Thanks For Breaking My Heart

18 0 0
                                        

A lighter story for the pampalubag-loob for today's video HAHAHA

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

"It's been years, Jhoana Louisse!" iritadong sabi ni Mich sa akin. Well duh, as if I didn't know how to use a calendar.

"Mich, hindi naman ako bobo–"

"Oo, hindi ka talaga bobo, you graduated with Latin honors nga eh," sang-ayon niya habang nakataas ang kilay. "Ang kaso, tanga ka! Hindi mo ginagamit nang maayos 'yang utak mo."

I was hurt, pero hindi ako umimik kasi parang totoo naman. Tanga nga yata talaga ako.

"Sa tagal na no'n, tingin mo ba talaga e naaalala pa ni Bea 'yon?"

Nanlalaki ang mga matang naitakip ko sa bibig niya ang kamay ko. "Gaga! 'Wag ka ngang nagne-namedrop d'yan!"

Mich just rolled her eyes at me then motioned her hands around as if asking me to look. "Jho, we're alone– unless may nakikita kang hindi ko nakikita.  O baka naman pinaninindigan mo na talaga 'yang katangahan mo?" she said in disbelief after removing my hand from her mouth.

"Mich, nagi-guilty pa rin kasi ako. It's because of me that her heart broke–"

"Oo na, nando'n na nga tayo, Jhoana. Her heart was broken– into a million pieces pa nga sabi mo– pero hindi mo naman kasalanan lang 'yon! Hindi mo solong kasalanan! If anything, mas kasalanan pa nga dapat no'ng letseng lalaking 'yon na balak ka rin naman palang i-two-time!" gigil na bulalas ni Mich habang may pakumpas-kumpas pa sa ere. Grabe, ano ba 'to, declamation?

"Michi, help me na lang, please?" Inirapan lang ako ni Mich kaya kumapit ako sa braso niya. "I'll do the talking naman– just help me find her."

-

"Mich!" impit na sigaw ko kay Mich through call habang nasa loob ng C.R. at pasulyap-sulyap sa pinto. "Ang sabi ko, hanapin mo lang! Hindi ko naman in-expect na mismong trabahong inilapit mo sa'kin, siya pala ang magiging boss ko!"

Narinig kong tumawa nang malakas sa kabilang linya si Mich. "Gaga, hindi mo naman kasi nilinaw. Right after you said na tulungan kitang hanapin si Bea, sinabi mo rin na tulungan kitang maghanap ng work. Oh, ayaw mo 'yan, two birds, one bread?"

I rolled my eyes in frustration kahit alam kong tatawanan lang ako lalo ni Michelle kung nakikita niya ako. "Mich, una sa lahat, hindi bread 'yon, stone kasi 'yon, gaga! Pangalawa, parang obvious naman siguro na gusto kong makipag-ayos dahil may atraso ako so hindi advisable na workmates kami! Pa'no na lang 'to, boss ko pa pala si Bea?!"

Mich copied the tone of my voice mockingly and said, "Jho, first of all, sinadya kong bread kasi ang sabi nga nila, 'Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.' Second, buwenas kaya 'yan! Good shot ka nga d'yan kung tutuusin kasi magso-sorry ka, e di may chance pa na maawa sa'yo ang boss mo na si Bea. My God, Jhoana, mindset!"

Lord, bakit po ba ako biniyayaan ng ganitong kaibigan? Ang sakit sa head and shoulders and knees and toes so much. "Oo na lang! Salamat sa lahat, Michelle!"

Mich just laughed at me. "You're welcome, Jhoana Louisse! 'Yong libre ko ha, don't forget!" she chirped before ending the call. Alam yatang tatalakan ko na sana ulit eh.

Pag-angat ko ng tingin mula sa cellphone ko, there was already a person standing by the door– sarado ang pinto at nakaharang siya do'n. At dahil mahal na mahal ako ni Tadhana, si Bea pa nga ang taong nakaharang sa pinto.

