C H A P T E R 42

2.7K 110 2
                                    

"Baby... Are you alright?"

Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang boses ni Knoxx. Tumuwid ako sa pagkaup at tumingin kay Knoxx. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namamalayan na hindi kopa nauubos ang pagkain ko. At hindi korin naririnig ang boses niya.

"You seem anxious," nag-aalala niyang saad.

Umiling ako. "Wala 'to. Napagod lang ako sa school works," sabi ko.

Ang mga mata niya ay naaawang tumingin sa 'kin. "Don't put too much pressure on yourself to study. I know grade are important, but you have to take care of your health and mental health," aniya. "Grades don't define who you are. They just a number that shows how much you need to improve. And i believing you are so much more."

Tila nawala ang mabigat na nararamdaman ko ng sabihin niya iyon. Sa mga salitang binitiwan niya ay parang naalis lahat ng hindi magandang nangyari kanina. Si Knoxx lang pala ang makakatanggal nang bigat ng nararamdaman ko.

Ngumiti ako. "Salamat."

"Don't be thankful. That's my responsibilities, to ease my boyfriend's heavy feelings."

Pinagpatuloy namin ang pagkain. Naghari ulit ang katahimikan nang basagin niya iyon ng tanong.

"What's your for tomorrow?"

Nginuya at nilunok ko ang pagkaing nasa bibig ko. Napaisip ako bigka Bakit...anong mayroon bukas? Anong dapat kong planuhin. Wala naman diba?

"Anong mayroon bukas?" Nagtataka kong tanong.

Ngumisi siya. "Pati ba naman mahalaga araw mo ay nakalimutan muna," hindi makapaniwalang niyang sabi.

Nakakunot ang noo ko habang iniisip ang mga sinasabi niya. Hindi ko talaga maintindihan kung anong mayroon bukas, wala akong ideya. Atsaka anong mahalagang araw ko bukas? Wala naman mahalaga bukas kundi pumasok ako at iyon na 'yon wala na paanong naging mahalaga 'yon?

"Bakit? Wala namang mahalagang mangyayari bukas?" Wala akong maintindihan sa gusto niyang sabihin.

"Tomorrow, it's your birthday. Did you forget?" Aniya at umarko ang kilay.

Ahh... 'yon lang naman pala.

"Oo nga," sambit ko sa malumanay na boses. Hindi ako nakakaramdam ng pananabik sa tuwing darating ang kaaarawan ko, dahil wala namang espesyal do'n, simpleng araw nalang iyon para sa 'kin.

"Yeah, where do you want to celebrate?" Tanong niya at sumimsim ng tubig.

Nabuntonghining ako. "Kahit huwag na, sanay naman na akong walang celebration atsaka hindi ako naghahangad ng gano'n. Lilipas rin naman 'yong araw ng kaarawan ko."

Natatandaan ko no'ng mga panahon na nasa bahay ampunan ako ay madalas akong pag-handaan nila sister's kahit hindi gaanong magarbo.   'Yon na ang pinaka huling celebration ko ng kaarawan ko. Simula no'ng lumuwas ako nang manila ay sinasanay kona ang aking sarili na huwag ng mag celebrate ng kaarawan ko dahil lilipas rin naman iyon.

"That's not okay for me," aniya. "Magce-celebrate tayo sa ayaw at sa gusto mo."

"Knoxx huwag ka nang mag-abala pa," pang-aapila ko. Dahil ayoko siyang ma-abala dahil lang kaarawan ko bukas.

"Don't be naughty. Remember? i'm your boyfriend From now on, we will celebrate your birthday."

Bumagsak ang balikat ko at hindi na muling umipila. Bakit niya ba ginagawa ang mga ito? Hindi porket boyfriend ko siya ay obligado at reponsibilidad niya na 'ko. Nahihiya ako sa kaniya. Gustong masanay na maging independent, pero dahil sa kaniya ay parang nauudlot iyon. Hindi na muli ako nakapag salita at inubos nalang ang kinakain.

Every Wild Needs Innocent  [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon