C H A P T E R 5

4.4K 173 2
                                    

NATIGILAN, ako at napa-isip. Marlboro girl? Diba puro mga babae nag-tatrabaho do'n? Bakit niya ako inaalok no'n? Mukha ba akong babae? Para mag trabaho do'n

"Pang babaeng trabaho 'yon diba? Bakit mo'ko inaalok niyan?" Nagtatakang tanong ko.

"Gaga! Hindi lahat ng nagtatrabaho sa Marlboro tunay na babae, 'yong iba do'n transgender at nagpapangap na babae. Kaya nga kita inaalok. Magpapanggap kalang na babae, atsaka hindi na ako mahihirapang ayusin kapa dahil mukha ka ng babae kapag nagsuot ka ng wig at damit."

Nagsalubong ang kilay ko. Paano naman ako naging mukhang babae? Kung sa kutis ko lang naman ang basehan ay siguro nga na mukhang babae ako. Pero pagdating sa itsura... iyan ang hindi ko alam. Kaya paano niya nasabing mukhang babae ako.

"Ano? G kaba?" Tanong niya habang hinihintay ang sagot ko.

"Ano bang gagawin na'tin do'n? Huwag mo sabihing mag-momodel tayo ng Marlboro, baka mamaya niyan pagsuotin ako ng swimsuit, mabuking tayo at makulong dahil sa pagsisinungaling na'tin. Ayoko ng gano'n Marjie!"

"Loka-loka, ang oa mo naman masyado. Magbibenta lang tayo sa sikat na bar. Mag aalok kalang ng Marlboro sa mga costumer's 'Sir marlboro po?'" pag-aacting niya. "Gano'n lang, kikita kana agad."

"Magkano ang isang araw?" Paninigurado ko.

"Dalawang libo sa isang gabi. Ang swerte mo kung bigyan ka ng tip na magpagbibentahan mong costumer."

Napa-isip ako ulit ako. Dalawang libo sa isang gabi... Ayos 'yon, malayo pa naman ang sweldo ko at kailangan ko ng pamasahe araw-araw. Kung tatanggapin ko ang offer sa'kin ni Marjie ay hindi na'ko mangangamba pa kung may pamasahe ako kinabukasan, siguradong makakatulong 'yon! Malaking pera narin 'yon at sabi ni Marjie ay kung mabait daw ang costumer ay baka daw bigyan ako ng tip.

"Magbibenta lang naman diba...tapos kikita na ako?" Pangungumbinsi ko.

"Oo naman, atsaka Friday to Saturday lang naman 'yon, ano G kana?" Tumaas-baba ang kilay nito.

Para rin sa'yo 'yan Jullian kaya tanggapin mo na. "Sige, papayag na'ko," diretso kong sagot.

"Yehey! Sandali lang tatawagin kolang si Ma'am para ipaalaman sa kaniya namay nakuha na'ko." Kinuha niya ang cellphone at umalis sandali sa kinauupuan.

Natapos na ako sa pagkain at hinugas ang pinagkainan bago dumiretso ng kuwarto. Gusto ko nang mag pahinga maaga pa ang pasok ko bukas.




BIYERNES, ngayon at abala ang lahat sa loob ng kusina alas diyes palang ng umaga ay marami na agad ang kumakain rito sa restaurant kaya mabilis ang galaw ng lahat. Nandito ako, nakatayo habang nagbabalat ng patatas.

"Paserve naman nitong order sa table 5!" Sigaw ng isang Chef.

Iniwan ko ang binabalatan at mabilis na naglalakad papunta roon. Kinuha kona ang tray at akmang hahakbang na'ko palabas ng biglang pigilan ako ng Miss Sheila, ang Captain Waitress namin. Masungit ang tingin nito sa'kin.

"Sa tingin mo ba, hahayaan pa kitang magserve sa labas pagkatapos nang kahihiyang ginawa mo kahapon," mataray nitong saad sa'kin. Napayuko nalang ako at nanlaki sa sarili ko. Kinuha niya ang tray na hawak ko at inabot sa kasamahan ko. "Hindi kana puwedeng mag serve, baka kung ano pang mangyari. Tumulong ka nalang sa ibang chef."

"Yes ma'am," iyon nalang ang nasabi ko bago bumalik sa ginagawa ko.

Aminin ko man o hindi, nasaktan ako sa sinabi ni Miss Sheila, para bang ayaw niya na akong palabasin pa dahil sa kahihiyang ginawa ko kahapon. Gustuhin ko man na magpaliwag ngunit hindi ko kaya. Nawala na yata ang tiwala nila sa'kin dahil sa nangyari kahapon. Hayaan mo na, deserve morin naman 'yan Jullian.

Every Wild Needs Innocent  [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon