JUSTIN/SIDAPA POV:
Habang naglalakad ako pauwi ay iniisip ko pa rin yung nangyari kanina. Kung alam mo lang Bulan. Hindi ko alam pero masaya ako na nayakap ko syang muli pero nasasaktan rin ako dahil alam kong hindi na ako. Ang sakit lang. Ang daya daya nakalimutan nya ako habang ako naghihirap na huwag syang kalimutan at parang may nagsasabi sakin kung dapat ko pa ba syang ipaglaban.
Pero masaya ako dahil alam kong masaya sya. Masaya kahit na hindi dahil sakin.
Napatigil ako sa paglalakad ng may gumalaw sa damuhan agad akong lumapit ako at nagulat ako ng may nakita akong ahas. T-Teka ang liit nya. Akmang hahawakan ko na sana sya ay may agad na humila sakin. "Aray"saad ko.
"Jah nahihibang kana ba?"galit na saad sakin ni....Bulan?! Kasama nya sila Stell. "B-Bakit?"utal kong saad. "Anong bakit kung dika pa namin sinundan malamang sa malamang natuklawa kana ng ahas"galit na saad ni Stell tsaka ko lang nalaman na tao na pala ako.
"S-sorry"nakayuko kong saad naramdaman kong may humaplos sa buhok ko. "It's ok but next time wag kang lalapit sa mga ahas"saad ni Ken sakin. Thank you,Ken. Tinutupad mo ang pangako mong poprotektahan ako. Atleast kahit na hindi moko naaalala ay pinoprotektahan mo pa rin ako. Inilahad nya ang kanyang kamay at inalalayan akong tumayo.
"Tara ihahatid kana namin."saad ni Stell kaya dina ako tumanggi pa baka kasi mas magalit sila.
Nakarating kami sa bahay at nakatulala lang sila. "Bahay mo toh"gulat na saad ni Josh. "Oo bakit?"taka kong tanong. "Anong bakit ang laki nito tapos ikaw lang ang nakatira dito"saad nya. "Ah hehe"tanging usal ko na lamang.
-----
"Ingat ka dito Jah ah"saad nila sakin tumango lang ako. "Mauna na kayo susunod ako"saad ni Ken sakanila. "Ah sige"saad ni Pablo at pumunta na sa sasakyan nila.
"Ahm Ken thank you pala kanina"saad ko. "Ano ka ba wala yun..diba pinangako kung babantayan at proprotektahan kita"saad nya at bigla na lang tumulo ang luha ko.
"Ay umiiyak nanaman ang bebe boy haha..tahan na"saad nya at Pinunasan ang mga luha ko. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon.
"Hmm sige bye na..bukas susunduin kita ha"tanong nya tumango lang ako bago sya tuluyang umalis ay ginulo muna nya ang buhok ko at sumakay ng kotse. Nag wave naman sila sakin kaya ginaya ko rin sila.
"Nakakalimutan mo atang isa ka ng tao"nagulat ako ng bigla kong aarinig ang boses ni Bakunawa. "Alam ko yun" saad. "Binabalaan lang kita...tandaan mo isa ka ng ganap na tao at kung dumating ang araw na dapat ng bumalik si Bulan ay hindi na kayo.maaaring magsama"saad nya at biglang naglaho ang boses.
Alam ko kaya nga sinusulit ko ang bawat araw na kasama ko sya. Dahil alam kong kahit kailan ay hindi kami magtutugma. Alam kong makakahanap si Bulan ng bituin nya na makakasama nya araw araw at gabi gabi. At alam kong hindi ako yun.
BINABASA MO ANG
IMMORTAL LOVE(kentin)-COMPLETED
Fiksi PenggemarPag iibigang nauwi sa paghihirap,pasakit at pagkalimot. Paano nga ba maibabalik ang nawalang alaala? Gaano nga ba kasakit na nakikita at nakakasama mo ang taong mahal mo ngunit hindi ka nya naaalala. Si Bulan at Sidapa ang magkasintahang nagmamahala...