She probably heard everything Mich and I said because she's currently staring at me with an amused smile playing on her lips. Patay ka, Jhoana.

"Ah, so kaya pala I saw your file when I checked for the applicants the other day– Michelle endorsed you pala. Well, welcome, Jho. I hope you'll have fun here," marahang sambit ni Bea habang nakangiti sa'kin pero feeling ko'y pinipigilan niya lang akong asarin. "Oh, and by the way, you don't have to apologize na about the issue when we were in college pa. It's been... huh, seven or eight years, yeah? Matagal na akong naka-move on– didn't even last for weeks, actually."

Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Napipi na nga rin yata ako kasi hindi ko man lang magawang sumagot kay Bea kahit man lang sana para magpasalamat sa pag-welcome niya sa akin.

"Oh, and besides, Jhoana Louisse, may na-realize nga pala ako when my brain finally processed the fact that Theo stopped courting me to pursue you instead," nakangiti pa ring sabi ni Bea with her calm, cool voice. Shuta, chill na chill ah, parang hindi nanghaharang ng daanan right now.

"A-ano?" I managed to stutter after a couple of seconds.

"I actually like someone else. I guess na-project lang kay Theo 'cause he was my closest friend dati while si someone else was just a classmate," tugon ni Bea habang nakangiti pa rin nang pagkatamis-tamis. "Well, classmate lang before. Ngayon, I saw that someone else na ulit eh. Siyempre, hindi na siya classmate lang so I'm hoping may chance na."

Hindi ko gets what Bea's point was. I mean, anong pakialam ko kung may iba pala siyang gusto? Ay, baka kaya niya na-share 'yon ay para hindi na ako ma-guilty na parang inagaw ko sa kaniya si Theo? Okay, pero bakit may pa-share pa ulit na nakita niya kung sino man 'yong 'someone else' na tinutukoy niya?

"Has someone ever told you ang cute mo when you're confused? Para kang batang naiwan ng parent or something." Bea chuckled, her smile turning into a teasing smirk.

Wala sa huwisyong kumunot ang noo ko. The audacity of this girl to compare me to a kid na naiwan ng magulang– grabe!

"Hey, don't get mad, miss. Crush pa naman kita," Bea mumbled loud enough for me to hear. "Anyway, balik na ako sa work. Come meet me sa office ko for your actual briefing na. Sorry if I was late for a bit, pinick-up ko pa kasi 'yong bouquet ng sunflowers and yellow tulips na in-order ko for you." She winked at me then went out of the comfort room as if nothing happened.

Ilang segundo pa lang ang nakalipas at nangangatog pa ang tuhod ko habang pina-process ko pa rin ang lahat ng sinabi ni Bea nang muling bumukas ang pinto at sumilip siya. Grabe, speak of the devil and she will come nga naman.

"By the way, thanks for breaking my heart before ha? Nakahanap tuloy ng way ang tadhana for us to meet again. See you at my– I mean, our office, crush!" And just like that, she's gone again.

She's been gone for a couple of minutes now pero sariwa pa rin sa'kin ang pangyayari. Para ngang katatapos ko lang tumakbo sa marathon sa bilis ng tibok ng puso ko. Nangangatog pa rin ang mga tuhod ko pero, at the same time, pakiramdam ko rin ay lumulutang ako sa ere.

What have you done to me, Isabel Beatriz?

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

What if may gumawa ng full-length na story ng oneshot na 'to? Parang ang cute kasi eh huhu ba't kasi ang gulo ng utak ko right now, 'di ko tuloy mabigyan ng hustisya 'tong fluff kinemper na 'to jusq. >_<

Eniweiz, 2/3 'to ng beri leyt update ko hehe sorry, nagkasakit kasi ako kaya 'di ako nakapag-drop ng update Friday. T_T

- Azi

WHAT IF THE STARS INTERVENED (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon