Travel Buddy

20 0 0
                                    

Wooh kaninang 9 PM  pa sana ako nakapag-update kaso iniyakan ko pa 'tong story na 'to huhuness so much! T_T

Nothing heavy naman kung tutuusin pero may character death kasi ta's may parang embedded idea about mental health (walang mame-mention na exact except sa word na "therapist" so hehe). Again, nothing too heavy pero feel free to skip if 'di niyo trip hihi lablats <3

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

"Bubby, pagod na 'ko. Rest muna, p'wede? A couple of minutes lang," paglalambing ko kay Jhoana habang halos patumba nang umupo sa medyo malaking bato na malapit sa akin.

"Ituloy ko na 'to, bub, sunod ka na lang. I'll go there first na para pag-akyat mo, kakain na lang tayo," Jho said, a soft smile on her lips. Tumango ako at bumalik muna siya sa puwesto ko't hinalikan ako sa noo. "Thanks, bub! Take your time resting lang, okay? I love you!"

"I love you, bubby kong color yellow pero naka-black-and-white filter!" I told her as I kissed her hand softly. "Ingat ka paakyat ha? Baka madulas ka't mahulog sa iba, that's bad!"

"As if naman papayag pa akong mahulog sa iba, may bubby na nga akong kamukha ni Cookie Monster eh!" Jho teased back, already a couple of steps away from me. "Hintayin kita sa taas ha? Again, I love you!"

Ilang minuto pa lang nang mawala sa paningin ko si Jhoana nang makarinig ako ng sunod-sunod na sigaw. It sounded like someone slipped from the trail and– shit, si Jho!

"Bub?! Bub, tell me you're okay!" tarantang sigaw ko habang tinatahak ang trail na medyo madulas pa dahil sa ulan kagabi. "Bub– Jho! Jhoana, bub, call out to me!"

As I passed by some fellow hikers, narinig kong babae raw ang nadulas at nahulog sa medyo matarik na bangin. Ilog ang nasa baba ng bundok pero ang sabi ng guides ay mabato raw do'n kaya hindi advisable kahit magtampisaw man lang– whoever fell would surely sustain a couple of major injuries. Ang dinig ko naman, naka-shirt daw na blue 'yong nahulog na babae so medyo nakahinga ako nang maluwag dahil alam kong naka-jacket na itim si Jho– and yes, I know it sounds rude na nakahinga ako ng maluwag pero I really just care about Jho right now, wala nang iba.

Pagdating ko sa summit, I saw a couple of girls there na same build and height ni Jho pero none of them were my bubby. I started to panic pero pinilit ko pa ring kalmahin ang sarili ko dahil baka nakaupo lang sa kung saan ang mahal ko kaya hindi ko siya makita.

As I approached the cliff overlooking the river below, the radio of one of the guides crackled. "Berting, nandito na kami sa baba, nahanap na namin 'yong nahulog. Positive, babaeng nakasuot ng blue na T-shirt at black na combat pants. Hindi pa namin alam kung sino, kinukuha pa nina Nestor 'yong bag kasi naianod na eh."

Wait. Ano na nga bang suot ni Jho sa loob, underneath the black jacket? Was she wearing our couple shirt?

Sinilip ko ang suot ko at nakahinga na naman nang maluwag nang ma-confirm na white ang suot ko so siguradong white rin ang suot ni Jho. Siyempre, matchy-matchy as usual.

Pagsilip ko sa baba ng bangin, nakita ko ang ilang guides kasama ang mga rescuer na may hawak na stretcher. May hawak silang dextrose so I'm guessing whoever fell was still alive, thank God.

Wala sa sariling napansin kong may nakasabit sa mismong gilid ng bangin na jacket, probably belonging to the girl who fell. Naisabit ito sa nakausling bato kaya siguro hindi nahulog. Inabot ko ang jacket at halos mawalan ako ng ulirat nang ma-realize na 'yon mismo ang suot ni Jho na jacket kanina.

As if on cue, I heard the guide's radio crackling once again. "Berting, tanong mo nga kung may Beatriz de Leon ba d'yan. Asawa kasi nitong nahulog na babae eh. Pakisamahan naman dito sa baba para makausap namin at makasunod siya sa ospital na pinagdalhan sa asawa niya."

WHAT IF THE STARS INTERVENED (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon