C H A P T E R 35

3.1K 129 7
                                    

Kahit anong pigil ko sa sarili ko na huwag mapasulyap ay ginagawa ko parin. Gusto ko nangang batukan ang sarili ko sa mga oras na 'to. Palihim akong napailing habang nagpupunas ng lamesa. Naiilang parin ako hangang dahil pakiramdam ko talaga ay may tumitingin sa 'kin mula sa likod kaya napapatingin ako sa harap at pinapalibot ang aking mata. Sa tuwing nagtatama ang tingin namin ni Knoxx ay agad akong umiiwas. Dahil sa tuwing nagtatagpo ang tingin namin ay naalala ko ang sinabi ni Miss Adria sa 'kin.

Nang matapos ako sa aking ginagawa ay bumalik ako para tingnan kung may naiwang orders sa counter pero wala na. Bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang katrabaho ko.

"Jullian patulong naman please..." Hindi ako nag-alinlangan na kunin ang iba niyang dala. Dahil nahihirapan siya sa pag bitbit nito.

"Saan ba 'to dadalhin?"

"Kila Sir Knoxx at Miss Adria."

Bigla namang akong natigilan at para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na tulungan sya. Pero mukha naman yatang masama ako kung hindi ko siya tutulungan. Atsaka parte ito ng trabaho naman. Sumibol ang kaba sa aking dibdib nang magsilamunang maglakad. Tila may nakatali sa 'king kadena dahil sa bigat ng aking mga yabag. Binalot narin ako ng lamig dahil sa kaba.

Habang papalit ako sakanila ay masamang tingin ang iginawad sa 'kin ni Miss Adria. Hindi ko maiwasang huwag matakot dahil sa tingin niya. Nanginginig ang aking kamay dahil sa kaba na bumabalot sa buong pagkatao ko. Nang makalapit ako sa kanila ay nabigla ako dahil agad na tumayo si Knoxx sa rason na kunin ang orders nila, nakahalata yata si Miss Adria kaya tumayo rin ito at marahas na inagaw sa kamay ko ang tray 'tsaka niya ako tinapunan ng masamang tingin.

"You can go now!" Nahimigan ko ang galit boses nito.

Marahan akong yumako senyales na aalis na. Kahit nando'n si Knoxx ay hindi ko siya tinapunan ng tingin. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makatalikod ako sakanila. Doon lang ako nakaramdam ng kaginhawaan. Kanina ay para akong kakapusan ng hininga sa harap nila.

Imbis na tumuloy sa kusina ay pumunta muna ako sa restroom at agad tumulak sa sink. Binuksan ko ang foucet, sinalo ng dalawang palad ko ang tubig 'tsaka hinilamos sa aking mukha. Ilang beses kong ginawa iyon. Umahon ako at tiningnan ang aking sariling replika sa salamin. Humupa ang pagkapula ng mukha ko dahil narin siguro sa mabigat na tensyon na tingin sa 'kin ni Miss Adria. Mahina kong hinampas ang pisngi ko para magising sa pagkaulirat.

Pagbukas ko sa pinto ng restroom ay napaatras ako sa gulat dahil bigla kong nakita si Miss Adria. Nakakrus ang dalawang kamay nito at nakataas ang kilay. Napalunok ako dahil nakita ko nanaman ang galit na itsura niya.

"Talagang nagpa-papasin ka no... You weren't the one who took our orders earlier. Pero Ikaw pa ang nagserve. Nananadya kaba talaga?!" Mapanindak ang boses nito.

"W-ala po akong intensyon na magpapasin, tinulungan kolang po 'yong k-katrabaho k-ko." Nauutal kong sagot. Iyon naman talaga ang pakay ko. Wala sa isip ko na magpapansin.

"Liar! Idadahilan mo pa 'yong kasamahaan mo. Ang sabihin mo, you really want to get Knoxx's attention. Dahil hindi naman ang gusto mo diba!" Madiin at galit niyang boses.

"Wala talag M-"

"This is my last warning Jullian!" Maawtoridad niyang sambit. "Stay away from Knoxx, layuan mo 'yong fianceè ko!" Galit na umalis si Miss Adria.

Natutula ako sa kawalan. Naisip kong mali talaga ang ginawa ko kanina. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa hamba ng pintuan. Huling banta na 'yon ni Miss Adria sa 'kin. Natatakot ako sa kaya niyang gawin kapag hindi ko sinunod ang gusto niya. Napabuntonghininga ako at naiisip ng puwedeng gawin para makaiwas kay Knoxx.

Every Wild Needs Innocent  [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon