C H A P T E R 43

2.6K 102 3
                                    

BIYERNES, ng umaga. Tunog ng cellphone ko ang gumising sa 'kin. Nanatiling nakapikit habang kinakapa ng kamay ko ang aking cellphone. Bakit naman may ganito kaagang tatawag sa 'kin, inaantok pa ako.  Kinuha ko ito at binuksan. Naningkit ang mga mata ko dahil sa ilaw ng screen. Hindi ko masyadong maaninaw kung sino ang tumatawag kaya sinagot ko nalang.

"H-hello..." Nangangrap pa ang boses ko dahil sa bagong gising.

[HAPPY BIRTHDAY JULLIAN!!!]

Parang humiwalay ang kaluluwa ko dahil sa malakas at matinis boses Marjie. Grabe naman 'to, kung makasigaw! Nagising ang natutulog kopang diwa ko dahil sa pagsigaw. niya. Siguro kung katabi kolang siya ay kanina pa siya nakatikim ng batok. Nakakahiya sa mga katabing kuwarto namin. Ang lakas ng boses, nakakabulahaw ng mga natutulog.

"Hoy! 'yong boses mo puwede bang mapakihinaan," saway ko sakaniya.

Humagikgik lang ito sa kabilang linya.  [Sorry. Happy birthday ulit]
gamit niya ang mahinang boses.

"Napatawag ka nga pala. Umagang-umaga, natutulog pa ako." Humikab ako pagtapos magsalita.

[Mukha nangang inaantok kapa] Tumatawa ito ulit. [Napatawag lang ako para batiin ka. Happy birthday. Matulog kana ulit. Mamaya nalang ako tatawag, bye!]

Pinatay niya na ang tawag. Napaismid ako. Tingnan mo! Pagtapos akong gisingin, papatayan ako ng tawag. Napailing nalang ako at tumayo sa kama dahil nawala na ang antok ko kanina dahil sa sigaw ni Marjie. Pagtayo ko ay bigla kong matanto na wala sa tabi ko si Knoxx. Naalarma ako, nasaan na siya? Binilasan ko ang paglilinis ng kama 'tsaka lumabas ng kuwarto, ngunit bigo ako dahil walang Knoxx na bumungad sa 'kin. Naging matamlay ako at napakibit-balikat. Umalis na siguro siya.

Wala ako sa sariling pumasok sa kusina. Nakita kong may nakatakip na kung ano sa lamesa at sa taas ng pantakip na 'yon ay mayroong sticker note. Tinanggal ko iyon sa pagkakadikit at binasa.

Good morning baby. I'm sorry if i couldn't say goodbye to you personally, because I don't want to disturb you in your deep sleep. I have an urgent meeting today. I cooked your breakfast, just eat it when you wake up. Eat well. Have a nice day baby. Happy birthday. I love you.

-YourBoyfriendKnoxx.

Bigla akong sumigla ng mabasa ang iniwan niyang sulat. Parang napawi ang pagkatamlay ko kanina at napalitan ng kasiglahan. Sa lapad ng ngiti ay para yatang mapupunit ang labi ko. May kung anong kumikiliti sa loob ng aking tyan habang iniisip kung paano niya 'to sinusulat kanina habang nasa kalagitnaan ako ng pagtulog. Nakaplaster parin sa labi ko ang malapad na ngiti, hindi iyon mapawi. Nababaliw na yata ako. Nilapag ko ang stickernote at tiningnan ang niluto niya. Pagbukas ko palang ay mabangong aroma agad ng ulam ang naamoy ng aking matangos na ilong. Talagang nag-effort pa siyang magluto para sa 'sakin. Grabe ka Knoxx, hindi ko inaakalang kaya mong gawin ang lahat ng ito. 

Umupo na ako at nagsimulang kumain. Pagtapos no'n ay nagasikaso narin ako para sa pagpasok. Nanlaki ang mata ko dahil 8:20 agad, binilisan kona ang pag-aayos ng aking sarili. Ba't naman ang bilis ng oras? Nang matapos ako sa aking morning routine ay napagpasyahan konang pumasok.

Hinatid ako sa university ni Kuya Leo dahil may urgent meeting si Knoxx. Nilalakbay ko ang pasilyo na papunta sa building namin ng maisipan kong i-update si Knoxx.

Ako:

Knoxx nandito na ako sa university. Thank you sa pagluluto ng agahan ko. Ingat ka. I love you.

Napangiti ako at sinend iyon. Pagpasok ko sa room ay may iilan ng mga blocksmates ko ang nandoon. Half lang kami ngayong araw dahil biyernes. Nasa kalagitnaan ng pag-iingay ang mga blockmates ko ng tumahimik sila ng pumasok si Mr. Santos, natural science ang hawak niyang subject sa 'min.

Every Wild Needs Innocent  [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon