Drunk in Love

26 0 0
                                        

"Siguradong nagwawala na ngayon ang mga BBW dahil nakita tayong magkasama," patawa-tawang sabi ni Jho habang nakasandal sa balikat ni Bea.

Bea chuckled while nodding. "Nagulat ako, actually, kasi nagpakita ka. I thought magiging camera-shy ka na naman eh."

"Actually, dapat nga sana," Jho said with an eyebrow playfully raised, "Kaso, matatanggihan ko ba ang isang Madam Alyssa Valdez? Siyempre hindi!"

Natawa naman si Alyssa at pinanlakihan ng mata si Jho. "Aba, of course dapat magpakita tayong lahat. Minsan na nga lang tayong makumpletong apat eh, ayuda na rin for the fans, you know."

"Sa sobrang ayuda, Ate Ly, baka nahimatay na 'yong mga fans namin," pabirong sabi ni Jho. "Hala, magla-live pa naman ako ulit, siguradong 'Best Blocker' na naman ang award ko for the next video!"

Masayang nagtawanan ang apat na magkakaibigan. Masaya sila siyempre, kayo ba naman ang yanigin ang mga patulog nang fans sa biglaang ganap. On a more serious note though, they knew everyone needed the assurance that they were all okay in the background– lalo na't ang daming naglabasang issues na pinagsasabong na ang iba't ibang players for no logical reason.

"Oh, shot niyo na!" maya-maya pa'y halos pagaralgal nang sigaw ni Ella habang may hawak na bote ng Alfonso. Sa di-kalayuan, may mga nakakalat na ring bote ng ibang brand ng alak na wala nang laman. "Tingin mo ba, Jhoana, 'di namin napapansing ang hina mo ngayon? Hala, bilis, inom!"

Natatawa na lang na tinanggap ni Jho ang bote at diretsong lumagok. Kasabay ng pagguhit ng pait ng alak sa lalamunan niya'y napapikit siya nang mariin. Pagkatapos, "Hayop na 'yan, kapag ako nagka-hangover, Alyssa, Jorella, kayo ang sisihin ko!"

"Huy, respect your elders, beh! Lasing ka na ba so much?" pabirong pangungulit ni Bea kay Jho.

"Ha? Ah, oo nga pala, mga ate ko pala kayo! Jusko, sorry na po, mga ate! 'Wag niyo 'kong i-cancel ha?" humahagikgik na sambit ni Jho.

Malakas ang halakhakan habang pabirong naghahampasan ang apat. Tuloy pa rin sa pag-ikot ang bote ng alak kaya't tuloy rin sila sa pag-inom. Minsan lang naman, naisip nila, babalik na rin naman ulit sila sa nakapapagod na mundo pagkatapos nito.

"So ano nga, kumusta? Ba't parang hanggang ngayon, ang lakas pa rin ng hatak niyo sa tao?" Ella slurred, "What's the secret of JhoBea?"

"Matibay raw barko namin, I read once sa Twitter," Bea responded, an amused smile on her face, "It's weird nga eh, wala na silang nakikitang ganaps namin on-screen pero they're still strong."

"Pala-desisyon 'yang mga 'yan! Kahit siguro mag-away kami ni Bea in public, matutuwa pa rin sila– mahahanapan pa rin nila ng kakikiligan!" Jho said, her tone more playful than serious.

"Oh? Bakit, may dapat ba silang kakiligan?" sabat ni Alyssa.

Sabay na natigil sa pagtawa ang mag-"sobrang best friends" at napasulyap sa isa't isa.

It must have been the alcohol talking when Bea responded with a small, "Marami."

"Ha? Marami? Bakit? Kayo ba?" dire-diretsong tanong ni Alyssa habang pinaglilipat-lipat ang tingin kina Bea at Jho.

"Haha, no. But, I do like her."

"Walang kami, hoy."

Sabay na napahiyaw habang pumapalakpak nang malakas sina Alyssa at Ella dahil ang narinig lang nila ay ang malakas na sagot ni Bea. Jho's response was drowned in the noise, and she just continued to stare at Bea like her life depended on it.

WHAT IF THE STARS INTERVENED (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon