CHAPTER 17: Bathala

19 3 0
                                    

JUSTIN/SIDAPA POV:

Pagkatapos namin kumain ay lumabas ako ng bahay upang magpahangin ngunit hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Minsan lang sya rito bumababa.

"Bathala"natutuwang saad ko. "Sidapa"sambit nya lumapit ako sakanya at umupo sa tabi nya.

"Anong pinunta nyo dito? Babawiin nyo ba ang parusa namin"tanong ko ngunit umiling lang sya.

"Nasa inyo ang solusyon upang mawalang ang sumpa ni Bakunawa"saad ni Bathala. "Ano pong ibig nyong sabihin?"tanong ko.

"Isinumpa at pinarusahan kayo ni Bakunawa dahil sa puot at galit na naramdaman nya ng malamang may relasyon kayo ni Bulan."saad ni Bathala. "Ngunit bakit sya galit sa amin at bakit may puot syang naramadaman?"tanong ko.

"Marahil dahil sa inggit at selos...napakagandang diwata noon si Bakunawa naglagusto sya lay Bulan ngunit hindi man lang sya nagawang tingnan ni Bulan kaya't nangako sya sa sarili nya na hindi na syang muling iibig pa...dumating sa punto na muntikan nya ng kainin ang pitong  buwan"saad ni Bathala kaya ba ganun na lang ang galit nya sa amin. Minahal nya si Bulan.

"Pero ano ang solusyon?"tanong ko. "Kayo ang solusyon kailangan nyo lamang alamin ang katotohanan. Malapit na ang pagbalik ng alaala nya ngunit sa pagbabalik ng alaala nya ay isang pagsubok ang haharapin nyo"saad ni Bathala. Magtatanong pa sana ako ng bigla na lang syang naglaho.

"Anong ibig mong sabihin,Bathala?"

IMMORTAL LOVE(kentin)-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon