Chapter 41

29 4 0
                                    

Chapter 41

**

Napahinga ako ng maluwag nang mawala siya sa paningin ko. Matapos kong sabihin 'yon ay mabilis niya akong binigyan ng nakakatakot na tingin at lumabas na ng opisina ni Tanya. Napaupo ako dahil pakiramdam ko nanghihina ako sa ginawa kong pagsagot sa kaniyang Ama.

"I know Kuya Klay will be happy if he learns about this." Rinig kong sabi ni Tanya at inalukan ako ng tubig.

Si Jace naman, rinig kong tawag ni Tanya kanina sa kaniyang boyfriend kaya dapat tawagin ko na lang din siya sa pangalan niya. Umupo ulit si Jace sa isang gilid kung nasaan ang desktop, at parang walang pakialam sa nangyari.

"Hindi ko alam kinakabahan talaga ako..." Pag aamin ko dahil 'yun naman ang totoo.

"Hindi ka naman dapat kabahan. Sa ginawa mo, mas lalo mo lang binigyan ng rason si Kuya Klay para ipaglaban ka." Pagpapagaan niya sa loob ko.

"Hindi ako kinakabahan para sa akin. Kinakabahan ako para kila Nanay at Tatay, paano kung mapatumba nga sila ni Don Victor?"

"Hindi hahayaan mangyari 'yon ng boyfriend mo." Hinaplos niya ang balikat ko, "Huwag ka na muna masyadong mag isip. I already contacted Kuya Klay and I know anytime, darating na siya."

Nanlaki ang mga mata ko, "Bakit mo sinabi? Sigurado ako na mag aalala 'yun, oras ng trabaho niya."

"Okay lang, Isla. Nagsabi siya sa akin na kapag may kailangan ka, may nangyari sa 'yo, or what. Tawagan ko lang siya."

Hindi na ako nakasagot kay Tanya. Huminga na lang ako ng malalim at sinandal ang ulo ko sa pader na nasa likuran. Pinikit ko ang mga mata ko dahil nakaramdaman ako ng matinding pagod, hindi pisikal kundi sa pag iisip.

"Alam mo fighting for your love ones is really fulfilling. At least, sa huli alam mong pinaglaban mo siya. Kaya huwag kang masyadong mag isip, walang mangyayaring masama sa mga magulang mo. Magtiwala ka lang,"

"Sana nga."

Kinausap pa ako ni Tanya sa anong bagay pero hindi ang tungkol sa nangyari kanina. Pinalitan niya ang topic ng usapan namin at nakuwento niya rin ang istorya nila ni Jace Rocco. Sa totoo lang, sa bawat pagsalita niya ay napapangiti ako at magaan ang pakiramdaman ko sa kaniya. Pakiramdam ko malapit ang loob ko, parang sa kahit anong pagkakataon ay kaya niya akong patahanin.

Nawala ako sa pag iisip nang bumukas ang pintuan ng opisina ni Tanya. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakita kong pumasok sa opisina sila Nanay at Tatay, na umiiyak at parang may problema. Tumayo ako agad para daluhan sila.

"Ano pong nangyari, 'Nay? 'Tay? Bakit kayo umiiyak? May ginawa bang hindi maganda sa inyo-"

"Isla..." Pagputol ni Nanay, hinawakan niya ang kamay ko.

"Nay ano po ba 'yon?" Kabado kong tanong, binalingan ko si Tatay, "'Tay? Ano pong nangyayari?"

Napasulyap si Nanay kay Tanya at kita ko ang panlalaki ng mga mata niya. Sa naging reaksyon ni Nanay ay kumunot ang noo ni Tanya. Si Tatay naman ay hinawakan ang balikat ko. Hindi ko sila gustong makita na ganito, nasasaktan at umiiyak.

"Huwag po kayong mag alala, walang nangyaring masama kay Isla. Hindi siya sinaktan ni Mr. Filomeno." Nakangiting bigkas ni Tanya.

Hindi pa nakakapagsalita si Nanay nang bumukas ulit ang pintuan at pumasok si Kleiner. Mabilis siyang dumalo sa akin at hinawakan ang braso ko na para tinitignan kung maayos lang ba ang lagay ko.

"What happened Isla?"

"M-Maayos naman... Nakaalis na ang Ama mo."

"I was worried." Niyakap niya ako pero sandali lang.

Just Lust (Desire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon