FATHER'S DAY SPECIAL (kung hindi pa obvious sa title hehe)
For yesterday kasi talaga 'to kaso nga nagdrama pa ako so hindi ako nakapag-update hays so sad. ;-;
Don't worry, may happy ending naman 'to, mukha lang sad sa gitna HAHAHA yay!
=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
"Pa–"
"Anak ng tupa naman, Jhoana!" bulyaw ni Papa sa'kin habang halos umusok na ang bumbunan sa galit.
"Pa, I'm sorry–"
"Sorry, Jhoana? Sorry na lang?" nanlalaki ang mga matang pagigil niyang sambit sa akin. "Saan tayo pupulutin ng sorry na 'yan, ha? Makakain ba 'yang sorry mo, ha?"
"Pa, hindi ko naman po sinasadya–"
"Hindi sinadya? Pa'no 'yon? Basta na lang nagkaro'n ng bata d'yan sa sinapupunan mo, gano'n ba? Aba, may himala pa pala sa panahon ngayon," kuyom pa rin ang kamao ngunit medyo kalmado nang sabi ni Papa– kalmado kumpara sa kanina, at least.
"M-mahal ko po–"
Natigilan ako sa pagsasalita nang lumuhod si Papa sa harapan ko't tahimik na humagulgol. Ganito pala ang pakiramdam 'pag 'yong kinakapitan mo na ang naubusan ng lakas.
Nanghihina ako.
"P-pa..."
With tears still streaming down his tired face, Papa stared at me the way he always did– with so much love I could almost feel it physically. "Anak... h-hindi kasi natin kaya eh... h-hindi ko kayo kayang b-buhaying dalawa."
It took every bit of strength I had left in me but I knew I had to stay strong. Kailangan ni Papa ng makakapitan ngayon– kailangan niya akong maging malakas. "Pa, 'wag ka nang u-umiyak oh. Sinabi ko lang naman sa'yo para alam mo. Ako ang gagawa ng solusyon, Pa, 'wag kang mag-alala."
Tinignan ako ni Papa at masuyong hinaplos ang braso ko. "Anak, t-tutulungan ka ni Papa. Kakayanin– no, kaya natin 'to. Okay?"
I know it would be difficult, and I might even think of giving up along the way, but Papa has never lied to me. Kung ang sabi niya ay kaya namin, e di kaya namin 'to.
He's always given me the best.
-
"Jhoana–"
"Pa, ano ba? Anong klaseng kalokohan 'to?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Papa at sa babaeng katabi niya. "Look, I know it's hard pero, Pa, this is crazy!"
"No, anak, it's not–"
"Sino ba kasing nakaisip ng idea na 'to? Alam kong hindi ikaw, Pa, you're better than that!" I, again, interfered with whatever nonsense my father was about to say.
"Well, it's–"
"Ano? You can't even answer my questions! How do you expect me to agree to this?" malakas ang boses na tanong ko– feeling ko nga ay dinig na kami ng lahat ng kapitbahay pero wala akong pakialam.
This time, bago pa man makapag-react si Papa, tumayo ang babaeng katabi niya at kunot-noong hinarap ako. "If you had just given your father a chance to talk, he'd already given you the answers you seek," marahang ngunit may diin niyang sabi.
Nanlalaki ang mga matang hinawakan ni Papa sa braso ang babae at marahang hinila palayo sa akin. "Bea, a-ako na ang kakausap kay Jhoana. Please sit down, babalik na lang ako after naming mag-usap."
BINABASA MO ANG
WHAT IF THE STARS INTERVENED (JhoBea)
FanfictionHabambuhay na kakapit sa rollercoaster naming Titanic
