Home in Every Universe

21 0 0
                                    

PLEASE DON'T READ THIS UNLESS YOU'RE SURE YOU CAN. THERE WILL BE A SU!C!DE SCENE SOMEWHERE IN THE MIDDLE DENOTED BY "~" SO SKIP THAT PART OR THE WHOLE FIC.

Kung sa tingin niyo, hindi niyo na kaya at pasuko na kayo, please don't hesitate to ask for help. There are experts willing to help, and there are people who want to see you survive. Please, kapit lang. Your feelings are valid, hindi 'yan dala lang ng imagination niyo. Kung gusto niyo lang ng mapaglalabasan ng sama ng loob at ayaw niyong makaabala sa mga taong malapit sa inyo, hit me up here or sa Twitter ko. I'm free most of the time, hindi kayo magiging abala sa akin. I won't talk if you don't want that, p'wede akong maging "shoulder to cry on" lang.

Mahal ko kayo.

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

"Kahit anong mangyari?"

"Kahit ano pang mangyari, Jhow."

Napabalikwas ako nang maramdaman ang malamig na hangin sa mukha ko. Am I here?

I lifted myself up from lying flat on the dirt. So far, mukhang normal naman lahat. It still looked like Earth, pero wala na ako sa room ko so I'm taking that as a good sign.

Gabi naman at walang dumadaang tao rito sa bakanteng loteng kinatatayuan ko so okay lang naman sigurong mag-stay muna ako rito kahit sandali. I just need to re-orient myself.

First, I am Isabel Beatriz Paras de Leon- okay, I still know who I am.

Second, my colleagues and I built a space travel machine which was finally up for testing after two years. I, of course, elected myself as the guinea pig- good, I still know what happened before the jump.

Third, I'm on a mission to-

"Jho?" bulong ko sa hangin nang matanaw sa di-kalayuan ang babaeng pinakamamahal ko- my sunflower. "Maybe it's this one, love."

Tahimik akong nagpalinga-linga bago ko binagtas ang eskinitang kumokonekta sa bakanteng loteng dinatnan ko at sa tila'y park na kinakitaan ko kay Jho. I'm not hallucinating, am I?

Nang sa wakas ay makalapit, pinigil ko ang sariling tumakbo para yakapin nang mahigpit si Jhoana. She shouldn't see me- I don't belong in this timeline. Her Bea in this world might be somewhere near anyway- wherever Jho is, there's also a Bea lurking nearby.

Please let there be a Bea.

Ilang minuto rin akong nagkubli sa likod ng isang puno bago ko napansin ang isang aninong mabilis na naglalakad papunta sa direksiyon ni Jhoana. If this turns out to be someone bad, bahala nang magkagulo ang timeline, 'di ko mapipigil ang sarili kong iligtas ang mahal ko.

At long last, I saw the silhouette's face- it was me. Well, it wasn't actually me but the Bea in this timeline.

I saw Bea looking at Jho the same way I've looked at my Jhoana- with so much care and love that I could do anything and everything as long as she was beside me.

"Jho-"

"Bea, hindi ko na 'to patatagalin pa," seryosong putol ni Jho sa kung ano mang sasabihin pa sana ni Bea. "Please stop. Ayoko nang makita kang umaaligid sa amin. Masaya na akong wala ka sa tabi ko."

I felt a familiar pang in my chest as I heard Jho's words. Tangina, masakit pa rin pala.

I lifted my left hand up and pressed the tiny button embedded on the silver ring on my index finger- it's time for me to leave.

In a flash of white, I felt a couple of hands holding me by my clothes and hoisting me up before the voices finally flooded my ears.

"Bea?" marahang tawag ni Des.

WHAT IF THE STARS INTERVENED (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon