same puzzle, Jho. Kahit anong pilit, hindi tayo makakabuo ng may sense na jigsaw kasi maling piece ang inilalagay."

Parang tumigil sa pag-inog ang mundo ko nang marinig ang sinabi niya. Tangina. Ganito ba ang feeling na mabangga ng rumaragasang tren?

"I'm sorry, Jho. I'll... see you around?" malungkot na sambit ni Bea bago siya naglakad palayo.

Tangina, ang sakit.

We fit together so perfectly, I didn't realize we didn't actually belong with each other– perfectly fitting puzzle pieces in perfectly different jigsaw puzzles.

You're not the one that got away, Bea, but the one that was never meant to be. Kahit pala anong gawin ko, si Tadhana na nga pala ang kinakalaban ko.

We weren't made for each other the way I wished we were.

I don't know if I'll ever be able to flush you out of my system, Bea... I don't know if I'll ever want to.

Siguro, magiging masaya na lang akong mahalin ka mula sa malayo habang minamahal mo na ang tamang tao para sa'yo.

Paalam, mahal ko.

WHAT IF THE STARS INTERVENED (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon