Back To You

23 0 0
                                    

"Grabe, alam mo na sa sarili mong mahal na mahal mo 'yang Bea na 'yan, Jho?" takang tanong ni Mich sa akin matapos basahin ang tulang kagagawa ko lang kanina- isa na namang tulang alay ko sa taong mahal ko.

Pasimple kong sinulyapan si Bea na nakaupo sa isang bench sa di-kalayuan. "Oo naman, Mich. Mas sure pa sa sure."

"So bakit hindi ka pa umaamin?"

"Kaya ko nga pinabasa sa'yo 'yan kasi 'yan ang ibibigay ko sa kaniya later eh." Inabot ko ang papel na hawak ni Mich at ipinasok sa isang malinis na yellow scented envelope.

"Oh my God, magko-confess ka using that?" nanlalaki ang matang tanong sa'kin ni Mich with matching exaggerated na pagpaypay pa sa sarili. Hay, ano bang kaibigan 'tong nakuha ko?

"Hoy, babae, ang OA mo na so much." Inirapan ko si Mich bago inabot sa kaniya ang envelope. "So? Anong masasabi mo nga?"

Hundreds upon hundreds, none can compare.
Each day I live, I always look for you and stare.
Letters and notes quickly became my best friends.
Loving someone from afar truly knows no ends.
One particular person, I have seen with my heart,
Cryptic messages quickly turned into art.
Rushing bloodstream and a thousand butterflies,
Under no circumstance is this without a price.
Shattered dreams somehow become whole again.
Here and there, it's just her from now and then.
Kryptonite- yes, I guess that's her for me.
I can't function well with her around, you see.
Though, she also inspires me to be better.
Ah, can you please read each line's first letter?

"Opinyon ko? Hayop ka, dumugo ilong ko. 'Yon," nakaismid na sagot ni Mich, "I mean, alam ko namang Inglesera 'yang crush mo pero shuta, ano ba 'yong ibang words na ginamit mo? Ano nga 'yon? Crystal? Crusty?"

Napa-facepalm na lang ako nang marinig ang sagot ni Mich. "Cryptic kasi 'yon, gaga! Meaning no'n, mysterious."

"Tingnan mo? May other term naman pala na mas madaling intindihin eh!" reklamo pa rin ni Mich.

"Gaga! Sige nga, pa'no mabubuo 'yong confession kung magiging 'M' na 'yong 'C' sa poem? Sige nga!"

Natigilan naman si Mich at bumalik na lang sa pagkain ng binili niyang sandwich. Na-realize na yata niya kung ba't gano'n ang mga ginamit kong terms kahit p'wede namang palitan.

Nang mag-ring ang bell signifying that lunch time is almost over at kailangan na naming pumunta sa mga klase namin, nakita kong tumayo na si Bea at naglakad. Madadaanan niya 'tong p'westo kung nasaan kami ni Mich kaya't dito ko naisip na gawin ang plano kong ilagay sa bag niya ang confession poem na ginawa ko.

Hopefully, I don't mess this up.

Tumayo na rin ako at nagligpit na ng mga gamit. Totoo namang nag-ayos ako pero binagalan ko lang para saktong nasa tapat ko si Bea pagkaharap ko sa dadaanan niya.

As soon as I heard her footsteps, pasimple na akong humarap sa path kung saan siya naglalakad at inihanda ang envelope na nakasiksik pa sa bulsa ko. Jusmiyo, sana hindi naman masyadong natupi o ano 'tong envelope.

First, I quickly scanned the room to check if anyone was looking- okay, the coast is clear.

Second, I glanced at Bea's bag to see if it had any openings I could slip the envelope in- bingo, there's one!

Lastly, as soon as Bea was in front of me, I acted like I accidentally bumped into her because I wasn't looking- ow, that hurt though.

"Hey!" Nagulat ma'y ang bilis pa rin akong naalalayan ni Bea para hindi ako matumba. Tinitigan niya ako bago may halong excitement na sinabing, "Wait, we have the same class during Wednesdays, right? Bio with Mr. Perez?"

WHAT IF THE STARS INTERVENED (JhoBea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon