C H A P T E R 15

4K 165 5
                                    

"Sir, are you done with your lunch? May meeting pa po kayo kila Mr. Sandoval at Mr. Valdez!"

Mahina kong naitulak si Mr. Knoxx dahil sa pagkataranta. Bigla nalang kasing may nagsalita mula sa labas ng opisina niya. Inalis niya ang tingin sa 'kin.

"Yeah, I'm done," Sigaw niya at muling ibinalik sa 'kin ang tingin. "Finish that food." Turo niya sa pagkain, kinuha ang coat nakapatong sa inupuan niya at nilampasan ako.

Sinundan ko siya nang tingin hangang sa lumabas siya ng pinto. Nang mawal siya sa paningin ko ay agad akong marahan na bumuga ng hininga at napahawak sa dibdib. Ang bilis nang tibok ng puso ko! 'Yong tingin niya kanina ay para akong nahihipnotismo, sobrang lapit namin kanina na para akong mauubusan ng hininga! Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam nang ganito. Kinakabahan ako nang hindi alam, siguro ay natakot lang ako sa kaniya kanina.

Sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko na preno ang bibig. Bakit mopa kasi tinanong 'yon Jullian! Sana nanahimik ka nalang! Napailing nalang ako dahil sa katangahan at pinagpatuloy ang pagkain.

Nilinis ko ang pinagkainin ko pagtapos kumain at nagpaalam sa assistant ni Mr. Knoxx. Hinatid ako nito pababa sa ground floor, balak ko pa sanang tumanggi pero ang sabi sa 'kin ng assistant niya ay 'Pagagalitan daw sila kung hindi nasunod ang utos nito. Kaya nagpatianod nalang ako at hindi na umapila.

Mga ilang minuto lang rin ay nakabalik na ako sa restaurant, mula sa labas ay tanaw ang mga katrabaho kong abala sa kani-kanilang trababaho. Hindi na ako nakapag pasalamat sa driver dahil nagmamadali na ako papasok sa restaurant. Patay! Napasobra yata ang lunch break ko.

Pagpasok ko ay agad na bumungad sa 'kin si Evelyn na bakas ang pagtataka sa itsura nito. Nagbago ang itsura nito at sumenyas na dumiretso na 'ko sa locker room habang abala ang iba sa pagtatrabaho. Mabilis akong nagsuot ng apron, lumabas ng locker room at nagsimulang magtrabaho.

Nang magkaroon kami nang magaan na oras ay nagpunta ako ng locker room para makapagpahinga. Sa pagpasok ko ay hindi namalayan na kasunod ko pala si Evelyn. Ano nanaman kaya ang chika nito?!

"Bruha ka! Napasobra yata ang lunch mo kanina. Isang oras lang ang breaktime natin, 1:30 kana nakabalik," bulalas nito.

Nag-iisip ako ng puwede kong ilusot sa sinabi niya. Hindi ko naman puwedeng sabihin na sinabayan kong kumain si Mr. Knoxx at baka ang maging sagot lang ni Evelyn do'n ay asummera ako.

"Na traffic kasi ako kanina," pagsisinugaling ko.

"Kung sabagay... Malayo nga pala 'yong company ni Sir. Knoxx. Pero bakit kasi ikaw ang pinag-hatid?" Nagtatakang tanong niya.

Maski ako ay hindi korin mawari kung bakit ako pa ang pinaghatid niya ng pagkain.

"Ewan ko..." Wala sa hulog kong sagot.

"Oh my gosh!"

Napaigtad ako nang bigla siyang sumigaw. Muntik ng lumabas 'yong puso ko sa pag sigaw niya.

"Hoy! Napakaingay mo!" Suway ko sakaniya.

"Don't tell me... Kaya ikaw ang pinagdala ng pagkain ni Sir dahil last day mona 'yan, masisisenta kana. Naalala mo 'yong insidenteng ginawa mo. Hala ka!" Pananakot niya sa 'kin.

"He...he...he. natakot ako!"

Hindi siguro no... Inaya nga ako ni Mr. Knoxx na sabay kaming mag lunch, ni hindi ko siya nakikitaan nang kakaibang kahulugan. Kung balak niya akong sisantehin, edi sana noon pa.

"Charot lang!" Pang bawi niya. Inirap kolang siya.

"Tara na nga, magtrabaho na tayo."

Dumaan pa ang ilang mga oras. Pagtapos nang trabaho namin ay hindi mona kami pinauwi ni Manager De Lavin dahil ibibigay na ang bagong uniform namin. Taon-taon kasi sila nagpapalit ng uniform. Nandito na kaming lahat sa opisina ni Manager at isa-isang ibinigay saamin ang mga uniform. Magkakaiba ang style sa chef at waiter pero kahit gano'n ay pare-parehas naman ang kulay nito.

"You can go to your house now," sambit ni Manager. Nagpaalam na kami sa kaniya at lumabas ng opisina niya.

