SIN 3

98 5 0
                                    


Viel

"Walay alcohol mo ditan?" kalabit ng babae sa katabi niya sa canteen. Ilang araw na akong nagmamasid at nakikinig. Papa threw me to a lion's den. Wala akong maintindihan sa kanila!

"Antoy gabay mon tanen?" anang lalaki sa kasama niyang babae. Papunta pa lang sila sa mahabang pila.

"Agko anta lanti!" supladang sagot ng babae. Ngumuso ito at inirapan ang lalaking katabi.

"Akin manpapasnok ka?" the boy scratched his head.

"Anggapo,"sagot nung babae. "Unalis ak la. Manaral akla."

Hindi maganda ang makinig sa away ng ibang tao. Pero gagawin ko na yata ang lahat para lang turuan ang sarili ko ng dialect nila. My tutor did not teach me this dialect. I only know English, Tagalog, and Cebuano. Wala naman akong problema sa dati kong school. Maganda naman ang grades ko at hindi rin basagulera. But for some reason, papa decided to make me study somewhere far away.

"E-excuse me." I really have to make friends. Fast. I don't want to seem unapproachable. Kailangan ko lang silang maintindihan then we'll all be good. This school year will be good. Miscommunication will be the root of all differences and disaster in this school if I don't learn.

Nag angat ng tingin mula sa cellphone niya ang isang babae. I think I saw her in our classroom earlier. So magkaklase kami.

"Yes?" she beamed with a friendly warmth.

"Do you speak Tagalog?" tanong ko. Dahil sinagot niya ako sa English, tingin ko'y iyon na lang ang magiging common ground namin para magkaunawaan.

Kumunot ang noo niya. Her friendly smile turned to confused and at the same time entertained.

"Oo naman. Duh! Nasa Pilipinas tayo, girl! Ano kami, foreigners?" bahagya itong humalakhak na parang di siya makapaniwala na tinanong ko 'yon sa kanya.

Nag init ang aking pisngi, but at the same time ay nagluwag ang paninikip sa dibdib ko kanina dulot ng anxiousness. Hindi ko naman pala kailangan maging fluent.

"A-ah akala ko kase hindi tagalog ang pananalita dito. Bago lang kase ako dito sa Pangasinan," sagot ko.

Tumango tango siya. "Oh! Ikaw yung new student kanina."

Maybe she's a socialite. Kakakita lang namin kanina ay nalimutan niya na ako at hindi pa maaalala kung hindi ako nagpakilala. Sa dami siguro ng kakilala niya ay nagmimixed up na kami sa utak niya. Pero bakit nga naman niya ako maaalala eh hindi niya naman ako kaibigan.

"Uh...opo," awkward kong sagot.

At mukhang natuwa siya sa paggalang ko sa kanya. Just like my schoolmates before. I felt proud of myself. She likes me.

"Nagtatagalog naman kami dito. Pero siguro ang tinutukoy mo ay si Susannah at Rudy. Marunong din sila magtagalog. Talagang pag nag aaway lang sila ay gumagamit sila ng Pangasinense..." inilapit niya ng kaunti ang bibig niya sa tenga ko at sa mababang boses sinabing "And they fight too much for my taste."

She giggled after what she said. Ngumiti lamang ako pabalik.

"Siguro talagang palaging mainit ang ulo nila sa isa't isa at magkasunod ang letter ng first names nila," aniya.

How the Mighty Fall (The Sinner #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon