C H A P T E R 27

3.6K 141 1
                                    

[Galingan mo huh! Kapag napasa mo 'yong exam, may reward ka sa 'kin]

Napangiti ako. "Aysus, kahit huwag na," agap ko.

Hindi naman mahalaga sa 'kin na makatanggap ako ng reward dahil nakapasa ako. Malaking reward na 'yong scholarship na matatangap ko kung sakaling makapasa o mapili ako.

[Basta, balitaan mo 'ko kapag may result na] suhestyon niya sa kabilang linya.

"Ikaw ang unang kang sasabihan, huwag kang mag-alala," pampalubag-loob ko.

[Good luck sa exam mo!]

"Thank you."

Natapos ang tawag namin. Tiningnan ko muli ang aking sarili sa salamin. White shirt at black pants lang suot ko ngayon. Inayos korin ang aking malambot kong buhok na pa-perfectly separated. Napangiti sa salamin na makita maayos na ang aking sarili. Ito na ang araw na hinihintay ko. Ang entrance exam day. May halong kaba at saya ang nararamdaman ko ngayon. Saya, dahil isa ako sa nakatanggap ng exam permit. Karamihan kasi sa mga estudyanteng nag register sa university na 'yon ay hindi pa nakakatanggap ng exam permit, kaya hindi pa sila makakapag-exam. Kaba, dahil ngayon nalang muli ako makakapag-exam. Dalawang taon na kasi ang nakalipas nang makapag exam ako at sa senior high 'yon. Kaya medyo dinadaga ako ng kaba ngayon.

Umupo ako sa kama at dinampot ang plastic envelope na dadalhin ko. Muli kong tiningnan ang mga dadalhin ko, baka kasi may nakalimutan pa Ako na importante. Ayaw ko naman na bumalik pa ulit rito at baka hindi na ako makapag exam. Nang makumpirma ko na wala na ako nakalimutan ay napag-pasyahan ko na umalis. Mas mabuti ng agahan ko ang pag-alis.

Paglabas ko sa gate ay itim na SUV bumungad sa 'kin. Pamilyar iyon sa 'kin dahil lagi ko 'yon sinasakyan papunta sa opisina ni Knoxx. Anong ginagawa dito ng driver ni Knoxx? Napaatras ako ng biglang bumukas ang pinto sa driver seat.

"Kuya Leo ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko dahil hindi ko inaasahan ang pagdating niya kaya nabigla ako.

"Inutusan ako ni Sir. Knoxx na ihatid kadaw po," anas niya.

Huh?! Bakit niya ako ipapahatid? May pamasahe naman ako at kaya kong magcommute.

"Bakit daw po?" Tanong ko ulit.

"Hindi ko nga po alam," sagot nito at naglakad papunta sa likod ng kotse para buksan ang pinto.

Bakit pa siya nagabalang ipahatid ako? Kahit labag sa loob ko ay naglakad na ako at pumasok sa loob. Nakakahiya naman kung tatanggihan at pauuwiin ko si Kuya Leo baka pagalitan siya ni Sir. Knoxx dahil hindi nasunod ang utos niya. Nang maikabit kona ang seatbelt ay umalis na kami.

Habang nasa kahabaan kami ng byahe at nagreview ulit ako. Inaaral kolang nang paulit-ulit para hindi ko makalimutan lahat mamaya kapag nagsasagot na ako. Buong oras kong ginugol ang sarili ko sa pagrereview. Maya-maya ay biglang huminto ang kotse kaya agad na napaangat ako ng tingin.

"Nandito na tayo," anang ni Kuya Leo.

Tumingin ako sa labas. Marami ng estudyanteng pumapasok sa university. Kinalas kona ang nakakabit sa 'king seatbelt at lumabas. Umikot ako para pumunta sa driver seat. Binuksan ni Kuya Leo ang bintana ng kotse.

"Kuya Leo, huwag na po kayong maghintay sa 'kin, umuwi nalang po kayo. Baka po kasi matagalan pa ako." Ayoko namang maghintay pa siya at hindi korin gustong makaistorbo ng tao.

"Hinihintay nalang kita. Kung babalik agad ako sa opisina ni Sir. Knoxx ay baka pagalitan ako dahil hindi ko sinunod ang utos niya."

Nakaramdam ako ng awa dahil sa sinabi niya. Kung sabagay... Mapapagalitan talaga siya. Pero kasi... Nakakahiya naman kung maghihintay pa siya dito mamayang alas dose ang tapos ng exam baka magutom siya kakahintay sa 'kin.

Every Wild Needs Innocent  [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon