Kanlungan

26 0 0
                                    

"Hi, beh."

"Jho. Na-miss kita."

Matagal-tagal na rin ang panahong nakalipas mula nang huli kaming mag-usap ni Jho. Hindi ko na nga maalala kung kailan pa 'yon eh.

"Bei, kumain ka na ba?"

"Hindi pa. Tara ba?"

Just like before, tingles started to crawl from the point where our skins touched. Ang tagal na naming hindi nagkita pero ang lakas pa rin pala ng epekto niya sa'kin– partida, holding hands pa lang 'to.

"Bei, favorite mo 'to, di ba? Ito oh, subuan kita."

"Thanks, Jho."

Mauubusan na yata ako ng hininga sa ginagawa ni Jhoana. She's taking my breath away both figuratively and literally. Busog na ang tiyan, busog pa ang puso.

"Nasa 'yo pa rin pala 'yan? Sabagay, ako rin naman. Nakatago pa nga sa condo 'yong relong binigay mo sa'kin noon."

Napangiti naman ako lalo nang marinig ang sinabi niya kahit halos bulong na lang 'yon. Of course, lahat naman ng galing sa kaniya nakatago pa rin sa bahay. Ba't ko naman itatapon kung kay Jhoana galing ang mga 'yon, di ba?

"Ang cute nga pala ng bestie merch natin. Binili ko both pairs kasi ang gandang i-collect. You can have the ones with your drawing, if you want."

"No need, Jho, nag-avail din ako. Lahat, actually, binili ko. Pati nga 'yong solo merch mo, bumili ako eh."

Nakita ko kung pa'no nanlaki ang mga mata ni Jho bago niya ako nginitian nang pagkalawak-lawak. She's smiling because of me again, and now I'm feeling a million butterflies in my stomach– maybe it's because my sunflower is finally back where she belongs.

"Sayang nga pala, hindi kayo nanalo sa Battle for Bronze last PVL Conference. Ang gaganda pa naman ng performance niyo."

"Alam mo namang sa sports, bilog ang bola– it all comes down to which team wants it more. Ah, by the way, nanood ka pala ng laro ko, Jho?"

Kunwari lang na hindi ko alam na nanood siya, gusto kong marinig mula sa kaniya mismo eh. Na kahit hindi na kami nag-uusap araw-araw, sinusuportahan niya pa rin ako gaya ng pagsuporta ko sa kaniya. I guess, no matter how far we go, we'll always be each other's biggest fan.

"Proud ako sa pagtindig mo, Bei. Hindi mo naman kailangang gawin 'yon eh, you could've just chosen to stay silent."

"Ako rin, Jho, proud ako sa'yo. Biruin mo, umabot hanggang sa KUMU ang pagtindig mo kahit bawal sana. BDO yarn?"

Bonus na lang sigurong parehas kami ng naging rason sa pagtindig– o baka meant to be lang talaga kami kaya kahit sa politika ay magkasundo kami? Sabagay, ever since naman talaga, tumitindig na si Jho para sa alam niyang tama. Ang tapang niya talaga.

"Ah, oo nga pala. Marami-rami akong napanood na edits sa TikTok ah. Ang cute niyo ni Caitlin!"

"Jho, 'yan din sinabi mo sa'min ni Thirdy noon bago mo 'ko hindi kinibo ng isang linggo. Part two na ba 'to?"

Napakaselosa talaga ni Jhoana. Akala mo naman talaga, kaya ko siyang ipagpalit sa iba. As a friend nga, hirap pa akong makahanap ng papantay sa kaniya, as a minamahal ko pa kaya?

"Beh, tulog na kaya sina Ate Ly? Parang gusto ko ng icecream."

"Hmm? Tulog na siguro, ang lalakas masyado uminom eh, parang wala nang bukas. Tara, kain tayo ng icecream sa baba."

Tulad ng dati, matching cups ang gamit namin ni Jhoana. Buti na lang talaga, hindi pa 'to inaalis dito. Siguradong aabutin kami ng liwanag sa kahahanap kasi ayaw namin ng hindi matchy-matchy 'pag ganitong sabay kaming kakain– ang mature talaga namin 'pag magkasama.

"Kung hindi kaya tayo nag-attend ng AngAtleta at nag-pictorial para sa bestie merch, kailan kaya ulit tayo makakapag-usap nang ganito?"

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam, Jho. Alam ko namang iniiwasan mong maging center na naman ng toxicity ng mga fake fans, kaya nga hindi rin ako nag-initiate na makipag-bonding kasama ka."

Sobra akong nangulila kay Jhoana pero alam kong para sa sarili niya kaya siya lumayo– kaya nagpigil na rin ako. Hindi naman namin napagkasunduang mag-iwasan– sadyang nagkaroon lang talaga ng ilangan tuwing mababanggit ang isa't isa in the presence of other people kasi alam naming may mga magre-react na naman. Hindi ko ba naman kasi alam kung bakit may mga "fans" na nag-o-overstep pa rin kahit alam naman na nilang mali.

"Alam mo, ang laki ng naging growth ko, Bei. Dumating sa point na sobra ko na kayong nami-miss pero sabi ko sa sarili ko, kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko. Alam ko namang maiintindihan niyo rin ako eh."

"We did, Jho, and we always will. Magkakaiba naman tayo ng paraan ng pag-cope at pag-grow eh. You wanted to go out of your comfort zone, gets namin 'yon. Pero, honestly, kami rin, na-miss ka namin... sobra pa nga yata sa sobra."

Dumating pa nga sa point na halos itali na ako nina Deanna para lang hindi ko puntahan si Jhoana sa kung nasaan man siya. Sabi nina Ate Den sa akin, I needed to let Jho go raw muna so that she can grow. Muntik na akong sumuko pero kinaya ko– lahat naman kakayanin ko basta para sa taong mahal ko.

"Bei, sorry kung natagalan ako ha?"

"Ano ka ba, Jho? Okay lang! Alam mo namang basta para sa'yo, willing to wait lagi ako."

At, totoo naman. Kaya nga kahit matagal bago kami ulit nagkaroon ng chance para ituloy ang kung ano mang naudlot sa amin noon, hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Alam ko, at the end of the day, uuwi pa rin sa akin si Jhoana– uuwi pa rin kami sa isa't isa.

"Beatriz?"

"Hmm?"

Nakita ko kung paanong pumikit nang mariin si Jhoana habang nakatingala sa kalangitan. Unti-unti nang lumiliwanag, hudyat ng panibago na namang araw.

Sana, ito na ang panahong pinakahihintay ko.

"I love you, Beatriz."

Sa wakas, nakauwi na rin kami sa isa't isa– hindi na kailangan pang manatili sa anino ng kahapon.

"Mahal din kita, aking tahanan."

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

Pa-AN lang saglit, naluha kasi ako after writing this.

I had an absolute blast writing this one kasi it hit close to my apdo char. Pero, 'yon na nga. I love reading JB fics, nagsusulat na nga rin ako ngayon eh. Pero, at the end of the day, all I want is to see them comfortable again na magpakita in public. Nami-miss ko 'yong panahong hindi pa sila takot makitang magkasama kasi wala namang mag-o-overstep na fan(s).

I hope that we can all agree that they deserve to have fun with whoever they want nang hindi nag-aalangan. Deserve nila ng peace of mind, at peace in life. I hope we can all give them that kasi deserve nila 'yon– tao lang din silang tulad natin.

- Azi

WHAT IF THE STARS INTERVENED (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon