C H A P T E R 10

4.2K 168 5
                                    

NGUMIWI, ako at dahan-dahang ibinaba ito sa lapag. Baka mapagalitan ako kung saan ko pa ilagay. Kaya mas minabuti ko nalang na huwag ng pakealaman.

"Sir. Knoxx!" Tawag ko ulit. Ngunit wala talagang sumasagot, tanging echo lang ng boses ko ang pumupunl sa kabuoan ng opisina ni Mr. Knoxx.

Maingat at dahan-dahan ang lakad ko . Lumilinga-linga pa ako at nagbabakasaling mahagip siya ng mata ko.

"Ugh! Knoxx!"

Napahinto ako sa paglalakad, malapit sa restroom. Tama ba 'yong narinig? May tao! Lumapit pa ako para masigurado namay tao talaga.

"Ugh! Sh*t!"

May tao nga!

Pero bakit gano'n, May umuungol? Napansin kong may kaunting siwang sa pinto ng restroom. Hindi yata na lock ng maayos. Dahil sa kuryosidad ay sumilip ako sa kaunting bukas ng pinto.

Nanlaki ang mata ko at halos malaglag ang panga ko sa sobrang pagka gulat. Nagsisi ako! Nagsisi na ako na sumilap pa! Sana hindi ko nalang ginawa!

Nakita ko!

Kitang-kita ng dalawang mata ko! Kung paano dumadaing at umuungol ang babaeng katalik ni Mr. Knoxx ngayon, nakatuwad ito sa maliit na lababo habang na sa likod nito si Mr. Knoxx na nakatayo at walang habas na bumabayo.

Hindi ko magawang gumalaw para umalis dahil para akong napako dahil sa nakita ko. Nagawa kopang pasadahan ng tingin ang kaniyang magandang katawan na puno pawis dahil sa mga galaw nito.

Madiin kong kinurot ang hita ko para mabalik ako sa ulirat ngunit naging magaslaw ako, dahil aksidente kong naitulak ng pabukas ang pinto, mas lalo itong bumukas at tuluyan kona ng nakita ang hindi ko dapat makita!

"Oh my gosh!"

"What the f*ck!"

Hiyaw nila pareho, nanatili lang akong nakaupo at gulat na nakatingin sa kanila. Pati sila ay nagulat rin ng ako. Sa mga oras na ito ay gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyang ginawa ko. 

Patay na, nagkamali ka nanaman Jullian!

Mabilis ang lakad ni Mr. Knoxx kahit hindi pa nakaayos ang slacks niyang suot at padabog na isinara ang pinto. Napabuntonghininga ako nang sumara ang pinto at kinuha ang mga nagkalat na papeles sa sahig na.

Anong gagawin ko! Uuwi na ba ako?!

Tumayo na ako at naghanda sa pag-alis.

"Where are you going!"

Nasinghap ako dahil sa galit na boses ni Mr. Knoxx. Ito na, pagagalitan niya na ako!

Hindi ko alam kung lilingon ba ako, kung diretso aalisin nalang ako ay baka mas lalong magalit sa 'kin si Mr. Knoxx. Dahan-dahan kong nilingon siya at napakagat nalang ako sa labi ko ng makita nakakunot noo siya at matalim akong tinignan. Bumilis ang tibok ng dibdib ko na para akong hinahabol. Natatakot ako, natatakot ako sa tingin niya!

"S... S-sir?" Nanginginig ang boses ko.

Matagal kaming nagkatitigan, gustuhin ko mang ilihis ang tingin ko pero hindi ko magawa. Nanatili lang ako sa kinatatayuan at walang balak gumalaw.

Maya-maya pa ay naputol ang pagtititigan namin ni Mr. Knoxx nang biglang bumukas ang pinto ng restroom at iniluwa no'n ang babaeng katalik ni Mr. Knoxx kanina.

Nahihiya pa ang babae nang magtama ang tingin namin at walang sabi-sabi na nag martsa paalis ng opisina niya. Mas lalong bumigat ang pakiramdaman ko nang dalawang nalang kami ni Mr. Knoxx sa loob. Para akong kakapusan ng hininga isama mopa ang pagbilis ng tibok nang puso ko. Baka sa oras na ito ay bigla nalang akong mawalan ng malay dahil sa nerbyos at takot.

Every Wild Needs Innocent  [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon