CHAPTER 1: bawal na pagibig
SIDAPA POV:
"Bulan?"taka kong bulong ng makita sya na nakaupo sa madalas na pinupuntahan ko. Si Bulan ay ang lalaking pinakamamahal ko. Sya ang kasintahan ko ngunit walang nakakaalam 'pagkat may pagkakaiba kami.
Si Bulan ay Deity ang kinabibilangan nya. Ang deity ay mga polytheistic na relihiyon. Araw araw akong natatakot para sa aming dalawa, nangangamba ako na baka dumating ang araw na makita kami ni Bakunawa. Si Bakunawa ay isang Deity din ngunit mas mataas sya kay Bulan.
"Sidapa..andyan kana pala"saad ng aking mahal. Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi ng inuupuan nya. "Bulan hindi kaba natatakot kay Bakunawa?"usal ko sa hindi malamang dahilan. Napalingon sya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Sidapa wag kang matakot nandito ako para sayo. Hinding hindi kita iiwan pangako yan"saad ni Bulan isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya at tumingin sa taas.
"Natatakot ako na baka dumating ang araw na magkahiwalay tayo"saad ko. "Mahal,hinding hindiangyayari yun"saad nya. Umayos ako ng upo at tiningnan sya. "Bulan mas lalopang lumakas si Bakunawa at alam ko ang kaya nyang gawin. Natatakot ako na baka sa oras na magalit sya at malaman ang tungkol sa atin ay madamay ang mga mortal"saad ko at di na napigilan pang umiyak. Pinunasan nya ang aking pisngi at muling niyakap.
"Hindi yun mangyayari dahil lalaban ako para sa atin. Para sa lahat."saad nya. Napatayo kami ng biglang kumidlat at umulan ng malakas. "Bulan"natatakot na saad ko. Isa lang ang dahilan nito nagagalit si Bakunawa.
"Mga taksil"umalingawngaw ang kanyang boses na galit na galit. "Bakunawa"saad namin ni Bulan. Hinawakan ni Bulan ang kamay ko.
"Anong ibig sabihin nito? Kayong dalawa ay nagtataksil at may sekretong relasyon..Kahit na alam nyong bawal kayong magmahalan"saad ni Bakunawa.
"Bilang kaparusahan kayo ay aking paglalayuin at hinding hindi na magkikita pang muli"galit na saad ni Bakunawa napakapit ako ng maigi sa kamay ni Bulan.
"Sidapa...Ika'y mawawalan ng alaala at hindi mo maibabalik ang alaala mo. Itatapon kita sa mundo ng mga mortal,bilang kaparusahan"saad ni Bakunawa agad akong itinago ni Bulan sa likod nya.
"Tumigil kana Bakunawa...hinding hindi mo masasaktan si Sidapa"galit na saad ni Bulan. "sa tingin mo ba matatakot ako sayo"nang aasar na saad nya.
Mas lalo akong natakot nang bigalang mas lumakas ang ulan at kidlat at nagkaroon na rin ng lindol may lumabas na berdeng liwanag na enerhiya sa kamay ni Bakunawa at ibinagsak ito sa lupa. Tumalsik kami ni Bulan at nawalan ng malay si Bulan. Agad akong pumunta sakanya. Bago pa man ako makalapit ay bigla na lang akong bumagsak at biglang naglaho si Bulan. Hindi nahuli ako hindi ko naipagtanggol ang taong mahal ko.
"Pangako,Bulan susunod ako sayo." huling saad ko bago mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
IMMORTAL LOVE(kentin)-COMPLETED
FanfictionPag iibigang nauwi sa paghihirap,pasakit at pagkalimot. Paano nga ba maibabalik ang nawalang alaala? Gaano nga ba kasakit na nakikita at nakakasama mo ang taong mahal mo ngunit hindi ka nya naaalala. Si Bulan at Sidapa ang magkasintahang nagmamahala...