Sabay na kaming lumabas ni Evelyn ng restaurant at naghiwalay rin ng daan. Tumawid na ako nang mapansin kong wala ng masyadong dumadaan na sasakyan. Malalim na kasi ang gabi. Pagtawid ko ay naglakad ulit ako papunta sa paradahan ng jeep medyo malayo kasi ang paradahan mula sa restaurant at kailangan pa talagang lakarin ito. Habang naglalakad ako ay sinisipa ko ang batong nadaraanan ko .

Halos mapatalon ako dahil sa busina ng kotse mula sa gilid ko. Jusko! Aatakahin yata ako sa puso. Sinipat ko ito nang tingin. Nakatigil ito na para bang sinusundan ako. Bumungad sa 'kin ang hindi pamilyar na kotse. Kulay pula ito at medyo mababa ang bubong nito. Naglaglag ang panga ko nang bumaba ang bintana ng kotse nito. Kinusot-kusot kopa ang mata ko dahil parang namamalikmata lang ako pero hindi! Siya talaga... Si Mr. Knoxx.

"S-sir, kayo po pala," hindi makapaniwala kong saad.

"Are you going home? It's to late," sabi naman nito.

"Kayo poba sir. Pauwi na poba kayo?" Malamang Jullian, obvious ba?

"Yeah, gusto mong sumabay?" Alok nito.

Umiling ako. "Huwag na sir, nakakahiya."

"Huwag ka nang mahiya. Get in. I'll drive you to your house."

Palihim akong napabuntonghininga. Binuksan niya ang pinto sa harap at sumakay na ako. Gusto ko pang umpila ngunit naisip ko na kukulitin niya ako gaya kanina, no'ng inaya niya akong kumain.

"Sasakay karin pala," aniya habang nakatingin sa malayo at ngumisi.

Kung sasabihin kobang makulit ka, magagalit ka?

Sandaling natahimik ang paligid namin. Nagpapa-isip ako kung bakit hindi pa kami umaalis. Nagtama ang bigla ang tingin namin nang lingunin ko siya.

"Your seatbelt," anas niya.

Natauhan ako sa sinabi niya. Doon kolang napansin na hindi pa pala ako naka-seatbelt, kaya pala hindi pa kami umaalis. Mula sa gilid ko ay kinuha ko ang seatbelt at ikinabit sa 'kin.

"Are you done?" Si Knoxx gamit ang kalmadong boses.

Tango lang ang isinagot ko. Sinimulan niya nang paandarin ang kotse niya at tuluyan na kaming umalis. Habang nasa byahe kami ay roon kolang napansin na tinted ang kotse niya. Hindi mo mapapansin ang tao mula sa loob nito, pero ang nakakapagtaka lang bat ang tingkad ng pagka tinted nito. Siguro kada babaeng sumasakay rito sa kotse ni Knoxx ay may nangyayari sa kanila, kaya ganito siya tinted.

Mariin akong napapikit at medyo napailing. Ano bayan Jullian! Para ang sama naman masyado nang iniisip tungkol sa boss mo. Hindi mo dapat siya inaakusahan nang gano'n dahil boss mo siya at empleyado kalang.

"Is something bothering you?" Aniya, habang nakatingin ng diretso sa daan. Sinulyapan ko siya.

"Wala naman po," mabilis kong sagot.

"Anyway, Miss. De Lavin gave your new uniforms?" Tanong niya.

"Opo. Si—Knoxx."

"Naisukat mona ba? You like it?" Dalawang tanong nito.

"Sa ngayon Knoxx, hindi pa. Lalabhan ko mona. Sa tingin ko naman po maganda po siya, comfortable suotin."

"Glad to hear that. Every year, kami nagpapalit ng bagong uniform. It seems new in the eyes of costumers."

"Iyan nga rin po 'yong sabi saamin ni Miss De Lavin, para daw hindi nakaka-umay sa mata ng mga costumers."

"Exactly,"

Pagtapos nang maikling pag-uusap namin ay hindi na iyon nasundan pa. Pag-dating namin sa street ng boarding house namin ay nagpababa na ako sa kaniya.

"Knoxx, dito nalang," Sabi ko. Itinabi niya sa gilid ang kotse niya. Kinalas ko na ang seatbelt na naka-kabit sa 'kin. Binuksan ko ang pinto, lumabas at umikot para mula sa harap.

Nagpababa na ako dito sa kanto ng street namin dahil masyadong masukal ang daan papunta sa boarding house namin at maging abala pa sa mga dadaan.

"Are you sure, dito ka talaga natira? Ba't parang ang dilim naman street light rito," aniya habang nakalabas ulo sa kotse at sinusuri ang lugar.

"Lalakarin ko nalang Knoxx, masikip kasi sa dadaanan at baka hindi magkasya ang kotse mo at maka-abala sa dadaan."

"Be careful, there are many asshole in this such places," makahulugan niyang saad.

—ANONYMOUSEIDUCE

Every Wild Needs Innocent  [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon