Chapter 30
**
Apat na taon na ang lumipas. Nakagraduate na ako ng kolehiyo sa kurso kong medisina at nakuha ko ang titulo ng pagiging magna cum laude. Sa apat na taon na lumipas, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makapagtapos ako na may kaya akong ipagmalaki, sa ngayon tapos na ako sa premed ng medisina at itutuloy ko sa Manila ang panibagong apat na taon na pag aaral para maging isang ganap na doktora na.
Mag tatake rin ako ng PLE, dahil kailangan 'yon para makapasok sa isang hospital. Hindi kasi basta-basta ang pagmemedisina lalo na't hawak mo ang buhay ng isang tao. Kapag may mali kang nagawa ay maaaring ikapahamak ng pasyente.
"Isla, dala ko ang sasakyan ko. Sakay ka na lang sa'kin kung gusto mo ng umuwi ng Manila."
Hindi nga nagsinungaling si Third na susundan niya ako sa Tarlac dahil ilang araw mula nung makalipat ako ng TSU ay sumunod siya at naging magkaklase kami. Siya ang summa cum laude ng klase, kaya proud na proud ako sa kaniya. Dahil matalino talaga siya at halos wala siyang mali sa mga recitation, exam, o anumang aktibidad.
Tumango ako. "Mag aayos lang ako ng gamit at bukas luluwas na tayo ulit sa Manila."
"Sigurado ka na ba d'yan?"
"Bakit naman hindi? Kailangan kong mag aral sa medisina."
'Yun lang talaga ang magiging rason ko sa pagbalik ng Manila. Ang tungkol sa ibang bagay ay ipagbabalewala ko muna dahil hindi na ako handa muli sa bagay na 'yon. Masyado na akong nasaktan at nalait, kailangan ko munang may patunayan sa lahat.
Umiling siya, "How's your heart?"
Kumapa ako ng emosyon pero wala akong maramdaman na kahit ano pa. Sa apat na taon, tinuon ko ang sarili ko sa pag aaral at hindi ako nagbukas ng kahit akong social media account, libro lang lagi ang hawak ko at madalas pa ang pag aaral namin magkasama ni Third.
"Don't answer it." Dagdag niya, "Sila Tita Cista ba hindi sasama sa 'yo sa Manila?"
Umiling ako. "Hindi na. Nandito na ang hanap buhay nila. Ako lang ang kailangang lumuwas, kapag may oras ako ay bibisitahin ko sila pero kung kailangan nila ng pera ay magpapadala ako."
Tinanguan niya ako. "So, tomorrow then. I'll be here in the morning, para hindi tayo gabihin sa biyahe."
"Oo sige. Basta itext mo 'ko kung sakaling gumagayak ka na."
"I will. I'll go first, I need to wash myself."
Nang makaalis si Third ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Nakita ko si Nanay na naggagantsilyo sa may sala habang si Tatay ay may ginagawa sa may kusina. Mukhang nasira na naman 'yung tubo ng giripo namin.
"Isla 'nak, bukas na ang luwas mo?"
Tumango ako, "Oo 'nay. Kailangan na dahil ilang araw na lang pasukan na naman."
"Sa DU ka mag aaral?"
"Oo 'nay. Maganda kasi ang pag aaral sa DU, hindi dahil sikat kundi magaling ang mga professor, talagang pipigain ka nila sa recitation at exam."
Nagluha ang mga mata ni Nanay at tinigil muna ang kaniyang ginagawa. Tumayo siya at lumapit sa'kin, nilagay niya ang takas kong buhok sa likuran ng tenga ko at ngumiti.
"Pasensiya ka na Isla kung naging mapait ang tadhana sa 'yo."
Ngumiti ako at umiling, "Okay na rin 'yon 'nay. Huwag na lang po natin pag usapan, dahil tinahak naman ako sa magandang daan ng pagsakripisyo ko."
"Kahit na... alam ko naman kung gaano mo kamahal si Mr Filomeno-"
"'Nay, kain na po tayo." Pagputol ko sa kaniyang sinasabi. "Nagugutom na po ako."
BINABASA MO ANG
Just Lust (Desire Series #1)
RomanceSi Isla ay laki sa hirap at tanging sa masikip na eskinita lang siya nakatira kasama ang mga magulang niya. Sa murang edad, nagsimula na itong maglako ng paninda hanggang sa pagtanda ay naglalako pa rin siya. Nangarap siya na makapag aral ng kolehiy...