SIN 12

69 4 0
                                    

Viel

"Dumidikit," komento ko. Nanonood lang si Atlas sa aking tabi. . It's Atlas turn to be my guard. Abala sila Kairos na hanapin ang leader ng sindikatong umatake sa amin noong kasal. I could tell that Atlas does not like to be left out of it.

Tatlong araw ko nang sinusubukang matuto magluto. I wanted to change Kairos's disappointed face. Wala akong hindi natututunan.

Kahapon ay maayos ayos naman yung omelet na niluto ko. Ngayon susubukan ko magpasta. Mukhang madali lang naman.

Kahit mukhang bored si Atlas, I think he doesn't trust me not to burn the kitchen. Kaya pinapanood niya ako rito.

"Nilagyan mo ba ng asin at mantika?" He looked up from his phone.

"Bakit lalagyan ng mantika?" Eh hindi naman piniprito ang pasta?

"Para hindi dumikit ang pasta," sagot ni Atlas at kumuha ng mantika.

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman kapag nagluluto ng noodles, hindi naman naglalagay ng mantika?"

Napasapo si Atlas sa noo. Ngumisi siya at naglagay ng mantika at asin. Marunong kayang magluto si Atlas? Bakit parang nabubuhay lang sila sa mga order kung ganoon?

"I hope the sauce won't poison us to death," nanunuyang komento ni Atlas.

I made a face. "H'wag ka ngang OA. Masarap naman daw yung omelet ko kahapon."

Nalukot ang kanyang mukha. "Ikaw ang nagluto nung omelet kahapon? That makes sense. Muntik na akong magreklamo roon sa restaurant namin dahil pumalya."

Palya? Sa bagay ay wala kase si Atlas kahapon kaya hindi ko naabutan ang reaksyon niya. Nagtira ako para sa kanya.

"Eh maayos naman daw sabi ni Kairos ah. Tapos hindi naman din nagreklamo si Vashka."

Umiling siya. "Did you see Vashka scoop more rice in his plate?"

Tumango ako. Natuwa pa nga ako noong ginawa niya yon. Ibig sabihin ay nasarapan siya sa ulam kaya gusto niya pa.

"At nagkakape ba siya kahapon habang kumakain?" he asked again like he's filling a checklist.

"Oo," tumango ako uli.

"Nag extra rice siya para matabunan ng kanin ang alat ng ulam," Atlas enumerated with one finger up. Then he lifted a second. "And Vashka doesn't drink coffee unless he doesn't like the taste of food. Ginagawa niyang panulak ang kape."

I looked down. That's absurd! Vashka may not have like it, pero mukhang maayos naman kay Kairos! He's not one to sugarcoat!

"Ewan ko sa inyo!" tinalikuran ko siya at nagprepare na ng mga ingredients para sa sauce. "Kakaiba yata ang taste buds niyo ni Vashka. Kairos is direct. In fact, gusto niya pa nga na iniinsulto ako. Kaya imposibleng hindi totoo ang komento niya kahapon."

Atlas shrugged to let go of the subject. But a knowing smile crossed his mouth.

I pummeled the punching bag in the gym. My moves are uncoordinated but I just need something to release frustration.

How hard is it to learn cooking? You just follow a damn instruction and put the right ingredients. Parang wala namang kahirap hirap yung mga nagluluto roon sa videos na sinusundan ko.

I heard the door open. If it was a normal day, I would've been conscious that I'm boxing the wrong way in front of professional fighters. But I need this outlet so bad, I don't even care.

"Don't just use your hands," Kairos's voice echoed. "You need angle and footwork. Move with the bag. Don't just stand there mindlessly throwing punches."

How the Mighty Fall (The Sinner #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon