Chapter 25
**
Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko sa paghihintay kay Kleiner dahil alas dies na nang gabi pero wala pa rin siyang mensahe at hindi pa rin siya nakakauwi. Kagat kagat ko na ang aking kuko dahil nag aalala ako.
Ilang beses na rin akong sinabihan nila Ate Paula na matulog na dahil baka sa manufacturer matutulog si Kleiner pero hindi ako nakinig dahil nag aalala ako. Gusto ko pa rin na mag iwan siya ng mensahe sa'kin na ayos lang siya.
Nakailang inom na rin ako ng tubig habang hawak hawak ang cellphone ko na panay tingin kung may mensahe na ba siya. Lumipas pa ang isang oras pero wala pa rin akong nasasagap na balita sa kaniya.
"Isla? Matulog ka na baka mamaya pa dating ni Sir Klay. Magagalit 'yon kapag nakita niyang ganiyan ka." Si Rana nang lumabas ng kaniyang kuwarto.
Kinagat ko ang ibabang labi ko, "B-Baka napano na siya... may problema siya e', nag aalala ako. Hindi rin ako makakatulog."
"Pero Isla... mas mag aalala sa'yo si Sir Klay kapag ganiyan ka. Baka mas madagdagan pa 'yung iniisip niya kapag nalaman niyang pinabayaan mo sarili mo ngayon. 'Ni hindi ka nga kumain."
"Hindi ako nagugutom."
Sa totoo lang hindi lang talaga ako makakain dahil sa pag iisip sa kaniya. Para bang iluluwa ko lang ang kakainin ko kung sakaling kakain ako.
"Naku Isla! Baka kami ang malagot nito bukas kay Sir Klay. Basta kumain ka kapag nagutom ka ha?!" Nag aalala niyang sabi.
Tumango na lang ako sa kaniya. "Oo... Hintayin ko lang si Kleiner."
Kita ko ang pag aalala sa mukha ni Rana pero wala rin siyang nagawa kundi ang tumango na lang sa'kin at pumasok siya ulit sa kaniyang silid.
Tumingin ako sa oras ng cellphone ko at ilang minuto na ang lumipas mula nang mag alas onse. Dinadatnan na ako ng antok pero sinimulan kong labanan, hindi rin ako nakapag aral kahit bukas ay may recitation kami at test sa chemistry.
Nakarinig ako ng makina ng sasakyan na papasok. Nabuhayan ako ng loob at napatayo mula sa pagkakaupo, lumapit aoo sa may pintuan at nakita ko ang pagpasok niya sa pintuan.
Namumungay ang kaniyang mga mata at halatang galing siya sa pag iinom. Napatingin siya sa'kin, hindi nagbago ang kaniyang itsura, kung paano niya ako nakita ay ganoon pa rin.
"Why are you still awake?" Tanong niya sa isang malamig na paraan.
Hindi niya ako hinalikan...
'Yan ang nasa isip ko. Nasanay ako na kapag magkikita kami at hindi puwedeng hindi niya ako bigyan ng halik kahit sandali lang 'yon pero ngayon ay nakakapanibago ang kaniyang kilos. Parang iba ako sa kaniya... dahil halos hindi niya rin ako matignan.
"H-Hinihintay kita..."
"I didn't tell you to wait for me."
Halos mapapikit ako ng mariin sa malamig niyang pakikitungo sa'kin. Binalewala ko 'yun dahil alam kong may problema lang siya sa kaniyang manufacturer at ayokong dagdagan pa ang kaniyang iniisip.
"N-Nag aalala lang naman ako... Hindi ka nagtetext, hindi ko alam kung n-napano ka na..." Nanginginig na ang boses ko.
"I don't need to update you everyday."
Nasundan ng mga mata ko ang paglakad niya palayo sa'kin. Bumagsak ang mga luha sa mata ko, napaupo ako sa sahig dahil pakiramdam ko nanghina ang buong katawan ko sa kaniyang inakto.
Kinaumagahan, hindi ko naabutan sa kusina si Kleiner. Sa pagkakaalam ko ay tulog pa rin siya hanggang ngayon dahil napuyat siya kagabi at nakainom siya hindi kami magsasabay ngayon sa pagkain ng pang umaga.
BINABASA MO ANG
Just Lust (Desire Series #1)
RomanceSi Isla ay laki sa hirap at tanging sa masikip na eskinita lang siya nakatira kasama ang mga magulang niya. Sa murang edad, nagsimula na itong maglako ng paninda hanggang sa pagtanda ay naglalako pa rin siya. Nangarap siya na makapag aral ng kolehiy...