Paubaya

21 0 0
                                    

HI, WAIT LANG, UPDATE TALAGA 'TO PERO DISCLAIMER LANG ULIT.

FAN FICTION po ito, please, 'wag seseryosohin. Okay lang namnamin, pero 'wag nang dalhin sa kung saan-saan. Mabigat sa loob kong gawin 'tong story na 'to kasi ninanamnam ng sistema ko ang mga sinusulat ko pero dahil ito ang in na topic ngayon, I'll try my best.

Sana hindi kayo balat-sibuyas, mga beh, 'di naman masyadong drama 'to eh. 'Yan, sinabi ko na ha? Wala naman na sigurong magagalit. HAHAHA

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

"Beh, why do you love me?"

"Beh, tinatanong pa ba 'yan? Siyempre, mahal kita because you're Jhoana Louisse Maraguinot- my Jhow-Jhow!"

Nag-expect ako ng mala-nobelang sagot mula kay Bea pero sa isang pangungusap pa lang, napangiti na niya agad ako.

Mahal niya ako dahil ako ay ako.

Mababaw man sa tingin ng iba, para sa'kin ay sobrang laking bagay na no'n.

Mahal ako ni Bea sa kung anong kaya ko na at kakayanin pa sa mga susunod pang taon.

"Mahal din kita, Bei."

Sa paglipas ng mga araw ay kita ko namang masaya talaga siya sa akin- masaya siya sa kung ano mang mayro'n sa aming dalawa.

Tuwing may game ako, nanonood siya. After the game, ide-date niya ako sa kung saan ko gusto, regardless if my team won or not.

Every Sunday, we go to church first thing in the morning. Then, we spend the entire day visiting orphanages and shelters. Sunday is charity day, and it's when we give back to the people in honor of our faith and love in God.

During holidays, bibiyahe talaga kami para bisitahin ang family namin. Family bonding na nga, may roadtrip pa.

We're also very vocal sa relationship namin. At first, only our relatives and close friends knew. Siyempre, we had to test the waters pa. Kailangang okay na sa kanila bago kami lumabas sa madla para may stable support system kami ano man ang mangyari. Thankfully, when we came out in public as a couple, we received a huge amount of support. May haters pa rin but that's fine, parte na ng buhay eh.

Our first anniversary was the best- well, for me lang naman, 'di ko naman alam kung anong tingin ni Bea do'n. It was such a magical day. Pinaramdam niya talaga sa'kin na isa akong Disney princess.

Bea, wearing a white polo shirt and black jeans, held a bouquet of tulips as she smiled sweetly at me. Sa likod niya, may heart-shaped LED lights na nakadikit sa pader.

"Jho, love, happy anniversary!" masayang sabi niya habang inaabot sa akin ang mga bulaklak. "I hope this isn't too much."

Napangiti ako sa sinabi niya at naramdaman ang pangingilid ng luha ko. "Beatriz, ano ka ba? This is perfect." Inisang hakbang ko ang pagitan sa'ming dalawa at niyakap siya nang mahigpit. "Thank you, Bei. I love you."

"I'm glad you liked it, Jho, pero may mga to follow pa. You ready to feel like a princess na ba, love?" Malawak at nakahahawa ang ngiting nakapaskil sa mukha ni Bea kaya't lalo akong napangiti.

"Ang dami mong pakulo, Beatriz. Pasalamat ka talaga, mahal kita."

"Salamat! 'Wag kang mag-alala, mahal din kita."

Our second anniversary, nataong may bagyo kaya sa condo lang kami nakapag-celebrate. Biglaan lang at talagang nag-panic mode pa kami bago kami nakapag-celebrate. May reservations na kasi kami that day, kakain sana sa labas with our family and close friends kaso, 'pag minamalas din talaga, inabutan nga ng bagyo.

WHAT IF THE STARS INTERVENED (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon