C H A P T E R 9

4K 177 3
                                    

LUNES, ngayon at abala ang lahat sa mga trabaho nila sa loob ng kusina. Napahinto muna ako sa paglalakad para punasan ang pawis ko sa noo. Kahit gusto kong umupo ay hindi magawa dahil kaliwa't kanan ang mga orders nila umaga palang pero napakarami ng kumakain dito. Hindi kapa nasanay Jullian, one week kana rito.

Nakita kong may nakalagay na order sa lamesa kaya hindi na ako nagdalawang na lumapit dito. Akmang kukuhanin na nang kamay ko ngunit may pumigil sa 'kin.

"Huwag munang pakialaman 'yan, si Jen na ang bahala diyan," striktang sabi ng captain waitress namin na si Ms. Cherry.

"Pero chef may ginagawa pa po ako," sabat agad ni Jen. Isa sa mga ka trabaho kong waiter.

"Chef, p-puwede bang a-ako nalang mag s-serve niyan? Baka po kasi kung iintayin pa nating matapos si Jen mainip 'yong costumer," pagbabakasali ko, na baka payagan na akong mag-serve.

Nagbuntong hininga si Chef at tumingin ng diretso sa 'kin.

"Okay, pero..." Pinutol nito ang sasabihin. "Mag-iingat kana sana, dahil ayoko ng maulit 'yong nangyari noon. Sinasabi ko talaga sayo Jullian!" May halong pagbabanta ang boses nito. "Oh sige na, iserve mona 'yan

"Thank you chef." Masayang sambit ko. "Mag-iingat po ako," dagdag ko pa.

Paglabas ko nang kusina ay bumungad sa 'kin si Evelyn, Ang blanko niyang itsura ay napalitan ng pagtataka ng makita ako.

"Oh, himala...pinag-serve ka nila, di 'ba bawal kang mag-serve?" Tanong niya na may halong pagtataka.

Simula no'ng nangyari ang nakakahiya ginawa ko kay Sir Knoxx ay hindi na ako pinayagan na mag-serve pa ulit, baka daw kasi kung ano nanaman mangyari. Tila nawalan na sila ng tiwala sa 'kin pagtapos no'n.

"Si Jen sana ang magse-serve nito, kaso... May ginagawa pa siya. Atsaka ang dami niyang ginagawa kapag tumagal pa ay magreklamo na 'yong costumer," pagsasalaysay ko sa kaniya.

"Ah gano'n ba, oh siya...iserve mo na 'yan baka magreklamo na 'yong umorder niya. Mag-iingat ka sa galaw mo huh, baka maulit nanaman 'yong nangyari, sige ka! baka tuluyan kanang mawalan ng trabaho niya."

"Oo ba. Wait lang iseserve ko mo na 'to." Tumungo lang siya at nilampasan ko na siya para iserve na 'yong orders.

"Hello Ma'am, here's your order." Inilipag ko ang tray sa lamesa at isa-isang inalis sa tray ang mga orders. "Ma'am pasensiya na po kung medyo natagalan ang orders niyo," sabi ko, habang nilalapag sa harap ang inorder niya. "Eat well po." Ngumiti ako at umalis na sa harap niya.

Pagpasok ko sa loob ng kusina ay inilapag kona ulit 'yong tray at lumabas para kumuha pa ng mga orders.

"Hi Ma'am, hi Sir. Can i get your order now?" Tanong ko. Nakalapag na kasi 'yong menu at mukhang tapos na sila maghanap ng orders nila.

"Uhm...for appetizer, shrimp scampi and for a main course...pork rib."

"Ma'am, how about the dessert and a drinks ma'am?" Tanong ko ulit.

"For a drinks...apple juice. You?honey what drinks do you like?" Tanong niya sa lalaking kasama niya.

"Give bigyan mo ako ng ice tea," sagot niya.

"For dessert, uhm...give us hocolate late molten lava cake." Tumango ako at isinulat sa dala kong maliit na notebook.

"Okay ma'am, I repeat your order. For a appetizer shrimp scampi, for a main course pork rib, for a drinks 1 glass of ice tea and apple juice and lastly the dessert, Chocolate molten lava cake. I am right ma'am?" Paninigurado ko sa mga orders nila.

Every Wild Needs Innocent  [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon