C H A P T E R 12

4K 171 3
                                    

"What's wrong with you bro,"


Sabi ni Sir Adamson kay Sir Troy dahil sa ginawa nito. "Trabaho niya 'yan, bakit mo siya tinutulungan?" Umiling ito habang nakangisi.

Tama naman si Sir Adamson hindi niya ako kailangan tulungan dahil trabaho ko 'to. Pero nagulat talaga ako pagkuha niya ng tray kanina. Hindi ko inaasahan 'yon.

"I just helped him. What's wrong there?" Pormal nitong sagot bago umupo.

"Tsk!" Usal ni Sir Adamson.

"Next time, don't be interfere." Sarkastikong saad ni Mr. Knoxx.

Hindi ko mapagtanto kung si Sir. Troy ba ang pinatatamaan niya sa binitawan niyang salita o ako. Kung si Sir. Troy 'yon ay huwag sanang siyang magalit, mas mabuti nalang na sa 'kin siyang magalit dahil hinayaan kolang si Sir. Troy na gawin niya 'yon.

Pagbaba ng tray ay agad na akong nagpaalam sa kanila para umalis at hindi makaabala sa pagkain nila. Kalaunan, bumalik ulit ako sa pagta-trabaho at habang kumukuha ako ng orders ay hindi ko maiwasang mapasulyap sa kanila. Habang nagta-trabaho ako ay hindi ako kumportable para kasing may nakamasid sa bawat galaw ko.

Ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang 'yon, at nag pokus sa ginagawa ko.

Nang makuha ko ang mga orders  ng costumer ay bumalik ako sa loob ng kusina para ibigay ang mga orders sa chef's.

"Jullian may ginagawa ka paba?" Tanong ng isang kasamahan ko na abalang naghuhugas.

"Wala na, bakit?" Pabalik kong tanong sakaniya.

"Paserve naman nitong wine sa table 7. Okay lang?"

"Oo naman," agad kong sagot.

Tumayo ako at lumapit sa food stroller. Itinulak ko ito palabas ng kusina. Nakalagay 'yong wine sa bucket of ice para panatilihing malamig ito.

"Hi Sir, this is your wine," sambit ko, tumigil naman sila sa pag-uusap para tingnan ako. "I will put a lot of wine in your glass, Sir..." Inintay ko itong sumagot at mabilis naman siyang tumango. Binuksan ko ang bote ng wine at sinalinan ang wine glass nila.

"Enjoy your wine Sir," sabi ko bago umalis. Iniwan kona sakanila 'yong wine at ice bucket 'tsaka ko na 'yong babalikan kapag tapos na sila.

Habang pabalik ako sa kusina ay sinipat ko nang tingin ang puwesto nila Sir Troy. Napansin kong dalawa nalang sila roon at wala si Mr. Knoxx. Nasaan kaya siya? Nang matauhan ako ay bigla akong napailling, teka nga... Bakit koba siya hinahanap?!

"Bakla ka, talagang nag hand to hand ka kanina huh!" Bahagya akong nagulat dahil bigla siyang sumulpot sa tabi ko. Ito talagang babaeng 'to! Parang tanga!

"Ito naman, nakakagulat ka!" Bulong ko.

Tumawa lang ito at nagsalita.

"Ako 'yong kinakabahan para sa'yo kanina eh, feeling ko anytime, mahuhulog 'yong bitbit mo orders," komento niya.

"Nagmamadali kasi ako kanina eh," sagot ko naman sa kaniya. Kahit ako ay nagtataka sa kinikilos ko kanina para akong natataranta lagi.

"Oo nga eh. Sa pagmamadali mo, nakalimutan mong gumamit ng food stroller kanina. Buti kinaya mo..."

'Tsaka 'ko napagtanto nang banggitin niya 'yong food stroller. Oo nga no...nakalimutan kong gamitin 'yon kanina dahil sa pagmamadali ko.

"Hindi kona naalalang gamitin kanina." Pagsasabi ko nang totoo.

"Hayst, nakakaloka ka talaga! Mabuti nalang talaga at hindi nahulog 'yon kung hindi...baka na bog-award kananaman sa manager na 'tin kung nangyari 'yon." Bakas sa boses niya ang pagaalala.

Every Wild Needs Innocent  [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon