Chapter 04

42 5 0
                                    

Chapter 04

**

Dahan-dahan kong inayos ang nagulo kong buhok nang umalis si Miss Alice. Hindi ko naman ipagkakaila na masakit ang ginawa niyang pagsabunot pero nawala 'yun sa isipan ko dahil sa pagtatanggol sa'kin ni Sir Kleiner.

"Isla, are you okay? I'm sorry." Sambit niya sa isang malumanay na boses.

Tipid akong ngumiti at tumango, "Okay lang po, Sir Kleiner... Kasalanan ko rin po dahil hindi ko inayos ang pagluto ng pagkain sa girlfriend niyo."

Kumunot ang kaniyang noo, "She's not my girlfriend. She's just a fling."

Ngumuso naman ako at tumango, "Pasensiya na po talaga, Sir Kleiner. Kakainin ko na lang po ang luto ko. Hindi ko kasi talaga alam ang pagluluto pero nagsubok po ako."

Hindi ko kasi kayang tanggihan si Miss Alice kanina dahil sa pagkakaalam ko na baka girlfriend nga siya ni Sir Kleiner pero hindi naman pala. Kitang-kita ko rin kung paano ako pinagtanggol ni Sir Kleiner kay Miss Alice. Pinalayas niya pa ito sa bahay niya.

Pero bakit sinabi niya na girlfriend siya nito kahit hindi naman pala? Puwede pala 'yon?

"It's not your fault, Isla. Sit down, kakainin natin ang niluto mo." Seryosong sabi ni Sir Kleiner.

Halos manlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Bago pa ako makapagreact sa sinabi niya ay umupo na siya pero ako ay nanatiling nakatingin sa kaniyang galaw.

Nag angat siya ng tingin sa'kin. "I said sit down, Isla. Kakain tayo."

Natauhan naman ako sa kaniyang sinabi at mabilis na umiling. "Sir Kleiner, hindi niyo naman po kailangan kainin ang sunog na luto ko..."

Kinunutan niya ako ng noo. Kinuha niya ang tinidor at naghiwa ng hotdog at sinubo ito. Nakita ko pa ang pagsinghap ng ibang katulog habang nakatingin sa'min.

"It's not that bad, Isla. Tinikman ko na kaya umupo kana dahil may pupuntahan pa tayo." Wika niya habang ngumunguya pa rin.

Tinikom ko na lang ang bibig ko at umupo sa kaniyang harapan. Nahihiya kong kinuha ang kutsara't tinidor at kinain ang sunog na pagkain. Binilisan ko na lang ang pagkain dahil ayoko na ulit maramdaman ang nararamdaman ko ngayon kay Sir Kleiner.

Sobrang mabait siya sa'kin at pakiramdam ko nagugustuhan ko ang ginagawa niya. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas ng ganitong trato sa'kin at pilit kong isisiksik sa kokote ko na mabait lang talaga siya at walang malisya 'yon.

"Isla," Tawag sa'kin ni Rana habang naglilinis ng plato.

Kinagat ko ang ibabang labi ko ng maalala ang mga sinabi niya sa'kin tungkol kay Sir Kleiner. Mukhang tama naman siya dahil iba't ibang babae ang inuuwi niya sa kanilang bahat at pagkatapos papaungulin sa guest room.

"Hindi ko naman sinasadyang magluto..." Mahinahon kong sabi.

Nakita ko si Ate Paula na papunta sa kinaroroonan ko ngayon ay pareho na silang nasa harapan ko ni Rana at parang may gustong sabihin sa'kin dahil sa kanilang itsura.

"Hindi naman 'yan ang gusto kong sabihin, Isla." Nag aalalang mukhang sabi ni Rana.

Tumikhim si Ate Paula at binigyan ako ng tingin na hindi ko mapaliwanag.

"Ngayon lang namin nakita si Mr Filomeno na ganoon itrato ang kaniyang mga kinakama. Madalas ay kapag umaga dapat wala na sila kaya hindi niya nasisigawan at napapalayas pero kanina..."

Huminga ng malalim si Ate Paula. Habang ako ay seryosong nakatingin at nakikinig lang sa kanila. Mukhang may mga kailangan akong malaman kay Sir Kleiner, e.

Just Lust (Desire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon