C H A P T E R 3

4.9K 184 14
                                    

"Ay kabayo!"



Mahina ako napahiyaw dahil bigla nalang akong muntik mapasubsob sa sahig mabuti nalang at naka balanse pa ako. Bigla nalang kasing may sumiko sa'kin. Napa-angat ako ng tingin, Si Evelyn! Bwiset na 'to! Siya pala ang sumiko sa'kin. Ngumi-ngisi pa ang gaga!

"Ano kaba! Muntik na akong masubsob sa sahig," Naiinis kong sambit. Itong bruha na 'to!

"Hoy! Magtrabaho ka, huwag puro tunganga," Apila niya. Hindi ba puwedeng mag pahinga mo na sandali?!

"Oo na, ito naman. Naupo lang sandali 'e," reklamo ko. Nangangalay na kasi talaga 'yong braso ko.

"Hindi uso umupo dito sandali kapag empleyado ka, kailangan matibay ang mga paa mo parang sale's lady at batak rin ang mga kamay mo sa pagbubuhat."

Grabe huh, ang daming sinabi.

"Kanina pa sila dito?" Wala sa topic na tanong ni Evelyn.

"Sino?" Pabalik ko namang tanong.

"Si Mr. Knoxx," saad niya. Nakatingin si Evelyn sa puwesto nila Mr. Knoxx ngayon. Napansin din pala niya 'yon. 

"Ahh, kakapasok lang nila ngayon." Sabi ko. "Siya nga pala...Sino 'yong mga kasama ni Sir ngayon?" Pagka-usyoso kong tanong.

"'Yong dalawang lalaki. Kaibigan ni Sir 'yon." Panimula niya.

"Kaibigan din ba ni Sir 'yong babaeng kasama niya ngayon?" Tanong ko ulit.

"Hindi...fiancee niya 'yon, Ms Adria. Ang ganda niya 'no? Nakakaingit."

Nakakahiya, may fiancee na pala si Mr. Knoxx mabuti nalang at hindi niya Kasama 'yon kahapon baka pati 'yong fiancee niya magalit sa'kin.

"Oo nga ang ganda niya. Ilang taon na 'yong fiancee niya?" Walang sawa kong tanong. Para kasing ang bata pa ng fiancee niya.

"Uy, curious siya," pang-uuyam niya.

"Nagtatanong lang naman 'e, masama ba?"

"Sa pagkaka-alam ko 20 na 'yong fiancee ni Sir. Samantalang si Sir. Knoxx ay 23 na. Di bale, hindi naman sila nagkakalayo ng edad. Dalawang taon lang naman ang pagitan nila."

23? Bakit parang ang bata pa niya? Noong una kong nakita si Sir. Knoxx akala ko ay magkasing-edad lang kaming. 23 na pala siya. Apat na taon ang pagitan namin ni Sir. Knoxx dahil 19 palang naman ako. Teka nga! Bakit koba iniisip 'yong agwat namin ni Sir. Knoxx.

"Oras ba ng chismisan ngayon?!" Sabay kaming napalingon mula sa likod ni Evelyn at bumungad sa'amin ang head chef.

"Chef," awkward na ngumiti si Evelyn.

"Hindi kayo binabayaran dito para lang mag-chismisan. Mag trabaho kayo." Mataray na sambit ng Head Chef.

"Sorry po, chef." Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Gano'n din si Evelyn at nilagpasan na namin si Chef.

"Ikaw kasing dami mong tanong."

Aba bakit parang kasalanan kopa? E siya nga itong dumadaldal sa'kin.

"Teka bakit ako?" Nagtataka kong sabi.

"Magtrabaho na nga tayo."

Naglakad na ako sa mga bakanteng lamesa at nilisin ang mga kalat rito. Habang naglilinis ako ay hindi ko maiwasang sipatin ang puwesto nila Sir. Knoxx. Pasimple akong tumingin sa kanila. Muntik ng mahulog ang dinner plate na hawak ko ng biglang mag-tama ang tingin namin ni Sir. Knoxx tumaas pa ang kaliwang kilay nito at tumingin sa hawak kong dinner plate. Shocks nakita niya!

Every Wild Needs Innocent  [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon