STELL POV:
Kanina pa namin hinahanap sina Ken at Justin dahil nung dumating kami sa office ay wala sila doon ang sabi ng mga employees ay magkasabay daw silang lumabas.
"Saan naman nagpunta ang dalawang yun"naiinis na saad ni Pablo. Kanina pa yan. Napatingin kami sa pinto ng niluwa nito ang dalawa. Agad na lumapit si Pablo at hinila ang tenga ng dalawa.
"Ah ah aray ko Pablo...ang sakit"daing ni Justin dahil sa pag pengot nya sa dalawa.
"Talagang masakit...san ba kayo galing?"galit na saad ni Pablo. "Pablo chill ka nga lang"natatawang saad ni Josh napailing na lamang ako dahil sa kakulitan nila. "Sinamahan ko lang naman si Jah dahil malungkot sya eh"dahilan ni Ken. Tumigil na si Pablo sa pagpengot sa dalawa at takang tumingin sakanila. "Bakit?"tanong ni Pablo. "Hindi kasi sya naaalala ng jowa nya"saad ni Ken. "May jowa ka"gulat na saad namin. "Hala ano ako walang jowa"saad ni Justin natawa na lang kami. Pansin ko rin na parang mamulamula pa ang mata nya.
"Btw Nasabi na ba ni Ken sayo Jah na dun muna kayo titira sa bahay?"tanong ko. "Ah oo"nakangiti nyang saad. "Oh ano akala mo diko siguro sasabihin?"pagmamayabang na usal nya. "Tsk"
"Btw Jah give me your address then susunduin kita"nakangiting saad ni Ken. "Wag na ok lang tsaka nasa gubat ang bahay ko medyo malayo sa bahay nila Stell"saad ni Justin. "Oh ikaw na mismo nagsabi malayo sa bahay nila Stell baka mahimatay ka nanaman..tsaka wala ka pang sasakyan"saad ni Ken. Sweet. Pero teka!! "naglakad ka lang papunta sa bahay ni Stell"gulat na saad ni Josh. Ako sana ang magsasabi nyan eh. Inunahan nya pa'ko.
"Ah oo bakit may problema ba?"takang tanong nya. Napatampal na lang kami sa noo.
"Sige na..umuwi na tayo baka gabihin pa tayo..Ihahatid na lang kita Jah sa bahay mo"saad ko pero tumanggi sya. "Hindi na ok lang kaya ko naman"saad nya. "Sigurado ka"pagsisigurado ko tumango lang sya.
"sige bye"saad namin.Pinauna muna namin sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/312036743-288-k841990.jpg)
BINABASA MO ANG
IMMORTAL LOVE(kentin)-COMPLETED
FanfictionPag iibigang nauwi sa paghihirap,pasakit at pagkalimot. Paano nga ba maibabalik ang nawalang alaala? Gaano nga ba kasakit na nakikita at nakakasama mo ang taong mahal mo ngunit hindi ka nya naaalala. Si Bulan at Sidapa ang magkasintahang nagmamahala...