"Bea?"
"Yes, Jho?"
"Samahan mo naman ako oh."
"Sure. Sa'n ba?"
Paano akong hindi mahuhulog sa isang Bea de Leon?
Isang tawag mo lang, nand'yan agad siya. Isang lingon mo lang, nasa tabi mo na agad siya. Food, sports, travel– sa lahat, ready kang samahan.
Sige nga, tell me how can I avoid the inevitable?
"Jho, hindi ka pa kumakain. Tara, let's go eat somewhere."
Parang gusto ko na lang magpalipas ng gutom so you'd remind me each time, at para na rin makasalo kita sa pagkain.
"Magaling talaga 'yan, si Jho. Idol ko 'yan eh!"
Ang sarap kasing maglaro kapag kasama ka. Hindi ako natatakot matumba dahil alam kong nasa likod lang kita.
"Jho, I'm bored. Let's go to Tagaytay? I'll drive, don't worry."
Huh? Pa'nong hindi ako magwo-worry, Beatriz? You're already driving me crazy!
"Hey, Jho? Okay ka lang ba? Bigla mo na lang akong hindi pinansin."
Bea, wait lang, p'wede? I'm trying to move on. Alam mo ba 'yon? I'm trying to move on kahit wala namang nangyari kasi nahulog ako sa taong hindi ko p'wedeng mahalin!
"Bea! Musta na kayo ni Thirdy?"
Napaangat ako ng tingin mula sa pagkatitig sa sahig nang marinig kong tanungin ni Jia si Bea. Anong ibig niyang sabihing kumusta na sila ni Thirdy? May hindi ba ako alam?
"Huh? Ah, we're okay naman. He'll go here later to fetch me, we'll eat yata sa labas," nakangiting sagot ni Bea.
Tangina. Are they going out? With each other, as in together?
Hinintay kong matapos ang usapan nina Bea at Jia bago ako dahan-dahang naglakad palayo. Alam kong susunod sa akin si Bea– well, I'm hoping na susunod siya sa'kin.
"Beh, wait! Sa'n ka? Sama ako!" mabilis na tawag sa'kin ni Bea kasunod ang ilang mabibigat na yabag. Hehe, sabi na eh.
Tahimik lang kaming naglakad habang magkahawak-kamay hanggang sa nakarating na kami sa kalapit na park. Hinila niya ako paupo sa isang bench at umakbay sa akin pagkaupo namin.
"Ba't nga hindi mo 'ko pinapansin?"
"Ga'no katagal na kayong nagkikita?"
Parang may dumaang mga anghel sa pa-moment of silence after naming sabay na magsalita. Hindi ko siya magawang tingnan so hindi ko alam kung anong reaksiyon niya sa tanong ko. Bahala na, hindi naman siguro ako masyadong obvious, 'no?
"I mean, kayo ni Thirdy. Since when pa?" kalmadong pambabasag ko sa katahimikan.
"Jho," mahinang sagot niya, "Matagal na, di ba? Nakalimutan mo na ba?"
The heck? Paanong nakalimutan, hindi ko nga alam?
"Ah... oo, sorry," simpleng sagot ko na lang. Alangan maghuramentado ako rito, di ba?
Matagal akong tinitigan ni Bea bago siya tumawa nang malakas habang hinihila ako palapit. "Jho, nagseselos ka?"
Parang nagpanting ang mga tainga ko sa tanong niya.
Shit na malagkit. Buking na ba ako?
"H-ha? Uh–"
"Hey, don't selos na. Ikaw pa rin naman ang best friend ko," masayang putol ni Bea sa pathetic attempt kong magsabi ng rason.
BINABASA MO ANG
WHAT IF THE STARS INTERVENED (JhoBea)
FanfictionHabambuhay na kakapit sa rollercoaster naming Titanic
