Chapter 02

51 5 0
                                    

WARNING: This chapter contains mature content that might be disturbing for young readers. If you're a minor, please, skip this part. (SPG/R18)

-

Chapter 02

**

Tinalakay lahat ni Sir Kleiner sa'kin ang mga gagawin at hindi dapat gawin sa kaniyang bahay. Halos hindi ko ma-memorize dahil sa dami niyang sinabi na dapat pala ay sinulat ko sa papel.

"Natandaan mo ba lahat ng sinabi ko?" Tanong niya habang humihithit ng sigarilyo.

Napakamot ako ng ulo. "H...Hindi po masyado, Sir Kleiner. Puwede po bang pakiulit? Ililista ko lang." Ngumuso pa ako at nagmamag asang pumayag.

Hindi ko naman kasi alam na madami talaga siyang kailangan ihabilin sa'kin. Akala ko taga linis lang ako, hindi pala! Kailangan nakabuntot din ako sa kaniya kahit saan siya pumunta.

Nanliit ang mga mata niya sa'kin. "No need. Pinakagagawin mo lang ay ipagserve ako at lagi ka dapat nasa tabi ko kapag kailangan kita. Naiintindihan mo ba, Isla?"

Tumango-tango ako. "Uhm, Sir Kleiner..."

"Yeah?"

Inalis niya ang sigarilyo sa kaniyang bibig at pinihit sa ashtray para patayin ang usok bago tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"K...Kahit ba may kasiping ka dapat nandoon ako?"

Hindi ko alam kung bakit ko natanong ang bagay na 'yon pero kailangan dahil sabi niya sa'kin kailangan lagi niya akong nasa tabi. Paano naman kapag may kasama siyang babae, kailangan ba nandoon ako?

Nakita kong napaawang ang kaniyang bibig. Kalaunan ay bigla siyang napahalagakpak ng tawa.

"Damn. This is crazy, Isla. You're too innocent. Hindi mo ako kailangan bantayan kapag may babae akong kasama." Tumatawa niya pa rin na sabi.

Tipid akong ngumiti at tumango. "Masusunod po, Sir Kleiner."

"Depende nalang kapag gusto mong sumali." Ngumisi pa siya at tumayo.

Nanlaki ang mga mata ko. "Po?!" Gulat na sabi ko sa kaniyang sinabi.

"I'm just kidding. I'll go to bed now. Mapahinga ka na rin." Sabi niya at nauna ng umalis sa'kin sa balkonahe.

Sinunod ko ng tingin ang bawat hakbang niya. Nakita ko na sumusunod sa hakbang niya ang kaniyang puwet. Ang tambok! Sa sobrang tangkad niya, ang angas ng kaniyang tindig at stilo.

Nang mawala siya sa paningin ko ay mabilis na lang din akong naglakad papunta sa guest room na tinuro sa'kin ni Rana. Pakiramdam ko masasarapan ako ng tulog pero nagbigay nga pala ng call time si Sir Kleiner sa'kin.

Ang lamig at ang kapal ng kumot! Sobrang ganda ng ilaw at para na tuloy ako mayaman! Pero personal maid lang pala ako ni Sir Kleiner. Kahit na! Atleast sa tanang buhay ko naka-experience ako ng ganitong buhay. May kutson at malalambot na unan. Makapal na kumot at malamig na kuwarto. Halos kumpleto na lahat sa loob ng guest room na tinuluyan ko.

Ganito ang balak ko kina Tatay at Nanay. Di baleng hindi malaki ang mapundar ko basta may sapat sila na supply ng mga pangangailangan.

Humikab ako. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at tuluyan na akong dinalaw ng antok.

"Ohhh! Sige pa! Faster, Klay!"

Isang malakas na ingay ang gumising sa'kin. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at kinusot. Tinignan ko ang oras sa dingding at ala una pa lang ng madaling araw.

Just Lust (Desire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon