C H A P T E R 17

3.8K 156 2
                                    

AGAD, kong kinapa ang suot kong apron at doon ko napagtanto na wala iyon sa suot apron ko. Umangat ako nang tingin at marahan na kinuha ang kwintas ko na nasa kamay niya.

"Thank you Sir," nahihiya kong wika. Nakakahiya siya pa talaga nakadampot!

"You're welcome, pag-alis mo kasi kanina nahulog mo 'yan. Good thing, ako ang nakadampot. It hard to find you because there's a lot of people's in this bar. Suddenly, nakita kitang palabas ng restroom."

"Pasensya na sa abala Sir."

"No problem."

Nagpaalam na siya at ako naman ay bumalik na sa aking ginagawa.

Pagkatapos nang trabaho namin ay umuwi na kami sa boarding house napa-upo sa kama at kinalikot ang cellphone ko. Samantala, nakatulog na agad si Marjie pagtapos niyang magbihis. Inilapag ko muna ang cellphone ko sa kama para magbihis at binalikan ko ulit ngunit may biglang nagchat sa 'kin kaya mabilis ko itong tiningnan.

Troy_Jullian: Good evening, I just want to remind you, namay lakad tayo bukas. I pick you up in 9:30AM. Goodnight, sleep well, sweet dreams.

Ngayon kolang naalala namay lakad pala ako bukas, sasamahan ko si Troy na bumili ng pang regalo sa kapatid niya. Nag reply lang ako sa chat niya, tinabi sa ilalim ng unan at humiga na.

Mahapdi ang mata ko pag-gising kinabukasan. Naghikab pa ako dahil inaantok pero dahil may lakad ako mamaya ay maaga akong gumising. Inayos kona ang sarili kong kama bago lumabas. Naghilamos muna ako bago lumabas para bumili ng almusal ko.

"Ate isang spaghetti nga po," sabi ko.

Sumandok na siya at inabot sa'kin, binigay ko naman ang saktong bayad bago lumabas. Pagdating ko sa aming boarding house ay dumiretso agad ako sa kusina para kumain. Nang matapos ako ay nagsipilyo muna ako bago pumasok sa C.R para maligo.

Sinuklay ko ang malambot kong buhok habang nakaharap sa salamin. Pinagmasdan ko ang sarili ko para tingnan kung maayos ba ang suot ko. Lumang polo shirt na puti namay design na feather na kulay grey lang at itim na pants ang suot ko binigay kolang ito ng white/black kong rubber shoes. Gustuhin ko mang makabili ng bagong gamit para sa sarili ko ay minabuti ko munang mag-ipon at tiisin muna ang sinusuot ko, atsaka hindi panaman sira kaya walang rason para bumili ako.

Nasipat ko nang tingin ang naka-charge kong cellphone dahil tumunog ito. Lumapit ako rito at tiningnan.

Troy_John: I'm on my way Jullian

Nagreply agad ako sa chat niya at inilapag ang cellphone. Mga ilang minuto ang lumipas ay may narinig akong busina mula sa labas. Agad akong napatayo mula sa pagkaka-upo at kinuha ang cellphone bago lumabas ng kuwarto. Dumungaw ako at natanaw ko ang pamilyar na kotse na iyon. Nandito na siya! Mabilis akong bumaba ng hagdan.

Nang makalabas ako ng gate ay bumungad sa 'kin ang nakabukas na bintana ng kotse nito Troy. Nakasuot siya ng shades na itim na bumagay sa suot niya at ang aliwalas rin ang itsura niya na mas lalong dumadagdag sa aura niya. Hindi ko inaakala namay kagwapuhang tinataglay si Troy. Siguro'y noon kopa hindi masyadong napapansin 'yon dahil abala ako sa pagta-trabaho.

"Good morning Si—Troy." Muntik ko pang masabi 'yong "Sir" mabuti nalang at naalarma agad ako.

Ngumiti ito pabalik. "Good morning."

Umiikot at nakita kong bukas na ang pinto ng kotse kaya sumakay na ako.

"Did you eat your breakfast? Kung hindi puwede tayong sumaglit sa fast food chain," Alok niya nang makasakay ako.

"Huwag napo kayong mag-abala Troy, kumain na ako bago umalis," sabi ko.

"Good to know. So, let's go." Pinaandar na niya ang kotse at umalis na kami.

Every Wild Needs Innocent  [C O M P L E T E D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon